Chapter 3 - Unexpected Confrontation

1.1K 64 32
                                    

A/N
Dahil po sa di inaasahang pangyayari nabura po ang laman nitong chapter three.  At wala akong back-up. Huhu Pero buti hindi ang buong book. Na-report ko na din po sa wattpad pero wala pa din po. Pero dahil ayoko na masad uulitin ko na lang po. Hindi na nga lang po sobrang katulad ng una.

On the lighter note, SALAMAT PO  sa support sa story ko. I appreciate it a lot! God bless you all. ^___^

Paunawa na lang po sa typo and grammar. Thank you.
______________________

Clyde's POV

"His girlfriend." dugtong ni Lorrine sa sinabi ko. Gusto ko itama ang sinabi nya. Oo, she's my girl but not my official girlfriend. Pero dahil sa kagustuhan kong makita ang reaksyon ni Nerize ay di ko ginawa.

"Oohhh..." tanging nasabi nito na nakangiti at tumango-tango pa.

Damn! 'Yon lang sasabihin nya? Ano nga bang gusto ko sabihin nya? Bakit parang gusto ko magselos sya?  No! Stop this non-sense Clyde. Ano ba pinagiisip mo!

"Anong category?" tanong ni Anne. Napasalubong ang kilay ko sa tinuran nya. Ngumiti sya sa akin ng nakakaloko.

"What are you talking about girl?" mataray na tanong ni Lorrine kay Anne na humalukipkip pa.

"Don't mind her." natatawang sabad ni Riz.  Ano bang kalokohan nitong dalawa at parang mga baliw na nagngingitian sa isa't isa.

"Don't  dare to-"

"Honey, magbihis ka na. You like that one? I'll buy it for you." putol ko sa sasabihin ni Lorrine. Alam kong walang katapusan sagutan magaganap sa kanila kung di ko pa pipigilan. Tuwang-tuwa naman sya at biglang nalusaw ang inis na kanina'y mababanaag sa mukha nya. Hinalikan pa ako sa labi nito.

"Ehem!" narinig kong tumikhim si Riz. Agad akong tumingin sa kanya. Nakangiti pa din ito.

"Yes?" inis na baling ko sa kanya. Hindi ako naiinis dahil sa pangiistorbo nya sa halikan namin ni Lorrine. Kundi, naiinis akong isipin na wala lang sa kanya na may hinahalikan akong iba.

"We need to go na. Mukhang marami pa kayong gagawin." makahulugang sabi nito na kumindat pa sa akin at ngiting ngiti.

Bakit ganyan ka Riz?  Paano mo nagagawang ngumiti ng ganyan?

Nakatingin pa din ako sa kanila na lumakad na papalayo. Gusto ko sya pigilan. Gusto ko pa sya makausap. Hindi ko nga alam bakit? Kanina nga ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinabol sya para batiin. This is not me! Damn it! You are Clyde Ferrer, at hindi ka dapat nagkakaganito sa isang babae lalo na sa babaeng nanakit sayo noon. Hindi na ako magpapaapekto sayo Riz! Huli na'to.

_________

"Clyde, nandyan na ba kuya mo?" tanong ni Dad ng magkasalubong kami. Kauuwi lang nito kaninang umaga.

"Nandyan na po ata. I heard his car." sagot ko habang sinabayan sya maglakad patungo sa dinning area.

"Manang Auring, paki-ready na ang food. Nandito na sila." maawtoridad utos ni Dad sa mayordoma namin.  Tumango naman ito at bumaling sa ibang kasambahay.

"Sila?" takang tanong ko. May ini-expect ba si Dad na kasama ni Kuya Clavid?

"Good evening everyone!" napalingon ako kay Kuya Clavid.

"Good evening po." napabaling ako sa pinanggalingan ng boses. What the hell! Ito nanaman sya.  Dapat na ako masanay sa presensya nya at kumilos ng normal. Abnormal na ba ako?

She's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon