Chapter 11

128 7 0
                                    

Nicelle

Dakilang fifthwheel ako sa aming anim na magkakatropa, syempre pang sixth si Wilcon. Sa tagal naming magkakaibigan nila Wein specially nung college. Hindi ko maiwasan na mainggit sa kanila kapag nakakasama nila yung mga nobyo nila.

Though, hindi naman ako na OOP dahil hindi naman nila pinaparamdam sa'kin yun. Masaya rin naman ako para sakanila, na masaya sila sa mga napili nilang mga lalaki sa buhay.

Pero hindi ko din kasi maiwasang mainggit. Hindi ako pabata, patanda ako at nagmumukha na kong losyang sa kakahintay sa lalaking nararapat para sa'kin.

Kahit na minsan, lumalandi landi ako, iba pa rin ako kung magmahal. Siguro kung meron na kong lalaki ngayon, ipaparamdam ko sakanila na nandito lang ako palagi.. na hindi ko sila iiwan. Kasi ilang taon ko silang hinintay e, bakit ko pa sasayangin di ba?

Pero sa kaso ko ngayon wala e. Naniniwala ako sa kasabihan na May isang tao ang para sa'tin pero asan na nga ba kasi yung akin? Ipapanganak palang ba? Bigyan niyo naman sana ako ng sign na nakilala ko na ang lalaking para sa'kin oh.. Para hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Kasalukuyan kaming narito ni Weilyn sa shop kung saan maraming tuxedo na para sa mga lalaki. Tulad ng tinanong ni Wein kay Ben non sa kotse, kulay gray ang pinili nito.

"Ok na siguro to no Bessy? Babagay naman siguro to kay Ben. Sasapaken ko siya kapag umangal siya." natawa siya. Napangiti naman ako dahil sa kalokahan ng kaibigan ko.

"Oo, ok na yan at sigurado ako na babagay yan kay Ben. Kaya let's go na sa counter." sabi ko. Tumango lang siya at inalalayan ko siya papuntang counter. Natatakot kasi ako na madulas tong kinginang to kahit na hindi pa naman kalakihan ang tiyan niya. Jusq, wala pa ngang isang buwan e.

Ang Oa ng pagkaprotective ko.

Pero ok na yon, atleast sure.

Binayaran ni Wein ang tuxedo at lumabas na din kami ng shop. Ngunit parang wala ako sa sarili dahil naiiwan ko na pala ang buntis. Agad naman akong tumigil at hinintay siya.

"Hindi ka naman siguro nagmamadali ano? Natatae ka ba kaya ang bilis bilis mong maglakad?" sabi niya. Napailing nalang ako at tumingin nalang sa daan. "Oi bruha? May problema ka ba?" napabuntong hininga ako ng mahalata niya.

"Wala.."

"Weh? Naku, Sigurado ako na meron. Spill the tea sis, ayaw mo ba nung dress?" nag-aalalang sabi niya.

Agad naman akong umiling. "Hindi no, gusto ko.."

"Oh eh bakit nga?"

"Kain muna tayo, nagugutom na ulit ako e. Kahit sa labas nalang ng mall.. Masyado kasing mahal rito e,"

"Oh siya sige.." saka kami naglakad.

Nang makahanap kami ng shomai cart, napagpasyahan naming doon muna tumigil, may mga upuan naman ron pero kunti lang. Buti at may bakante.

"Hmm? Spill mo na ang tea." sabi ni Wein, hindi nakakalimutan ang pakikichismis.

Napahawak ako sa ulo ko. "Pano mo ba nasasabi kung matutupad niya pa ang pangako niya Wein?" sabi ko.

Tumaas naman ang kilay niya. "Bakit? May nangako ba sa'yo? Si Bebe Luhan ba?" kunot noong sabi niya.

Agad naman akong umiling. Asa.. "Hindi no, basta sagutin mo nalang.."

"Hmm.. Bakit naman kasi ganan ang tanong, lumalove life ka na ba Celle?" natawa siya. Umirap naman ako kaya mas lalong natawa ang gaga. "Uhm, pano masasabi kung tutupadin ba nila ang pangako nila? Tss, magpapakapranka na ko ha? Kung gusto mong malaman kung matutupad ba nila yung pangako nila, tanungin mo siya ng deretso.. Eh di kung hindi eh di hindi! Kung Oo, eh di hindi na surprise! Ganon lang yon.." Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon