Chapter 11 - Questions

586 37 22
                                    

Hi guys! Thank you sa overflowing support sa stories ko! ^______^
SALAMAT NG MARAMI sa lahat ng nagbasa, nagVOTE and nag-add sa Reading List nila ng She's Back! I truly appreciate it a LOT!!!

Sa lahat ng nagbabasa at magbabasa nito, paki-click po 'yon STAR. Thankie! ^___^

Feel free to comment and share your thoughts.

Silent readers, SALAMAT! ^__^
Vote din po minsan. Haha
Sorry for the typos and grammatical error.
ENJOY!!!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nerize's POV

Mahigit one month din ako nawala. Darren and I remain friends kahit nagkagulo pa 3 years ago.

La Grande Hotel Pioneer is now under new management. Under Familia Lim. Hindi malinaw sa akin paanong nangyari, nalaman ko lang ng sabihin ni Darren sa akin ng tinawagan nya ko. Pinuntahan ko ang parents ko sa Nevada pero wala akong nakuhang sagot kundi pakasalan si Darren. Agad akong lumipad papunta kay Darren sa New Jersey at doon ako nagtagal ng three weeks.

Hanggan ngayon hindi ko pa din akalain na pinabayaan ng parents ko ang kauna-unahang business ng Grande na tinayo pa ni Lolo at Lola. Wala ba talagang halaga ito dahil hindi sila ang founder nito? La Grande Hotel is a 6 star hotel. Ito ang nagpakilala sa Grande sa business industries. Kaya ito din ang dahilan kung bakit madaling nakilala ang other branches of La Grande Hotel sa iba't ibang tourist destinations sa buong bansa. Gayun din ang Grande Towers na nasa iba't ibang panig ng mundo at Condo de Grande na nasa maunlad na siyudad ng bansa. Dahil ba ang Pioneer branch ay matanda na compare sa ibang La Grande Hotels?

Hindi ko maintindihan. What's wrong with them? Bakit ang pioneer branch? Bakit ang hotel na minahal ko ng buong buhay ko? Bakit ang hotel kung saan nandoon ang alaala na pinakamahalaga sa akin?

Ang tagal kong pinagisipan and I end up with no choice. But, marry Darren. 'Yon ang gusto ng parents ko and parents ni Darren. Napag-usapan na din namin ni Darren lahat at ito na kami ngayon, back sa Pinas.

Agad ko natanaw si Clavid with Clyde, Robby and Jake. Wala akong balak harapin agad si Clyde. I don't know why? Parang ayoko lang sya makaharap ngayon. Napansin ko si Clavid na palinga-linga na waring may hinahanap. Napatingin sa gawi ko si Clavid at kinawayan ko sya na agad na lumapit. Alam kong di ako nakita ng mga kasama nya at mukhang busy din sya, sila.

Nang makalapit si Clavid ay kitang-kita ko sa mukha nya ang saya at tampo. Agad ko syang niyakap ng mahigpit ng walang sabi-sabing hinalikan sya sa pisngi. I really miss this guy!

"As I expected. Bakit ngayon lang Riz?" narinig kong tanong nya habang nakayakap ako sa kanya.

Kumalas ako at ngumiti sa kanya. Hinawakan ko sya sa kaliwang kamay nya at hinila sa bahagi kung saan tahimik at walang tao.

"Sorry na!" sabi ko na nagpout. Di pa din nagbago ang expression ng mukha nya.

Hindi na effective pagpout ko sa kanya ah. No change of reaction.

"'Wag ka na magalit Clavid mageexplain naman ako e." sabi ko habang hawak-hawak ang kamay nya na pina-sway sway ko pa na parang bata. Matiim syang tumitig sa akin at hinawakan ang pisngi ko using his free hand.

"Di mo ba alam gaano ako nag-alala sayo? Kung gaano kita na-miss?" mas lumapit sya sa sakin at nilapat nya ang noo nya sa noo ko at pumikit. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at halos one inch lang layo ng labi nya sa labi ko. Kung may nakakakita samin ngayon ay aakalain na naghahalikan kami. Tinitigan ko sya habang nakapikit sya. Parang hinaplos ng guilt ang puso ko at naramdaman ko bilis ng tibok ng puso ko sa ginagawa nya.

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon