[7] SALAWAHAN
NATHAN'S POV
Lumabas na ako ng videoke hub nung kumakanta si Austin. Wala lang, ang boring kasi ng boses eh.
Nang makalabas na ako, hindi ko alam pero parang may sariling isip ang mga mata ko na mapatingin sa mini-stage kung saan pwede kang kumanta publicly. Yun ay kung wala kang hiya.
Naalala ko tuloy nung mga panahon na nasa Germany pa kami ni Gail. M-W-F nights kami nagpeperform sa isang restobar dun for part time job. I really miss those days but it's all in the past already.
Na-realize ko nalang na nandito na ako sa harapan ng song list stand, nakahawak sa song book. Ang absent-minded ko naman. Pati paglakad papunta dito, hindi ko napansin.
Napatingin ako sa mini-stage, kakatapos lang kumanta ng babaeng ka-age gap ko. I don't know why I have this sudden urge to sing infront of the public. Tsk. Namimiss ko na talaga ang magperform... kasama ni Gail.
Napapikit ako ng mariin saglit at bumuntong-hininga. Pagkatapos nito, pagkatapos kong kumanta, kailangan ko ng mabuhay ng katulad ng dati. Yung dati na magkaibigan pa lang kami ni Gail. I have to apply my own advice to myself now.
'If you don't step-forward, you'll always be in the same place.'
MOVE ON. MOVE ON. MOVE ON.
Pumili na ako ng kanta at pumunta na sa videoke machine. Pagka-swipe ko ng card ko ay i-priness ko na ang song number ko.
"Go, kuya!"
"Yiieeeeee!"
Paakyat na ako ng mini-stage ng marinig kong may humiyaw ng ganyan. I just look at them and show my warm smile. Some of the audience shriek then. Sanay na ako sa pagpeperform kaya naman kumportable ako ngayon. Pagkatapos kong kumanta ay babalik na ako sa dati. Last na ito. I promise.
I reach for the microphone and compose myself. Hindi pa man nagsisimula ang kanta pero grabe na ang kabog ng puso ko. Potek, ang bading. Tuwing naririnig ko itong kanta na ito, napapangiti ako kasi ito yung unang rason kung bakit lumakas ang self-esteem ni Gail. Ito yung kantang kinanta namin nung nasa cruise ship kami. Ganito rin yung scene nun, naglalaro kami ng arcades dun tapos niyaya ko siyang kumanta. May nakapanuod naman sa amin na organizer ng restobar dun at nagalingan sa amin kaya nakuha kaming pansamantalang performers habang nasa cruise kami. After that, we decided to look for a job when we arrived in Germany, at ayun nga naging part time job namin ang pagiging singers sa resto bar na luckily ay Filipino pala ang owner.
So much for the reminiscing, Nathan. Leave that all in the past, okay?
*NP: CRUISIN'*
Napatingin ako sa audience at wow, in an instant dumami sila. May mga nakatayo pa sa paligid. Hahaha. Napatingin ako sa may bandang entrance/exit ng Timezone. Nakita ko sina Kaye Anne at Austin na palabas. Naalala ko na duet pala ang kantang ito.
I just shrug my shoulders at my thought. Wala namang masama kung tatawagin ko si Kulet para maka-duet ko. Magmumukha naman akong timang kung kakantahin ko rin yung female part ng song. Kung bat naman kasi ito ang pinili ko. Bahala na .
"Kaye Anne, let's sing together..."
BINABASA MO ANG
AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]
Teen FictionIt seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and they're very much in love, with Kurt promising Gail that he will never leave her side. Pero hindi gano...