[72] I Am Tired

392K 8.5K 4.3K
                                    

[72] I AM TIRED

GAIL'S POV

Biglaan ang uwi ko sa mansion. I don't want to go to my parents' place. They just might gonna interrogate me regarding the reason why I suddenly go home. Buti pa dito sa mansion, walang masyadong makakaalam. Malaki masyado itong lugar na ito kaya hindi mapupunta sa akin ang attention ng mga tao.

"Miss Gail, good evening po..." Bati sa akin ng isang maid na nakasalubong ko. Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat sa grand staircase at dumiretso na kung saan ang kwarto ko. I immediately shut the door close and went to my queen sized-bed. Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang ay napatulala na ako.

I brushed my palm on my cheek and caressed it softly. Did that really happen? Sinaktan niya ako? Kaya niya na akong pagbuhatan ng kamay?

I snapped back from my reverie when I heard a loud knock at the door. Agad-agad akong tumalikod sa direksyon ng pinto at yumakap sa isang unan.

"Crystal Gail?"

Napapikit ako nang marinig ko ang mahinahong boses ni Lola Almira. Ayokong magsabi kay Lola. Ayokong malaman nila ang pinagdadaanan ko. Pakiramdam ko, nagiging pasanin na naman ako. Lagi nalang akong nagdadala ng problema sa pamilya.

"Bakit ka nandito? May problema ba?"

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa kaliwa ko. I tilted back my head to face her and faintly smiled.

"'La, don't worry about me. Kurt and I just had a petty fight." Hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay. "I'll be home soon, Lola. I just want to be alone. Pwede po bang dito muna ako?"

"Sigurado ka, apo?" She looked at my face with suddenly piercing eyes. She touched my cheeks that made me flinch a little. "Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Crystal Gail. Are you really okay?"

I sighed, "Opo, Lola. I am okay. Really." I lied. Am I really okay?

"Alam mo naman na ayaw na ayaw kong malungkot ka, diba? Ikaw pa naman ang kamukha ko noong kabataan ko," she planted a wet kiss on my forehead. "Alam mo naman na ikaw ang paborito kong apo. Ayaw na ayaw kong nakikitang nakabusangot yang magandang mukhang yan," she lifted up my chin to meet her gaze. "Sige ka, maapektuhan ang baby mo. Ang gandang lahi niyo pa naman."

"Ayos lang po talaga ako, Lola. Pwede po bang iwanan niyo po muna ako? Gusto ko na po kasing magpahinga."

She nodded her head slightly and messed my hair a bit. "You know, you can count on me, Crystal Gail. Just call me if you need me," tumayo siya at tinitigan ako. "I'm just here for you, apo."

I nodded my head in reply. Hindi na ako makasagot sa kanya dahil baka traydurin ako ng sarili kong luha. Ayokong ipakita sa kanila na pinanghihinaan na naman ako ng loob. Ayoko.

"Goodnight..." She murmured and turned her back on me. She was about to go out of the door when I called her. My throat suddenly felt swollen even more.

"Lola...." Kagaya ng katawan ko, nanginginig na rin ang boses ko. Napalunok ako nang tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipiit. Pakiramdam ko, sasabog ako kapag hindi ko inilabas ang sama ng loob ko. I think I need someone to talk to.

"I am tired... I am tired of understanding him."

A sob broke from my chest. I covered my mouth with my palm. Agad-agad naman akong binalikan ni Lola at hinaplos-haplos ang likod ko.

"Pagod na po ako. Kahit na nasasaktan na ako, hindi ko pa rin yun ininda. Inintindi ko p-pa rin po ang sitwasyon niya. Kahit na alam kong h-hindi naman niya kasalanan kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon, hindi ko p-pa rin po maiwasan na huwag masaktan. Sobra na po. H-Hindi ko na siya kilala. Ibang-iba na siya."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon