Chapter 6 - Pissed Off

846 57 23
                                    

Nerize's POV

"Ganoon lang? Walang kiss? Like the old time?" sabi ni Clyde na nakalapit padin ang mukha nya sa mukha ko at ang noo namin ay magkadikit.

Dugdug! Dugdug! Ang lakas ng kabog ng puso ko. Feeling ko anytime tatagos ang puso ko palabas sa dibdib ko sa sobrang kabog nito. Para akong napipi at di makagalaw. Gusto ko sya itulak pero ayaw sumunod ng katawan ko sa gusto ng utak ko.

Titig na titig sya sa mukha ko at bumaba sa labi ko. Lalong nagwala ang puso ko sa pagkabog. Halos tumigil ang paghinga ko. Nilapit nya pa ang mukha nya sa akin, at ang labi namin ay kahibla nalang ang pagitan. Napapikit ako sa susunod na mangyayari.

Mahinang tawa ang nakapagpadilat sa akin. Nakatayo pa din sya sa harap ko pero malayo na ng bahagya sa akin.

"Sorry!" sabi nya na pigil ang tawa.

Oh my g! Nakakahiya! Ineexpect ko ba talagang hahalikan nya ako?

Ramdam ko ang pag- akyat ng dugo ko sa mukha ko. At alam ko sing pula na ako ng apple sa pagkapahiya!

Lupa, lamunin mo na ako now! Please, now na please! As in NOW NA!!!

Di ko na natagalan pa at umalis ako sa harapan nya at tuloy-tuloy lumabas sa room matapos ko kunin ang bag ko.

Siraulo ka Clyde! Pinahiya mo ako ng sobra! Teka nga, sinabi nya ba na ikikiss nya ako? Hindi naman di ba? Sabi nya lang "walang kiss? like the old time". Did I expected too much.? Grrrrrrr!

Nakita ko syang sumunod sa akin. Di ko sya pinansin. Walang salitang namutawi sa bibig ko hanggan makasakay sa car nya.

Yup! Car nya! Sunod-sunuran na ako sa kanya. Wala ako sa mood makipagtalo dahil di pa din ako nakakarecover sa pagkapahiya.

"Look, I'm sorry. I'm sorry to disappoint you" seryosong sabi nya na halata ang sensiridad.

Sorry for what??? So, feeling nya talaga disappointed ako?

"What are you talking about? Shut up!" di ko na napigilan ang sobrang inis ko.

Nanahimik sya. Kilala nya ako. Pag galit ako, galit ako.

Agad ako bumaba pagkadating namin sa Hotel. Ni hani ho wala syang narinig sa akin at wala na akong pakialam kung saan sya pumunta. Dumiretso ako sa penthouse at pinakalma ang sarili ko. Nang okay na ako ay agad na akong pumunta sa conference room.

Masyadong naging busy ang utak ko sa mga report and agenda na napagusapan sa meeting. Ala-syete na ng bumaba ako sa lobby.

Gutom na ako.

"Are you done?" gulat akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Kumulo ang dugo ko ng makita sya

"Bakit nandito ka pa?" walang ganang tanong ko na tuloy-tuloy pa din ako sa paglalakad.
"I'm waiting for you" tipid na sagot nya.

Baka na-touch pa ako kung iba ang situation.

"Why?" taas kilay na tanong ko.

Medyo natigilan ito pero agad din nakabawi.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon