Nagtungo ako sa parking ng kompanya para roon ibuhos ang sakit na nadarama ko. Bakit ganon? Hindi tumitigil ang luha ko? Bakit kahit ang babaw babaw lang ng sitwasyon ang lalim naman ng niluluha ko?
Umasa ako e, umasa ako na ipaglalaban mo ko Jake.. Umasa ako at naghintay ako sa'yo. Na balang araw ipaglalaban mo yung nararamdaman mo sa'kin. Bawat halik mo sa noo ko yung nagbibigay sa'kin ng pag-asa na tutupadin mo yung pangako mo.
Pero bakit naglaho? Wala na ba?
Napangisi ako. "Wala na," saka umiyak. Nakasandal ako sa kotse habang binubuhos lahat ng iyak ko.
Wala rin akong pakielam kung masira ang make up na pinahirapan ayusin ni Wilcon. Basta ang alam ko ang sakit sakit lang.
Sa ilang taon naming magkasama ni Jake, nasanay na kong nariyan siya.. Minahal ko rin siya ng patago kasi bawal. Nahulog ako sakanya noon.. Tapos ganito lang pala, ang sakit sakit..
"Hindi ba talaga para sa'kin yung salitang love Pa? Ma?" reklamo ko kela Mama. "Ma may nagawa ba ko na ikinagalit niyo para masaktan ako ng ganito? Ang sakit Ma.. Pa,"
"Ang sakit mapakuan ng pangako, ang sakit umasa at mas lalong masakit magmahal.." umiiyak na sabi ko. "Sana hindi ko nalang siya minahal! Sana hindi nalang ako umasa na tutupadin niya yung pangako niya! Sana naisip ko na posible palang masaktan ako dahil sa bobo kong desisyon sa buhay!"
Napaupo ako dahil sa panghihina na nadarama. Nilagay ko ang ulo sa braso at roon tumango. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mawala yung sakit.
Jake mahal na kita e..
"Stand up." nagulat ako nang may magsalita. Unti unti kong umangat ang ulo ko at mula ron nakita ko si Luhan na nag-aalala ang tingin. "Hmm." abot niya sa'kin ng panyo. Inabot ko naman agad yon at pinunasan ang luha. "You ruin your make up.."
Ngumiti ako ng sarkastika. "Okay lang Sir, kahit naman nakamake-up ako ay walang mangyayari.. Hindi naman ako maganda e, hindi naman ako sexy. Pandak nga ko di ba? Kaya kahit mag paganda pa ko, hindi pa din ako makakahook ng gwapong business man." ngumiti ako pero hindi totoong ngiti. Kita ko naman sa tingin niya ang bahid ng pag-aalala.
"So you're serious about that?" malumanay na sabi niya. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa tanong niya.
"Sir, ganon na ba ko desperada sa lalaki?" tanong ko sakanya. Hindi naman siya nakasagot agad. "Kasi Sir alam mo yun? Halos araw araw ko atang pinapalangin na sana dumating na yung para sa'kin. Na sana nayayakap ko na siya, na sana nasasabihan ko na siya ng sekreto o kung ano pa.." medyo naluluha ulit na sabi ko. "Kasi Sir hindi ko alam yung gagawin ko kung ako nalang ang mag-isa sa buhay e.."
Mas lalo ko ulit nabuhos ang luha ng maalala ko sila Lolo..
"Sir matanda na sila Lolo, hindi ko alam kung kanino ko ibubuhos yung sakit kapag nawala sila, kung sino yung magchecheer up sa'kin, kasi Sir kahit buhay pa sila, alam ko naman na malapit na.. Natatakot akong mag isa Sir.." sabi ko. "Ang akala ko si Jake na ang makakasana ko Sir... Kasi nangako siya na ipaglalaban niya yung nararamdaman niya, umasa ako syempre kaya nga heto ko.. Nasasaktan, isang tanga na umiiyak na parang baliw dahil yung akala niyang lalaki na mamahalin siya ay sinasayaw na ng ibang babae.." ramdam na ramdam ko na nag-aalala si Luhan. "Napakatanga ko Luhan.."
Ito ata ang unang beses kong matawag ang pangalan niya, sa puntong to.. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil nasasaktan? O dahil sa nga tingin ni Luhan sa'kin?
"Sorry kung naabala kita Sir.." pinunasan ko ang luha.. "Bumalik ka nalang po roon.." sabi ko. "Baka ho hanapin kayo e.. Ikaw pa man din ang pinakaimportanteng tao roon." ngumiti ako pero pekeng ngiti iyon, hindi sarkastika kung hindi ngiti ng isang nasasaktan na babae.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...