Clyde's POV
Tinigil na ng driver ang limo sinasakyan namin ni Kuya Clavid sa masyon ng mga Lim. Agad kami bumaba at pumasok. Madami ng mga tao at halos kilala din namin ang mga ito. Karamihan ay mula sa business industry at my ilan media din ang nandoon. Walang humpay na batiin.
"Dre!" napalingon kami sa tumawag. Si Jake kasama si Robby.
"Dre!" bati ko at ngumiti.
"Hi Clavid!" bati nila kay Kuya.
"Musta?" tanong ni Kuya Clavid kay Rob.
"I'm good. I heard your in a serious relationship now. Who's the unlucky girl?" biro ni Rob kay Kuya.
Halos sabay-sabay kami natawa.
"Ladies and Gentlemen. May I have your attention please." narinig namin na nagsalita sa may stage.
"Ayan na ata si Darren! Naks! Bigtime na buddy natin. May ganyan pa talaga!" kumento sa ni Jake at tumawa.
"Oh di wow! Sya na!"sagot ni Rob nagpatawa sa amin.
"Please let us welcome him back! The youngest tycoon and worlds youngest successful businessman- DARREN LIM!" masigabong palakpakan ang sumalubong kay Darren.
Naramdaman ko ang pagbangon ng galit ko ng makita sya. Nagtangis ang mga ipin ko at napakuyom ang kamay ko.
3 years. Pero galit pa din nararamdaman ko.
"Dre!". Nagulat ako ng tapikin ni Jake ang balikat ko. "Are you okay?"
"Yah." isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya. Nilinga ko si Kuya Clavid at Rob pero wala na pala sila.
"Dre excuse lang." paalam ko kay Jake matapos ko ubusin ang wine sa kopita ko.
Nagpunta ko sa may beranda kung saan walang gaanong tao. Tinukod ko ang mga kamay ko sa mababang bakod at huminga ng malalim.
Malinaw pa din sa alaala ko ang nangyari 3 years ago.
Darren is my bestfriend, my buddy at parang kapatid ko na. I shared almost everything to him. Para akong open book sa kanya kasi alam nya halos lahat ng tungkol sa akin at ganoon din ako sa kanya. Maliban kay Nerize. Di ko alam bakit? Siguro kasi hirap lang magswitch ng personality from playboy to stick to one. Ayoko lang siguro ng pang aasar. Nang sinagot na ako ni Riz saka ko lang sinabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko para dito. Naging okay ang lahat. Almost perfect! Mahal na mahal ko si Riz and I'm planning to propose to her. We're 17 that time and gusto ko makasal kami agad pag 18 namin. Ganoon ako kabaliw sa kanya. Sigurado akong papayag sya kasi ramdam na ramdam kong mahal nya ko. She already surrender herself to me and that very moment- I'm the happiest man alive!
Everything was all set. The venue, food, the serenade and the ring. I want it to be private, kasi nga we're too young. At alam ko na hindi din papayag ang parents namin sa idea ko.Kaya lang wrong timing kasi may biglaang dinner daw sila sa business partner ng parents nya. Alam ko naman di magtatagal 'yon kaya I decided na after ng dinner nila itutuloy ko pa din kahit midnight snack na bagsak ng hinanda ko.
Around 8pm nasa labas na ako ng hotel. Di na ako pumasok para di sya madistract. Naglakad-lakad na lang ako sa labas at mukhang tangang nagre-rehearse kung paano ako magpo-propose. Habang naglalakad ako naaninag ko ang familiar sa paningin ko. Si Darren. Ano ginagawa nya dito? Kahit nakatalikod sya sa lugar ko sure ako sya 'yon. Napangiti ako kasi di nya nga pala alam about sa proposal. Lalapit na sana ako ng maaninag ko may kausap pala ito at seryoso sila. Bahagya pa ako naglakad at nakumpirma ko na may kausap ito at babae. Natigilan ako sa paglapit ng makilala ko kung sino kausap ni Darren. Si Nerize!
Taka man ay mas binilisan ko paglapit pero napahinto ako ng yakapin nya si Riz. Feeling ko huminto lahat ng nasa paligid sa oras na 'yon. Parang tinakasan ako ng lakas at nanginig ang tuhod ko. Ang tagal nila magkayakap. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko at ang galit ko'y mabilis tumaas. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nakatitig lang ako ng matiim at iniintay maghiwalay sila. Nagkuyom na ang kamao ko at habang tumatagal ay nagtatangis na lalo ang bagang ko. Nagkalas sila sa pagkakayakap. Akala ko tapos na pero nagulat ako sa sumunod na nangyari. Nerize put her finger on Darren lips. At maya-maya lang ay si Darren gumawa nito. Nakadampi ang daliri ni Darren sa labi ni Riz.B*llsh*t!
Nagulat sila ng makita akong nakatayo na halos isang dipa lang ang layo sa kanila. Di ko na napigilan ang galit ko. Sinugod ko at binigyan ng malakas na suntok sa mukha si Darren. Sa gulat nya at lakas ng impact ng solid kong suntok ay napaupo sya sa daan.
"What are you doing Clyde? Nerize shouted. Agad nyang nilapitan si Darren. "Are you okay?" she asked him worriedly. Nag-apoy lalo ang galit na nararamdaman ko. Walang sabi-sabing hinigit ko si Riz. Alam kong nasaktan si Nerize sa pagkakahawak ko.
"Let her go!" narinig kong sambit ni Darren. Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya.
Let her go? Para mapunta sa kanya? That's b*llsh*t!
Muli ko syang sinuntok at tinamaan sya. Susuntukin ko sana sya ulit pero he punched me back. Bahagya akong na off balance pero agad din sumugod ulit. At muli ko syang sinuntok. Matapos non ay hinawakan ko ulit si Riz at hinila.
"Stop it!" muling sigaw ni Nerize sa akin. Tinulak nya ako at kumawala sa pagkakahawak ko. Natulala ako sa ginawa ni Riz. Humarang sya sa gitna namin at humarap sya kay Darren.
Galit syang bumaling sa akin.
"Leave us alone Clyde!" sigaw ni Riz sakin."Kakampi ka sa traydor na yan?" galit na tanong ko.
"I said leave us alone!" sigaw ni Nerize.
"F*ck! Mga manloloko kayo! Traydor kayo! G*go ka Darren!" pagkasabi ko ay agad akong umalis. Because it's breaking me!
Di ko napigilan suntukin ang manibela ng sasakyan ko. Kanina pa ako sa loob ng kotse na tinakas ko sa bahay pero di ako makapagdrive. Alam kong nagbabanta ang luha ko pero pilit ko pinigilan. Hindi ako bakla para umiyak.
Ilan saglit pa ay pinaharurot ko ang sasakyan ko. Huminto ako sa bar.
Kung kaya moko gaguhin mas kaya kita palitan kahit ilan! Usal ko.
Walang humpay akong uminom. Pero feeling di ako nalalasing. Ramdam ko pa din ang sakit. Lumapit sa akin si Victoria at alam ko kung ano gusto nya. Nginitian ko sya. Dumikit pa sya lalo sa akin at lumingkis. Di ko alam pero bakit di ko magawang pagbigyan si Victoria. Naisip ko pa din si Riz at ang eksena kanina. Bahagya pa akong nagulat ng bigla akong halikan ni Victoria. Ilan saglit pa todo pagsusumikap sya na galingan ang paghalik sa akin ngunit di ko nagawang tugunan. Lumayo sya bahagya at nagsalita. "Bakla ka na ba Clyde?"
Matalim na tingin binigay ko. "You want this?" at marahas ko syang hinalikan. Pero wala akong naramdaman init. Kumalas din ako agad.
"That was so hot!" komento ni Victoria.
"Clyde! Nandyan ka lang pala" napalingon ako sa nagsalita na gumising sa pag-gunita ko sa mapait kong nakaraan.
"Darren!" bati ko dito. Lumapit sya at nilahad ang kamay. Nakipag hand shake ako.
"Musta Clyde? Long time no see!"
"I'm great. Glad to see you again Darren!"
"So- Can we leave the past behind?" seryosong tanong nito.
"Ofcourse! Isip bata pa tayo noon!" sagot ko na pinilit maging casual.
"Yah. 3 years na din 'yon. We're old enough na ngayon para makalimot sa childish act natin noon. Right?" at tumikhim ito.
"Right! No more hurt feelings." sang-ayon ko.
Ang plastik ko!
Bahagyang tumawa si Darren saka nagsalita. "Really? No hurt feelings kahit pakasalan ko si Nerize ngayon?"
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Sorry po kung wala pa din eksena si Nerize at flashback lang sya!
Di pa din kasi sya nagpapakita! Chos! ^_^Team ClyRiz? Or Team ClaRiz?
Meron bang DarRiz? ^___^Please continue to support my story! Thankie! Thankie!
Feel free to Vomments anytime!!!
Love you guys!!! ^_____^
BINABASA MO ANG
She's Back
Romansa"Dre past is past! 3 years na. Magkita man kami ulit wala na sa akin 'yon. Wala na akong nararamdaman kahit ano. Kahit galit sa ginawa nya." natatawang sagot ko kay Jake habang iniintay ang pagdating ng kuya ko. Halos sabay kami napalingon sa may pi...