Chapter 12 - Confession

603 38 22
                                    

Yehey! Happy 3k! ^_____^
Thank you very much sa inyong lahat sa patuloy na pagsuporta. Please wag kayo magsasawa. ^_^

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Clavid's POV

Alam kong may mali. Alam kong madaming kailangan ipaliwanag si Riz sa akin. Alam ko din may nililihim sya sa akin.

Di ko mapigilan kumulo ang dugo ko ng makitang Darren puts his arm around Nerize's waist.

"Enjoy the party guys! Meet and greet muna ko sa ibang bisita." muling sabi ni Darren matapos ang saglit na katahimikan. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Tara Hon." aya ni Darren kay Riz. Talagang enemphasize nya ang hon. Pigil ang inis kong pinagmasdan si Riz.

Sabay sila naglakad paalis ni Darren. Nang matapat sila sa tapat ko, hindi ko napigilang hawakan ang kamay ni Riz para pigilan sya. Wala na akong pakialam kung ano isipin nila. Tinignan ako ni Darren na parang nagtatanong.

I need an explanation! 'Yon lang nasa isip ko. Wala akong karapatan bilang boyfriend pero bilang bestfriend I have the right malaman ano nangyayari kay Riz. Kahit bilang bestfriend nalang.

"Let's talk later Clavid. Sleep over ako sa inyo later."  baling ni Riz sakin at ngumiti.

Hindi ko alam mararamdaman ko. Matutuwa ba ako kasi magkakasama kami magdamag pero alam ko na may sasabihin sya na di ko gugustuhin marinig at baka di ko din kaya tanggapin. Paranoid na pero ramdam ko na hindi ko kakayanin marinig mula sa bibig nya ang hinala kong sasabihin nya. Isipin pa lang nasasaktan na ako. Umaasa pa din ako na hindi 'yon sasabihin nya. Hindi ang bagay na iniisip ko ngayon.

Alam kong nagulat si Darren sa tinuran ni Riz pero di sya nagsalita instead he pulled her closer to him at nagpatuloy maglakad. I let go of her hand kahit ayoko sana. But, I don't have a choice. Sana hindi maging tulad nito ang situation namin na kailangan ko din sya i-let go someday. At tuluyan na sila nagtungo sa loob kung saan madaming tao.

"That's all you can do Kuya?" narinig kong tanong ni Clyde.

Tinignan ko sya. Nagtatangis ang bagang nito at galit na nakatitig sa akin. Hindi ako sumagot. hindi ko din naman alam ano sasabihin ko at masyado pa akong shock sa nasaksihan ko.

"Alis muna ko mga dre!" paalam ni Jake at agad umalis marahil sa tensyon na naramdaman nya samin magkapatid.

Ilan minutong katahimikan ang nangibabaw. At bahagya na kumalma si Clyde.

"Kuya, I know you need my explanation about me and Neri-

"No need Clyde. I knew everything." putol ko sa sasabihin nya.

"What? Alam mo na naging ex ko si Riz?" bahagyang tumaas ang boses nya at mas tumiim ang pagtitig sa akin.

Tumango ako. "Alam ko na unang pag-uusap pa lang namin ni Riz sa London."

"What the f*ck!" may kalakasang sabi nito. "Alam mong ex ko, tinalo mo?" galit na dugtong nito na nanlilisik na ang mata.

Hindi ako nakasagot. Ano nga ba isasagot ko? Oo? Yah!  I'm a f*ckboy!

"Akala ko si Riz ang nanloloko sayo Kuya dahil sa palilihim nya ng past namin- yon pala ikaw? All this time pala alam mo!" he pause. "Alam mo kung gaano kahirap para sakin ang magkaharap tayong tatlo kasi nakokonsensya ako na ex ko ang girlfriend mo! Pero ikaw pala ang g*go dito!" gigil na turan nito.

Bahagya akong nagulat sa tinuran nya. First time nya ako pagsalitaan ng ganito at murahin. Di ako makasagot. Di ko mapagtanggol sarili ko kasi alam ko may mali ako. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya. Hinilamos nya ang mga palad nya sa mukha nya at halos sabunutan ang buhok. Wala itong pakialam ngayon kung magulo buhok nya na karaniwang lintanya nito 'galawin mo na lahat wag lang ang buhok ko.'

"What the hell!" muling mura nito. " Bakit mo pinatos si Riz? Bakit sya pa? Bakit di mo ako tinanong about sa kanya?" dugtong nito na tumalikod sa akin. Alam kong ginawa nya yon kasi nirerespeto pa din ako nito bilang Kuya nya at ayaw nya umabot kami sa suntukan.

"S-she's n-not my g-girlfriend Clyde!" pag amin kong kanda utal.

Bakit parang ang hirap sa pakiramdam sabihin 'yon.

Bigla itong napalingon sa akin at titig na titig.

"W-what?" gulat na utal na tanong nya. 

"Nerize- is not my g-girlfriend!" ulit ko. At parang punyal na tumama muli sa akin sa sakit ng binigkas ko. Alam ko sa pag amin ko nito kay Clyde ay para na din akong nagsuicide. Anytime alam kong maaring mag-iba ang pakikitungo nya kay Riz at takot ako dahil alam ko at ramdam ko na meron pa din puwang si Clyde kay Riz.

"Ex?" ani nya.

Gusto ko kutusan si Clyde sa tanong nya. Para lang kasing tanga.

"Never naging kami. Were only best of friends." ani ko.

"Seriously?"

Sapakin ko na kaya 'to?

Napangiti na lang ako. Kahit sino matatawa sa biglang pagbabago ng aura nito. Mula sa parang dragon na nagaapoy ang bibig sa galit ngayon ay parang tupa na pagkaamo-amo ng mukha.

"Bakit kayo magkasama ni Riz sa isang bubong sa London? Bakit doon ka natulog sa condo nya? Friends with benefits?" muling tumigas ang expression ng mukha nito at nakita ko nagkuyom ang palad.

Bipolar talaga ang kapatid ko. Ito nanaman ang dragon sa katawan nya.

"Do you think Nerize is capable to do that thing?" asik ko sa kanya.

Tumahimik sya pero agad din nagsalita. "I'm not sure. Pero ikaw sure ako na kayang kaya mo!"

"Yes! Kayang-kaya ko gawin Clyde!" asar na sagot ko.

Nanginig ang bagang ni Clyde at walang sabi-sabing naglakad paalis at binangga pa ako. Siguro kung iba tao lang ako natikman ko na ang suntok ng kapatid ko.

Pero bago sya tuluyan makalayo ay humarap ako sa dako nya at nagsalita ako. "Pero not with her. I respect her a lot because I love her!"

Napahinto sya sa paglalakad pero di sya lumingon.

"Okay!" tanging sagot nya at namulsa. Nanatili lang ito nakatayo ng ilan saglit. Humarap sya muli sa akin at huminga ito ng malalim bago muli nagsalita.

"Malaki naman siguro chance mo Kuya kay Riz. May the best man win!" at muli syang tumalikod.

Nagulat ako sa tinuran nya. Pahakbang na ito ng tawagin ko.

"Clyde, what do you mean?" seryosong  tanong ko. Kinabahan ako sa sinabi nya. Or mas natakot.

"Babawiin ko lang kung ano ang dapat na nasa akin!" at tuluyan na sya umalis.

Nanatili akong nakatayo kung saan ako iniwan ni Clyde. Nakailan buntong hininga na ako pero parang di mawala ang bigat ng pakiramdam ko at kaba.

Natatakot ba ako makatunggali si Clyde  kay Riz? Kung si Darren may chance ako. Pero kay Clyde mahihirapan ako. Dahil alam ko epekto ni Clyde kay Riz hanggan ngayon. Pero hindi ako agad susuko. I will do everything maging akin lang si Nerize!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Sorry for the typos and grammatical error.

Thank you sa mga nag-add sa RL nila ng She's Back! Sa mga nagVOTE pagpalain nawa kayo! ^_^ Please VOTE and COMMENT lang po anytime, anywhere! Haha
Labyah guys! Mwaah!

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon