Chapter 20

126 6 0
                                    

Wein

Kanina pa talaga ko nagtataka sa dalawang kupal na 'to ngayon dito, pano ba naman! Hindi nagpapansinan. Nakabilog kami as usual dahil pabilog naman tong cottage namin, hindi nag iimikan ang dalawa habang si Celon naman ay dada ng dada.

Subo lang ng subo ng pagkain si Nicelle habang si Luhan naman ay tahimik na nakikinig sa mga pinag dadadada ni Celon.

"Sana hindi po ito ang last na punta namin dito Tita.. Ang healthy healthy ng environment.." pambobola ni Celon, sauce..! Ang healthy din naman ng environment sa Paete pero hindi siya dumada ng ganan..

"Naku! Kahit ikaw lang mag isa ang pumunta dito ay tatanggapin ka namin! Minsan lang kasi talaga kami magkaroon ng bisita at ang pinakapaborito namin roon ay si Weilyn talaga! Ang aliw kasi ng batang iyan twing dinadala siya dito dati ng mga Tita niya.." sabi ni Tita Alliana.

Ngoks.. Yun lang? Nakakaaliw lang ako tita? Maganda din ako hoi..

"Pero nakakalungkot talaga nung hindi kami nakapunta sa kasal nila Weilyn! Ni hindi ko nga alam na nag asawa na pala ang loka lokang iyan!"

Ngumuso ako. "Ta naman! Makaloka loka ga ah.. Parang hindi kamag-anak.." natawa naman sila dahil sa simpleng arte ko.. Hindi nakakatawa.. Nakakadisappoint.. Charot.

"Ano nga ba kasing nagustuhan mo sa Prinsesa namin Benedict? Curious lang kami." masigla namang sabi ni Tita Kyla! Samantalang ramdam kong pulang pula na ko ngayon! Jusme! Ako ang naha-hotseat! Iuwi ako ngayon din!

Nagkatinginan naman kami ni Ben, binigyan ko siya ng tingin na Ayusin mo ang sasagot mo kung hindi dito ka sa buhanginan matutulog mamaya na tingin.

"Walang rasyon ang pagmamahal Tita, basta mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo siya.. And ang swerte ko na magkaroon ng isang Weilyn na kahit maiinitin ang ulo, maintindihin at mapagpatawad din naman.." gusto kong kiligin sa sinabi ni Ben ngayon kaso wala ko sa mood, kaya dedma nalang..

"Yiii!!!! Grabe talaga!! Whennn whennn!! Whenn kaya Nicelle????" gagong sabi ni Celon kay Nicelle.

"Tse! Makikita mo Wintermelon.. Pag ako nagkajowa.. Ipapasapak kita ron sa kanto.." inirapan siya nito saka sumubo nalang muli, tinitignan naman siya ni Luhan.

"Mukha namang hindi nanununtok si Luhan e, saka pren kaya kami nan.. Di ba? HAHAHAHAHA!!" Nagulat naman ako dahil sa sagot ni Celon! Kahit kailan talaga tong babaitang to mapang-asar..

"Gagu talaga.. Tita oh.." sumbong nito kay Tita Alliana habang ang dalawa ko namang tita ay natawa lang.

"Sumbong sumbong pa.." ako naman ang nang-asar. Sinamaan naman ako ng tingin ni Nicelle pero dinilaan ko lang siya.

"Alam niyo bang ganyan rin kami ng Tito Gabriel niyo nung kabataan namin? Isa rin akong sawi sa pag-ibig nung nakilala ko ang Tito Gab niyo.." kwento naman ni Tita Alliana. Umayos naman ako ng upo dahil yeah! Story timee!! Ilang beses ko na sigurong napakinggan ang kwento nila ni Tito Gab pero hindi nakakasawa..

"Spill the tea Tita!" sabi ni Celon..

"Nagtratrabaho ako noon bilang isang katulong, ang hirap ng buhay ko na 'yun kasi kailangan talaga naming mag ubos ng pawis para lang makakain. Para may mauwi sa pamilya, at para mabuhay.." pagsisimula ni Tita Alliana.

Umayos naman ang tingin ng lahat kay Tita Alliana, mukhang interesadong interesado sila sa ikwekwento niya kaya mas lalo akong naexcite.

"Hanggang sa nakilala ko si Edwardo, isang driver ron sa pamilyang pinagtratrabahuhan ko, nagkagaanan kami ng loob dahil sa madaming bagay ang parehas naming gusto, minsan nga tinutulungan niya pa kong maghugas ng pinggan e.. Napakadami kasi talaga.." pagkwekwento niya, tulad ng inaasahan ay kasama ang puso niya sa pagkwekwento niya, kaya masarap talagang pakinggan.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon