Nicelle
Dalawang linggo ang lumipas nung inaya ako ni Jake mag dinner kasama siya. Dalawang linggo na din ang lumipas nang mapunta ako sa kompanya ng mga Umbriel at maging sekretarya ng pinakamatoyong lalaki sa balat ng Building na to.
Sa dalawang linggo na yon, pansin kong nag iiba ang ugali ni Luhan. Naiinis siya twing sinasabi ko na si Jake ang susundo sa'kin dito. Naiinis siya twing kita yung braso ko sa suot ko at naiinis siya twing iniispoil kuno ko raw ang kapatid niya.
Well ako, pinapabayaan ko nalang siya. Boss ko lang siya no, hindi ko siya boyfriend para pagbawalan ako sa suot ko na kita ang braso!
Naalala ko nga nung isang martes! Gandang ganda ako sa suot ko non kasi ang ganda naman talaga! As in sobrang ganda! Ang ginhawa din niya kasi kita nga yung braso! Tapos nung nakita ako ng pisting Luhan na yan? Pinasuot niya sa'kin yung coat niya! Futangina di ba! Habang naglalakad nga ko nakatungo nalang ako kasi nakatingin sa'kin yung ibang workers e!
Baka isipin pa nila nilalandi ko ang Sir nila dahil sa coat na pinahiram niya sa'kin. Utot no!
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa office ko at may inaayos na papers. Tambak nanaman ang mga gawain ko dahil sa nalalapit na Paparty ng mga Umbriel sa isang linggo. Hindi sana ako sasama pero nung nalaman ko na sasama ang mag-asawang kupal na si Wein at Ben syempre sumama na ko hehe. Bonding na din namen. Libreng alak and libreng pulutan!
"D*mn." napatingin ako dahil sa pagmumura na yon ni Luhan. Pagtingin ko ay hindi niya maayos ang necktie niya na nakapulupot sakanya ngayon.
Napangiti ako dahil sa buti nga sakanya. Mukhang stress na stress na ang mukha niya pero hindi ko nalang pinansin.
Like dzuhbellsxz. Bakit ko naman siya papansinin? Magmumukha akong shunga kapag nagvolunteer ako na ako na ang mag-aayos ng neck tie niya tapos di niya ko pansinin no. Wag nalang.
Binaling ko nalang ang tingin sa papers. Napa yes ako sa isip dahil tapos ko na ang kalahati nito. Inistapler ko ito at nilagay sa brown envelope. Napatingin pa din ako sa Toyo kong Boss at nakatingin na siya sa'kin.
Napataas kilay ako. "Bakit Sir?" nang aasar na tonong sambit ko. "May iuuutos po ba kayo?"
Umirap siya at iniwas ang tingin sa'kin. "Wala." sabi niya kahit na halata naman na gustong gusto niya na kong utusan na ayusin ang neck tie niya. Asus! Hiya hiya pa siya, kala ko nga wala na yan sa vocabulary niya e.
"Ok po." sabi ko. At inayos ko na ang papers. "Ah Sir jan na muna ho kayo, ibibigay ko lang to kay Mr Lim. Tawagan niyo nalang ho ako kung may kailangan kayo. Bye—"
"Uh—wait." napangiti ako dahil sa sinabi niya. Ayan, sabibin mo na kasi ang dapat sabihin Mr. Umbriel, hay nako.. Sasabihin mo lang naman na.. "Babe, can you tie my neck tie?" hahahaha pota hanoyon? Hanong pinagsasabi ko?
"Yes po?" sabi ko. Nang aasar ang tono. Pero syempre hindi ko pinapahalata na nang aasar ako no. Baka mamaya paggawan niya ko ng resignation letter e. Hutasiya. Toyo niya pa naman.
"Can you..." tinuro niya ang neck tie niya kaya medyo natawa ako sa isip. Ang cute niya kasing tignan.
Lumapit ako sakanya agad at ramdam kong kinabahan si Luhan. Kunot noo kong binuhol ang neck tie habang siya ay nakatingin lang sa'kin. Hindi ko nalang pinansin ang titig niya na yon at ngumiti sakanya. "Done." sabi ko. "Bakit kasi magaling ka lang magpatakbo ng kompanya Sir? Hindi po ba naituro sa inyo ang pag bubuhol ng neck tie?"
Umiwas siya ng tingin sa'kin at sinuot ang coat niya. "Back to work.." saka siya lumakad palayo at umalis.
Amp.. Walang anuman ha? Oo maraming maraming walang anuman. Buset!
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...