[16] CHECK-UP
GAIL'S POV
"♪♪ ~More than words~
Is all I have to do to make it real
And you wouldn't have to say~
That you love me~
Coz' I already know~♪♪"
Soundtrip kami oh! Hahaha. Nandito kami ngayon sa SM hypermarket at nagkataon na yan ang pinapatugtog dito. Naalala ko tuloy nung birthday ko one week ago. Diba More Than Words yung background song nung oras na surprise entrance ni Kurt? Sobrang saya ko talaga nun, swear.
"Hmmm~♪♪"
Napatingin ako kay Kurt ng marinig ko siyang mag-hum ng mahina. Naka-focus lang siya sa pagtingin-tingin sa mga bibilhin namin para sa pagpunta namin bukas sa Sitio Maligaya. Patuloy lang kaming dalawa sa pag-tulak ng push cart. Pa'no naman kasi hawak niya ang kaliwa kong kamay gamit ang kanang kamay niya, samantalang ang free hand namin ay nakahawak sa push cart. Sweet kami! Inggit kayo noh?!
"♪♪~ Now that I tried to talk to you
And make you understand~
All you have to do is close your eyes
And just reach out your hand
And touch me
Hold me close don't ever let me go~♪♪"
"Kurt, ang bongga ng pag-grogrocery natin noh? Sakto pa na yan ang pinapatugtog," nakangiting sabi ko. Naramdaman kong dahan-dahan niyang kine-caress gamit ang thumb niya ang likuran ng palad ko.
He looked to me and smiled a little, "You're going to call me that whenever we're in public?" Sabay tingin niya sa side ko. Kinuha niya ang 5 loaves of American bread saka niya inilagay sa cart namin. Ang dami naman nun. Kung sa bagay, sa X10 at kay Kaye Anne pa lang, kulang pa yan.
Teka, ano nga pa lang sinabi ni Kurt? "Ha? May sinabi ka?"
Tumawa siya ng mahina saka umiling. "Ang ibig kong sabihin, Kurt lang ang itatawag mo sa'kin kapag nasa public place tayo? Pero baby love 'pag tayong dalawa lang?" Saka naman siya kumuha ng Nutella. Oyy, Nutella.
"Sus, kailangan bang baby love lagi ang tawag natin sa isa't isa? Parang nakaka-------" I stopped when I saw him sending his glare to me. Uh, gangster nga pala ang isang 'to.
"Kinakahiya mo?"
I bit my lower lip and ran my fingers on my long hair, "'Di naman. Hehehe, sige na nga, baby love." Then I smiled.Kakaiba naman 'to. Diba mostly, lalaki ang nahihiya sa pagtawag ng terms of endearments in public? Ang baligtad namin.
Nginitian niya lang ako saka kami nagpatuloy na sa pag-ikot ikot sa loob ng grocery shop. Tinatamad na ako mag-ikot. Napapagod na ako. Si Kurt lang naman kasi ang pumipili ng bibilhin namin. Mas magaling siya sa ganitong bagay at nahihiya ako dun. Anla, turn off na ako sa sarili ko. Lol, naturn off sa sarili.
"Baby love, marami pa ba tayong bibilhin? Napapagod na ako eh," I said in a weak tone and pouted.
Tumingin muna siya sa akin saka nalipat ang tingin niya sa push cart namin. "Are you really tired now, baby love? 'Di pa kasi tayo tapos eh," nag-aalala niyang sabi.
Napabuntong hininga nalang ako saka ko itinukod ang siko ko at nangalumbaba sa push cart, "Tinatamad na ako."
I heard his soft chuckle so I looked up to see his face. He patted my head and held my hand again, "Tinatamad ka lang. Hindi ka pagod." Tinignan niya ang paanan ko saka siya umiling. "Naka-flats ka naman. Hindi ka naka-heels. C'mon, tapusin na natin ito." Saka niya ako hinapit sa bewang.
BINABASA MO ANG
AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]
Teen FictionIt seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and they're very much in love, with Kurt promising Gail that he will never leave her side. Pero hindi gano...