Errors Ahead
:Sister
Nicelle
"Sanaol talaga." bulong ng bulong ni Wilcon. Irap lang ang ginanti ko dahil sa frustration.
Nahihiya ako kay Jake. I mean, naaawa ako. Iniwan ko lang naman siya mag isa ron.
"Alam mo Sis kung hindi lang mayanan yang Jake na 'yan, boto ako dan e, kahit sila Wein siguro ay magiging boto sa lalaking yon! Napaka understanding niya!" umiirit na sabi ni Wilcon habang nag dridrive. "Saka yung mga tingin niya kanina sayo habang kumakain?! Aba! Nakakaproud maging third wheel talaga kung ganan ang matatanaw ko!!" saka siya umirit irit.
"Alam mo ang korni mo, ni hindi ko nga naramdaman na tinitignan niya ko kanina. Saka, normal na sa'kin yung mga pagngiti niya." umirap ako at niyakap nalang ang bag. Napabuntong hiniga ako at tumingin sa bintana. "Kinakabahan ako para bukas." saka ko napapikit. "Mukhang ang taray ni Luhan kapag nasa trabaho.."
"Eh?!" gulat na sabi ni Wilcon.
Tinignan ko siya at tumango. "Oum, Con hindi ko alam kung pano ko magsisimula bukasss.." saka ako nagpeke ng iyak. "Like dapak, gusto ko lang naman magpasalamat kasi siya nagtour sa'kin pero sinagot niya 'Just go'? Con naman..." pagrereklamo ko.
"Chair up Nicelle.." sabi niya. "Maaring manibago ka man dahil sa nasanay ka na sa mga Crisostomo, pero tandaan mo na nandito lang kami. Kung abusuhin ka man don, eh di.. Tutulungan ka nalang namin humanap ng panibagong trabaho. Tapos pwede ko pa silang ireport sa pulis kasi number 1 pulis ako. Subukan lang pati nila.. " umirap siya. Dahilan para matouch ako. Naks, pangalawang beses ko nang matouch sa sinasabi niya.
"Salamat.." sabi ko. Yun nalang kasi ang tangi kong masasabi sakanya. Kahit na minsan nagbubully-han kami, napakaprotective niya naman sa'kin. Grabe nga lang siya manghusga minsan pero mabuti na yon di ba? Atleast, naririnig ko ang gusto niyang sabihin. Na walang halong plastic.
Nang maihatid na ko ni Wilcon sa condo, binuksan ko agad ang ilaw sa kwarto at humiga. Iniisip ang kung ano mang mangyayari bukas.
Hanggang ngayon ay kinakabahan pa din ako dahil sa pinakita ni Luhan na pag-uugali niya kanina. Pero bakit ba ang big deal sa'kin?
Dapat masanay na ko na minsan, ganan ang mga magiging boss ko, matataray o maaattitude. Siguro ay iintindihin ko nalang sila dahil sa alam ko na nakakastress din ang ginagawa nila.
Nagvibrate ang cellphone ko at nung nakita ko ang caller, kinuha ko ito agad at sinagot.
"Bessy? Ano? Musta?" sambit ni Wein. Mahangin ang background niya at baka nasa byahe siya.
"Ok lang, ikaw? Kayo? Anong pakiramdam—"
"Celle naman! Ayoko na.. Gusto lang naman kitang kamustahin e! Wag mo na ibahin topic!" angil nito. Natawa naman ako dahil sa pikon niyang sagot. "So ano nga? Musta na? Balita ko ay nasa Umbriel ka na ah, sinabi sa'kin ni Wilcon.."
"Oo Wein, nagulat ako dahil sa si Luhan pala ang pagsisilbihan ko." sabi ko. Napabuntong hininga ako dahil sa naalala ko nanaman ang pagtataray niya kanina. "Mataray ba talaga yon? Kasi kanina habang tinutour niya ko, ang ok ok niya naman kausap. Tapos nung magpapasalamat sana ako, sinabihan ba naman akong 'Just go, bye.' kinakabahan tuloy ako bukas." angil ko. Napairap ako dahil baka ang oa oa ko na pala.
"Hindi ko alam e, si Ben lang kasi ang may kakilala ron. I mean, nakakasama kasi siya minsan sa business meetings nila kaya nakikita niya si Luhan. Mukha nga daw seryoso ang isang yon kapag nasa kompanya." sabi niya dahilan para mas lalo akong kabahan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...