Hi guys!
Reminder lang po na pwedeng magVOTE. 😄 Wag na kayong mahiya mga silent readers dyan. Sobrang maappreciate ko po talaga. Thank you!
❤️mysteriousmikage💋
_______________
Nerize' POV
"Hindi maalis sa isip ko na pwedeng ako ang ama ng dinadala mo." dugtong nito na kinagulat ko at nagpayanig ng buo kong katawan. Bigla kong nahawi ang kamay nya at gulat na tumingin sa kanya. Nakita ko ang gulat at pagkapahiya sa mukha nya. Marahil sa biglaang paghawi ko sa kamay nya na para akong diring diri.
"Anong pinagsasabi mo?" Galit na bulyaw ko sa kanya. Akma akong tatayo ng hawakan nya ang braso ko para pigilan.
"Please Riz, stay." Nagmamakaawang sabi nito. Naguguluhan akong tumingin sa kanya pero tinanggal ko pagkakahawak nya sa akin. "C'mon Riz. Alam mo ang sinasabi ko!" May diing sabi nito. Naguguluhan akong tumayo at agad din itong tumayo at muli akong pinigilan.
"This is non sense Clyde!" Inis na bulyaw ko. Pilit kong tinatanggal ang ang kamay nya sa mga braso ko. Tiim bagang itong tumitig sa akin.
"Don't act na parang walang nangyari sa atin Riz! Alam mo sinasabi ko." Galit na sabi nito. Binitawan nya na ko at sinuklay nya ang mga kamay sa buhok at para pa nitong sinabunutan ang sarili.
Naguguluhan akong napatitig sa kanya. Di ako makapaniwala sa inaasal nya. "Oo may nangyari sa atin NOON. Ang tagal na nun. Maraming taon na ang lumipas at imposibleng ikaw ang ama nitong dinadala ko." Humakbang ako palayo sa kanya ngunit agad nya akong hinawakan sa kamay.
Tinitigan nya ko na parang hindi makapaniwala. He gritted his teeth. Umiwas ako ng tingin dahil ayoko makita nya ang sobrang kaba at pagkabalisa ko. "Seriously nakalimutan mo?" Pigil ang galit na sabi nito. Muli ko syang tinignan. Hindi ko na kayang tagalan pa ang sitwasyong ito. Para akong napapaso sa mga tingin nya at kitang kita ko sa mga mata nya ang galit.
"Excuse me. Kailangan ko-" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang bahagyang pagdiin ng pagkakahawak nya sa akin. Tinignan ko sya at nagulat ako sa talim ng tingin nya. Parang may nagawa akong karumaldumal sa tingin nya sa akin.
"Stop pretending Riz! Lasing ka non oo. Pero alam kong alam mo na may nangyari sa atin." Gigil nitong sabi na may kalakasan. "Ilan beses mo pang sinabi paulit ulit ang pangalan ko. At hindi lang isang beses natin gina-"
"Stop!" Putol ko pa sa mga sasabihin nya. Hindi dahil sa hindi ko maalala ito. Dahil sa hiyang nararamdaman ko. Ayokong marinig ang susunod nya pang sasabihin dahil alam ko na kung ano iyon. At alam ko na din kung kailan nangyari iyon. Ngayon ko nakumpirma na hindi iyon panaginip. Naiinis ako. Nagagalit. Pero hindi kay Clyde kundi sa sarili ko. Bakit ang tanga ko? Bakit inisip kong panaginip iyon? At natatakot ako sa magiging resulta ng eksenang ito sa lahat. Napakabobo kong isiping si Clavid. Pero ito na ang katotohanan. Si Clyde nga iyon. Si Clyde nga at hindi si Clavid. Si Clyde lang na ginusto kong maging ama ng magiging anak ko. At kay Clyde ko muli binigay ang katawan ko. At kay Clyde lang walang ba.
"Natatandaan mo na?" Tanong nito na sinusuri ang mga mata ko. My eyes become blurry. Nagbabadya na ang luhang umawas mula sa mga mata ko. I bit my lower lips as hard as I can. I hold my tears as much as I can. Nakita ko ang pagkainip sa mukha nya. Alam ko ang gusto nya marinig at gustong gusto kong sabihin sa kanya.
"Yes - Yes Clyde I remember." Napapiyok pa ako sa pagkakasabi ng mga katagang iyon. He smiled at me. At parang may tuwang bumalot sa mga mata nya.
Bumunot ako ng isang marahas na hininga upang magkaroon ng lakas. Isa-isa ng pumatak ang luha ko. May tuwa akong nadararama sa kaibuturan ng puso ko. Parang may paru-paro sa sikmura ko na nagwawala.
BINABASA MO ANG
She's Back
Romance"Dre past is past! 3 years na. Magkita man kami ulit wala na sa akin 'yon. Wala na akong nararamdaman kahit ano. Kahit galit sa ginawa nya." natatawang sagot ko kay Jake habang iniintay ang pagdating ng kuya ko. Halos sabay kami napalingon sa may pi...