Nerize's POV"Uy!kanina ka pa tulala dyan! Anong nangyari sayo?" untag sakin ni Anne.
Malalim na buntong hininga ang tanging nasagot ko.
One week na nakalipas ng nagkaharap kami ni Clyde pero hanggan ngayon lutang pa din ako. Kung baga sa nalasing my hang over pa ata ako.
Nakakainis! Ang tagal ko pinaghandaan 'to tapos sa isang ngiti lang nya natunaw na ako.
"Waaaaahhhhh!" sigaw ko.
"Hala! Nabaliw na! Hoy, Nerize Grande tigilan mo yan ah. Baka dalhin kita sa mental nyan!" sabi nito na inalog-alog ako.
" Mental agad? Di ba pwedeng psychologist muna tawagin mo?" sagot ko dito na tinanggal mga kamay nya sa balikat ko.
"Pwede naman, kaya lang... Teka nga ano ba kasi nangyayari sayo Nerize?" seryosong sabi nito na tinitigan ako sa mata.
Pa'no ko ba ikukwento ang nangyari kung hanggan ngayon ako mismo di ko maintindihan.
"Nice to see you Nerize!" sabi ni Clyde at ngumiti.
His smile. That killer smile, ang ngiting nagpapakilig sa akin noon.
Oo NOON! Dahil hindi na dapat ngayon. Pero di ko mapigilan.
Mukha, wag moko ipahamak please! Sabi ko sa isip ko.
Pero naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Pahamak talagang mukha 'to. Agad ko nilingon si Clavid para di lubos makita ni Clyde pamumula ko."Bro!" bati ni Clavid kay Clyde. Lumapit ito para mayakap at tinapik ang likod.
"Kuya! Buti naisipan mo na bumalik. You're staying na daw for good?" sabi ni Clyde ng magbitaw sila.
Napatingin ako kay Jake. Nginitian nya ako.
"Hi" tanging nasabi ko dito.
"Yeah. Nerize and I decided na dito na lang magstay." nakangiting sagot ni Clavid na tumingin sa akin at inakbayan ako.
" Oh, kilala nyo nanaman siguro ang isa't isa kaya di ko na kayo ipakikilala. Right Clyde, Jake?" baling nito sa dalawa. Nagkatingin ang dalawa at sabay tumango.
"Hmmn in that case gusto ko makita muna yun mga files ng company Clyde para maihanda ko na ang presentation natin on Monday." si Clavid at agad lumapit sa mga drawer ng table at tinignan mga documents na nandoon.
"Whoah.. Dre sobrang workaholic lang ah." kumento ni Jake. Natawa na lang sina Clyde & Clavid.
Ako naman umupo na malapit kay Jake. Pinagmamasdan ko ang ginagawa nila. Hanggan mapako ang paningin ko kay Clyde.
Ang laki na ng pinagbago nya, mas naging makisig ang pangangatawan. Nagmature na din ang aura nya,di tulad dating napakababy face nya. Bagay na bagay sakanya ang body fit na white shirt at black semi fit blazer na tinernohan ng black slacks.
He's hot! Oh my! He is so damn sexy. He looks great. No! He's not! Hindi pwede! Tinanggal ko ang tingin ko sa kanya
Pero parang may magnet na humahatak sa akin para titigan sya. Damn! Ang gwapo talaga ng mokong 'to! Lalaking-lalaki ang dating. Yun mata nya na parang tinutunaw ka pagtinitignan, yun matangos na ilong na bumagay sa manipis nyang mga labi na natural ang pagka- pinkish.
That lips! Naminsan ng naging akin. At naging kung kani-kanino na! Grrrrrr....that jerk!
Unting sumalubong ang kilay ko at nagtangis ang mga ipin ko habang tinitignan sya. Nang bigla sya lumingon at nagkasalubong ang mga mata namin. Takang napatitig sya sa akin.Di ako nagbawi ng tingin, nginitian ko sya at sadya kong pinakita sa kanya ang paghagod ko ng tingin mula sa ulo hanggang paa nya,pabalik ulit sa mukha nya. Kumunot noo nya. Ngumuso ako at nagpakita ng disappointment sa nakita ko at medyo umiling pa ako. Lalo nagsalubong ang kilay nito at naningkit ang mata.
BINABASA MO ANG
She's Back
Romance"Dre past is past! 3 years na. Magkita man kami ulit wala na sa akin 'yon. Wala na akong nararamdaman kahit ano. Kahit galit sa ginawa nya." natatawang sagot ko kay Jake habang iniintay ang pagdating ng kuya ko. Halos sabay kami napalingon sa may pi...