Chapter 18 - Friends

364 15 6
                                    

Muli po akong nagpapasalamat sa lahat ng sumosuporta sa She's Back! ^______^
VOTEs & COMMENTs are highly appreciated.

These are the products of my imagination. Please do not copy/reproduce in anyway.

©ALL RIGHTS RESERVED for She's Back by mysteriousmikage

_______________________

Clyde's POV

Lumapit na ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang balikat. Di sya gumalaw ni nagsalita. Nakatunghay lang sya sa akin habang ako ay titig na titig sa kanya. Di ko alam ano iniisip nya sa sinabi at para syang natitigilan. Maging ako hindi ko maintindihan bakit ko pa sinabi 'yon. Gusto ko maalala nya, para ano nga ba? Para malaman nya na hindi ako ang sumira ng pangako namin sa isa't isa. Na sya ang sumira ng binuo namin pangarap sa kwartong ito. Sa kamang ito. Hindi ang nangyari sa amin dalawa ang gusto ko ipaalala dahil alam ko kailanman ay di nya 'yon makakalimutan.

B*llsh*t Clyde! Ano nanaman ginagawa mo? Hindi yan makakatulong sayo para makamove-on. Protesta ng isip ko.

Agad ko sya binitawan at tumayo saka lumabas sa kwarto. Iniwan ko syang naguguluhan. Maya-maya ay lumabas na ito ng silid.

"Matagal ka pa ba?" iritadong tanong ko.

"O-okay na." takang ani nito.

Agad na akong nagpatiuna lumabas at dumiretso sa kotse ko. Lakad-takbo itong sumunod sa akin. Padabog kong sinara ang pinto ng kotse na ikinagulat nya. Pinaandar ko na ito at di umimik. May kabilisan ito pero di tulad ng kanina.

"What's wrong Clyde?" basag nito sa katahimikan. Di ko sya sinagot o tapunan manlang ng tingin. Ayoko na muling mawala sa katinuan ko at anu-ano nanaman pagsasabihin ko. Dahil na din marahil sa alak na nainom ko.

"Di kita maintindihan." inis na sabi nito na padabog na inayos ang upo. Hindi pa din ako nagsalita at para lang syang kumakausap sa hangin. Pinarada ko na sa gilid ng La Grande Hotel ang kotse at inintay ko syang bumaba ng di sya tinitignan. Ngunit may katagalan na kaming nakahinto ay di pa din ito bumababa. Napilitan akong lingunin sya ng may yamot.

"Di ka ba ba-" napatigil ako sa sinabi ko ng magsalubong ang mata namin. Galit itong nakatitig sa akin at parang gusto ako lamunin ng buhay nito. Nakipagtitigan din ako sa kanya ng may pait at galit sa mga mata.

Sa wakas ay sumuko din ito at bahagyang iniwas ang tingin. Nagpakawala ito ng malalim ng buntong hininga at kinagat ang ibabang labi. "Ang hirap ng ganito Clyde. Di kita maintindihan"

Nanatili akong nakatitig lang ngunit blanko na ang expresyon ko. Ramdam ko sa pagsasalita nya ang bigat ng dibdib nya. "Ang sungit mo, maya-maya ang gentleman mo. Bigla kang magagalit, at babait. Dededmahin ako, parang wala kang pakialam. Kinabukasan concern na concern ka, tapos bigla na lang para akong may nakakadiring sakit na ni tignan di mo magawa." bahagya nanginig ang boses nya marahil sa pagbabadya ng luha nito. Tanging titig lang ang sinagot ko sa kanya. Paano ko ba sasagutin ang mga sinasabi nya?

"Alam ko hindi madali pakitunguhan ang ex mo. Pero sana wag naman ganito Clyde. Nahihirapan din ako." tuluyan na umagos ang luha nito. Gusto ko pahirin ang luha nya ngunit pinigil ko ang sarili ko. "Akala mo ba madali para sa akin harapin ka? Hindi mo ba alam gaano kadaming lakas ng loob iniipon ko para maging normal lahat?  Kaya sana pakitunguhan mo ako ng ayos. Kahit 'yon lang Clyde. Okay na ako." Nanatili pa din akong walang imik. Ilan saglit na katahimikan ang mamutawi. Muli syang nagpakawala ng buntong hininga at ramdam ko ang gigil nito. "Clyde, wala na tayo. Matagal na! Let's move on! Pagod na ako kakalingon sa nakaraan Clyde. Masyado na masakit pinagdaanan natin baka pwedeng magkapatawaran na tayo. Kalimutan na ang nakaraan at maging masaya na lang tayo para sa isa't - isa."awtomatiko akong napatitig sa kanya. Inis, galit, pagkalito at lungkot ang nabanaag ko sa nagugulumunahan nyang mata.

Tama sya. Pero di lang sya nahihirapan dito at nasasaktan. Mukhang masaya na talaga sya kay Darren. Siguro ito na ang tinatawag na closure. Ngumiti ako at tinago ang pait na dala ng mga sinabi nya.

"You're right. Let's move on! Matagal na tayong wala at asawa ka na ni Darren. I'm happy for you, kasi natupad na ang pangarap mo na bumuo ng sariling pamilya. Di na nga lang sa akin tulad ng plano natin noon. Sana magkababy na din kayo. Lalaki gusto mong panganay di ba?" sagot ko na ngumiti.

Bahagya syang natigilan sa sinabi ko. Marahil ay ngayon ay naalala nya na kung ano gusto ko ipaalala sa kanya kanina.Ang binuo namin pangarap sa loob ng apat na sulok ng kwartong yon at sa gitna ng kama. Na patuloy ko pinaghawakan na pwede pang matupad ngunit ngayon ay tuluyan na inagos at nawala na parang bula.

"Salamat. So, friends?" nilahad nito ang kamay nya at pilit ang ngiti nito. Marahil kung di ko sya kilala ay sasabihin kong napakatunay ng kaligayahan nya ngunit kilala ko sya kaya ramdam ko ang sakit na nadarama nito.

"Friends." sagot ko na kinamayan sya.

"So, paano? Thanks for the ride and for saving me. Goodnight Clyde. Bye!" paalam nito na bumaba na sa kotse at patakbong pumasok sa hotel na di na lumingon pa. Nanatili akong nakatanaw sa dinaanan nya na parang nagiintay bumalik sya.

Tama na siguro ito. Sa kanya na nagmula. Wala na talaga. Bulong ko sa sarili ko at ngumiti ng mapait. Kung baga sa libro wakas. Sa pelikula finale na. Siguro nga hindi lahat ng ending masaya. Hindi lahat may second chances. Hindi porket mahal mo at mahal ka kayo na. At hindi lahat ng pakikipagkaibigan masaya. Dahil ang pinakamasakit ay ang tuldukan ng taong mahal mo ang relasyon nyo as friends.

"Goodnight Riz.  Goodbye."Marahil mas madali magmove on kung alam mo wala ng babalikan. Pero ang pagmamahal di agad mawawala  yan. Maybe hindi ngayon para sa atin, hindi sa oras na ito o sa panahong ito. Malay natin sa kabilang mundo. Sa ibang panahon o sa oras na nakatakda para sa amin. In God's time ika nga.

__________________________

Happy 8k reads She's Back!!! :)

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon