ERRORS AHEAD
Alas singko na ng hapon at nandito pa rin kami kasama ng mga Tito ni Weilyn, nakaupo sa ilalim ng dalawang matayog na puno ng mangga habang nagpapakalasing.
Nakailang tagay na rin ako ngunit wala pa rin akong nadarama na hilo or ano, hindi ko din alam kung baket! Ganon na ba ko kalasinggera para hindi tablan ng alak?
Si Ben ay medyo tipsy na rin tignan ngunit hinahayaan lang siya ni Weilyn, samantalang si Celon naman ang lasing at si Pat naman ay binabantayan lang ang asawa.
Si Luhan kupal naman ay medyo mapungay na ang mga mata at halatang inaantok na, ngunit hinayaan ko nalang siya, kaya niya naman na siguro ang sarili niya di ba?
"Celle.." Sambit ni Celon, sinulyapan ko siya at tinaas ko ang kilay bilang tugon. "Kapag nahanap mo na yung lalaking magpapasaya sa'yo, don't forget us ha?" sambit niya.
Napailing nalang ako dahil sa mga sinabi niya. "Noted Mare.." sambit ko saka kumuha ng pulutan. Lasing na si Gaga kaya nagcoconyo na.
"Celle.." sambit naman sa'kin ni Weilyn..
"Hmm..?"
"Kung si Luhan nalang yung nandyan para alagaan ka o mahalin ka, papayag ka?" tanong niya. Tinaasan ko naman sila ng kilay.
"Anong tanong yan? Interview? Interview? Tss.." saka ko ininom ang tagay. Inabot ko naman ito kay Luhan na siyang susunod sa'kin. Sa totoo lang ayoko sagutin ang tanong niya na yon.
Kasi nasa CEO ang trauma.
After ng mga pangako sa'kin ni Jake dati? Ganan ang itatanong mo Celon? Kung magiging kami ba ni Luhan na isang CEO rin tulad ni Jake? Asa. Hindi nalang, sure kinikilig ako sa mga pinaggagawa ni Luhan sa'kin ngunit hindi ko mapigilang matakot,
Pati wala pa siyang pinapakitang motibo, ayoko nalang din umasa.
Hindi naman umimik si Luhan at kita ko na ininom niya ang isang mataas na tagay. Medyo nagulat pa ko dahil don. Alam ko namang hindi siya sanay sa mga ganitong alak kaya nag-aalala ako sakanya na baka malasing siya.
"Sir, kaya mo ba?" sambit ko, hindi naman siya sumagot maski tango kaya hinayaan ko nalang siya.
Medyo nahihilo na rin ako kaya nagbreak muna ko saglit, ayokong malasing na lasing na lasing kaya kailangan ko ng kontrol ngayon.
Nagkantahan lamang sila Tito Ondoy kasama si Weilyn na puro Taylor Swift ang kinanta, die hard fan ata siya ni Taylor e, tapos puro malulungkot pa. Like Back to December na halos hingalin siya sa chorus, Dear John, Enchanted.
Samantalang ako naman ay puro OPM lang ang kinanta.
Alas syete ng gabi nang mapagdesisyunan na naming itigil ang session, lasing na rin sila Tito Ondoy at Tito Gabriel kaya tinigil na din ang videoke, si Ben ay tahimik lang ngunit alam ko na lasing siya, si Celon naman ay nakayakap sa asawa at sinisinok pa. At ako naman heto, pinipigilan ang hilo na nadarama.
Kaya ko pa naman ang sarili ko ngunit nahihilo lang talaga ng slight, yung feeling na nasusuka ka kasi naka benteng pataas ka na tagay? Like dapak ang lasinggera ko na ba?
Sinulyapan ko si Luhan at nasandal siya sa upuan at nakatingala, nakatakip yung mukha niya ng kung anong bagay habang litaw na litaw naman ang adams apple niya, napaiwas pa ko dahil ron. Ang gwapo niya sa pwestong yan.
Tinapik ko siya. "Sir?" tawag ko, ngunit hindi siya sumagot.
"Gaga, ihatid mo sa kubo. Napassed out ata dahil ang dami niya ding nainom." sambit ni Weilyn. Napalunok pa ko dahil sa utos niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...