:Tour Guide
Nicelle
Medyo nastress ako nang malaman ko na sa kompanya ako ng mga Umbriel papasok. Bakit nakalimutan ko agad? Nawala sa isip ko ang apilyidong Umbriel?
Tinignan ko muli ang Papel na pinirmahan ko. Medyo malaki rin ang sahod, pero I'm so sure na mahirap siguro ang gagawin ko don. Hindi naman pwedeng malaki ang sweldo ng madali ang ginagawa e.
Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba ako? Ang magiging Secretary ni Luhan? Like dapak men, bakit si Luhan pa? Yung lalaki pang pinasingit ko sa pila at higit sa lahat, yung nag-abot sakin ng panyo nung umiiyak ako!
Tinignan ko ang panyo sa kama ko. Hindi niya kinuha sa'kin ang panyo kaya naitabi ko ito. Bakit ganito kapakshet ang tadhana? Inaasar ba nila ko?
Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko, napabuntong hininga ako. Ito kasi ang araw na pupunta ako sa kompanya ng mga Umbriel.
Naligo ako, nag-ayos at nagsuot ng pang corporate na damit. Kahit na hindi pa ko magtratrabaho don ngayon, kailangan ay disente ang ayos ko para maganda ang first impression nila sa'kin.
Nang makalabas ng condo ay bumaba ako papuntang lobby at naghintay ng masasakyan papuntang Distiliriya ng mga Umbriel. Mga ilang minuto pa bago ako makasakay.
Mula sa taxi na sinakyan ko ay tinignan ko lang yung mga nadadaanan namin. Hamak na may mga pangit at magandang tanawin talaga ang Maynila.
Napangiti ako nang maalala ko ang unang impresyon ni Jake sa Maynila ng kararating niya lang. Ganon rin ang sinabi niya, na may mga part ang Maynila ng panget, at may part din ng Maynila na maganda.
"Dito na po Mam." sambit ni Manong driver. Mula sa kaliwang bintana nakita ko ang isang malaking struktura. Napakalaki nito kaya medyo nalula ako. Ganito ba talaga ang mga Distiliriya? Nakakalula sa laki.
"Salamat Manong." sagot ko sakanya ay bumaba na ko. Binuksan ko ang payong dahil sa sobrang init,
Bumuntong hininga ako na pumasok sa Entrance ng building. Medyo nalula ako dahil sa ganda at sa laki ng loob. Madaming tao ang naglalakad na halatang nagwowork dito. Ganito pala talaga ang distiliriya.
"Ikaw ba si Ms. Romero? Galing sa mga Crisostomo?" napatingin ako sa nagsalita. Paglingon ko ay isang lalaking medyo may edad na ang nakita ko. Nakangiti ito sa'kin kaya medyo nahiya ako.
"Opo Sir, ako po." magalang na sabi ko.
"Welcone to our Company Ms. Romero, follow me and meet your boss." napalunok ako dahil sa sinabi niya.
Yung word na "Boss", parang kinakabahan ako. Sana hindi si Luhan ang tinutukoy niya. Sana mali si Jake ng pagkakasabi. Oo mali lang si Jake.
Sumakay kami sa elevator kung san pribado at piling tao lang ang gumagamit. Kahit sa loob ng elevator, napakabango ng amoy.
Nang bumukas ito ay dumoble pa ang bilis ng tibok ng puso ko. Shems, eto na. Makikita ko na ang bago kong pagsisilbihan. Sana katulad siya ni Jake na mabait. Magpapasaksak nalang ako sa adik kung masama ang ugali ng magiging boss ko.
Nang buksan niya ang pinto. Tumingin siya sakin at inilahad ang kamay papasok sa room. Sign na pumasok na ko.
Napalunok akong naglakad papasok, nang makita ko ang lalaking nakaupo ron sa swivel chair, para akong mahihimatay. Nakikita ko nanaman siya, yung gwapo niyang mukha, kulay dark coffee niyang mga mata, pula niyang labi at matangos niya na ilong.
Walang reaksyon niya kong tinignan at inilahad ang kamay sa upuan, sign na pinapaupo niya ko. Damn! Bakit ganito? Bakit parang ang lakas ng tama niya sa'kin? Hindi naman siya redhorse. Shems Nicelle, kalmahan mo ang sarili mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/268408809-288-k66244.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...