Nerize's POV
Nanginginig buong katawan ko pagkalabas ko ng opisina ni Clyde. Agad akong nilapitan ni Anne na nagiintay sa waiting area ng floor. Parang sasabog ang utak ko sa mga nangyayari. Para na akong mababaliw. Ano pa ba ang hindi ko alam? Sino pa ba ang dapat kong paniwalaan? Pati ata sarili ko ngayon pinagdududahan ko na.
"Drive me home Anne please." Nanginginig na sabi ko ng makasakay kami sa kotse.
"Calm down Riz. 'Yon bata baka mastress." Sabi ni Anne na hinawakan ang kamay ko. Tumango ako at pinilit kalmahin ang sarili ko. Ayokong mapahamak ang dinadala ko dahil sa pinaggagawa ko. Pinaandar na ni Anne ang sasakyan at huminto sa parking ng condo. Mabilis akong pumasok at sumakay sa elevator.
Marahas kong binuksan ang pinto ng condo ko. At sinuyod ng tingin ang paligid. Nang makita ko na ang hinahanap ay nilapitan ko ito. Puno ang pagtataka sa mukha nito at napaatras pa ito ng makalapit ako.
"Tell me Diday. Anong relasyon mo sa asawa ko?" Pigil ang galit na sabi ko na may kalakasan. Lumaki ang mga mata nito at di malaman ang gagawin. Umiwas ng tingin at umatras pa ng isang hakbang. Sabay kami napatingin sa nagbukas ng pinto ng kwarto at iniluwa nito si Darren. Agad ko itong binalingan.
"So you're here na pala. Tamang tama." Mapang asar na sabi ko dito at binalingan muli si Diday. " Answer me Diday! Anong relasyon mo kay Darren." Sigaw ko. Naramdaman kong hinawakan ako ni Anne.
"Riz, relax ka lang." Bulong nito na kita ang pagpaaalala.
"Hon, ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong nito na nilapitan ako at hinawakan sa braso. Agad ko itong tinanggal.
"Sagutin mo ko Diday!" Muling tanong ko but this time mas malakas.
"Calm down Hon. Wala kaming relasyon ni Diday." Sabad ni Darren na halata ang pagsusumamo sa mukha.
"Hindi ikaw tinatanong ko Darren. I'm asking Diday. So please answer me bago pa ako magwala." Tumulo na ang luha ko. Ganun din ang naging reaksyon ni Diday.
"I'm sorry ma'am Riz. Patawarin mo ako." Bigla itong lumuhod sa harapan ko. Sapat na ang sinabi nya para makumpirma ang sinabi ni Clyde.
"Hon, p-please let me explain. H-hindi ito tulad ng iniisip mo." Kanda utal na sabi ni Darren. Tinangka nya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay nya. Kita ko ang pagsusumamo sa mga mata nya.
"Si Mika? Ano mo sya?" Nanginginig na tanong ko kay Darren. He didn't answer instead pilit nya akong hinahawakan at dagli ko din tinatanggal.
"Answer me Darren!" Mahina pero puno ng emosyong tanong ko.
"Riz, calm down. Baka kung mapano ka." It's Anne habang nakahawak sa mga braso ko. Alam kong ramdam nito na nanginginig ang katawan ko.
"For the last time Darren. Anong relasyon mo kay Mika." Hangga't kaya ko pinipigilan ko sarili ko magalit at magwala dito ngayon dahil sa dinadala ko. Matalim na tingin pinukol ko kay Darren. Nakipagtitigan ito na parang sinusuri kung anong alam ko.
"Okay, okay. Mukhang alam mo nanaman." Panimula nito na tinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. "She's my cousin." Sagot nito. Lalo akong naguluhan.
"Cousin mo? Nakita ko kayo sa Lanai sa Isla. At ng pumasok sya sa backdoor ang gulo ng buhok nya. Nakabukas pa ang botones ng damit nya. At ikaw nakatanggal pa ang shirt mo. Ano ibig sabihin non Darren?" Naguguluhang tanong ko. Salamat sa alalay ni Anne at nagawa kong tumayo kahit hinanghina na ako.
Hindi sumagot si Darren. Nakatitig lang ito at parang minememorize ang features ng mukha ko. Nakipagtitigan ako sakanya. Ang mga mata ko'y puno ng galit at hinanakit. Ramdam ko din ang lumalatay na sakit ng katotohanan sa buo kong pagkatao. Tumulo na muli ang mga luha ko. Ang yes! I was crying loud like a baby. I'm sobbing. Napaupo pa ako at agad umalalay si Anne at Darren. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Darren. Niyakap nya ako at dahilan para mapabitaw si Anne sa pagkakahawak nya sa akin. Pinilit ko g itulak sya pero di ko kaya. Umiyak ako sa dibdib nya. Panaka nakang hinahampas ko sya.
"Bakit mo nagawa sa akin ito Darren?" Naisatinig ko sa gitna ng paghikbi ko.
"I'm so sorry Riz. D-di ko sinasadyang mahalin ka." Pumiyok na sagot nito. Kahit di ko sya tignan alam kong umiiyak sya. Naguluhan ako sa sagot nya. Kung mahal nya ko bakit nya ko sinaktan ng ganito. Wala syang pinagkaiba kay Clyde. Niloko nya din ako.
"Umalis ka na Darren at isama mo na yang babae mo!" Galit na sabi ko at pilit kumakawala sa yakap nya.
"Wala kaming relasyon ni Diday Riz. S-she's just my bed warmer." Sabi ni Darren. Narinig kong napahikbi si Diday sa sinabi ni Darren. "Lalaki ako. Alam mong di mo binibigay ang dapat sa atin mag asawa." Dugtong nito.
"Kasalanan ko? Kung yun lang din pala bakit si Diday at hindi ibang babae Darren? Alam kong madaming nagkakagusto sayo." Tanong ko na mas kalmado na.
"Dahil- di ko sinadyang may mangyari sa amin. Lasing ako non at feeling ko napakawalang kwenta ko sayo. Nasa mansion kami Riz. That was the time na malaman kong buntis ka."
"At inulit ulit nyo habang magkakasama tayo sa Isla." I said sarcastically. Bahagya ko din tinulak si Darren para makawala sa yakap nya ngunit di nya talaga ko pinakakawalan.
"No!" Seryosong sagot nito. "Once lang nangyari 'yon. Madalas ko lang sya makausap sa Isla para mailabas ang sama ng loob ko. Akala mo ba ganoon kadali makitang magkasama kayo ni Clyde?" Galit na sabi nito. "It's like torture to me." Bahagya akong nagulat. Akala okay lang lahat. "Mahal kita Riz kaya hinayaan ko. Pinilit kong maging okay ang lahat."
"But it doesn't mean pwede mo na akong gaguhin. Pwede na akong magmukhang tanga." Galit na sagot ko. "Please umalis na kayo sa bahay ko. Please Darren." Pakiusap ko.
"Ihahatid ko lang si Diday sa bahay pero babalik ako." Sagot nito na hinalikan ako sa noo. Bumitaw na sya sa pagkakayakap sa akin at inalalayan ako tumayo. Dinala nila ko sa kwarto para magpahinga. Di ko na tinapunan ng tingin pa si Diday. Feeling ko ginawa nya akong tanga at sinira nya ang tiwala ko.
"Riz, pinapunta ko na si Rita dito. Siya makakasama mo dito." Sabi ni Anne matapos namin maghapunan.
"Rita?" Takang tanong ko.
"She's may kasambahay for 5 years. Kamag anak sya ni Yaya Doring." Sagot nito. Si yaya Doring ang nagalaga sa kanya ng bata pa sya.
"Bakit mo binibigay sa akin si Rita? Paano ka? Wala ka ng kasama sa bahay mo." Takang tanong ko.
"Uuwi na ako sa bahay Riz. Hmmmn ilan months nalang magma-migrate na ko Riz sa California." Nakangiting sabi nito.
Masyado nang magulo ang buhay ko at pinagulo pa ng paligid ko. Ang dami ko ng problema at nadadagdagan pa. Hindi ko na alam kung matatapos pa ba o kung kakayanin ko pa.
Kakayanin ko pa ba makasama si Darren matapos malaman ko ang lihim nya? Hahayaan ko nalang ba talaga maikasal si Clyde kay Mika? Tuluyan ko bang ililihim na si Clyde ang ama? I don't know... I really don't know kung ano dapat kong gawin.
_______________
Don't forget to click the ⭐.
Comment down your thoughts.Thankie!
BINABASA MO ANG
She's Back
Roman d'amour"Dre past is past! 3 years na. Magkita man kami ulit wala na sa akin 'yon. Wala na akong nararamdaman kahit ano. Kahit galit sa ginawa nya." natatawang sagot ko kay Jake habang iniintay ang pagdating ng kuya ko. Halos sabay kami napalingon sa may pi...