~WARNING.. R18 PATNUBAY NG GUARDIAN ANGEL ANG KAILANGAN~
Nicelle
"Oh selfie selfie.." sabi ni Wein. Ang excited niya na magpaselfie hindi tulad nung reunion na ayaw na ayaw niya. Wanyaa p30Pl3 cH4Nge.
Nagpunta kaming lahat sa harap ng camera tapos nagpost kami, katabi ko si Luhan as usual pero hindi ko dinidikit sakanya ang balat ko kasi twalya lang ang panakip niya sa itaas. Basa rin siya kaya hindi talaga ko dumidikit.
Basa ka rin naman?
Mas lalo akong mababasa.
"1..2....3!" sabay captured nung camera. Sumama naman ako kay Wein upang tignan yung nakunan. Ok naman ang itsura namin ron, and ang cute nila tita Kyla kasi nakawacky sila ni Tita Alliana. Tapos si Luhan nakangiti ng slight, si Ben and si Pat naman ay nasa bewang ng asawa ang braso tapos ako ok ok naman ang itsura ko.
Hindi naman ako mukhang natatae sa ngiti ko.
Muling napadako ang tingin ko kay Luhan at hindi ko talaga maiwasan ang mamangha. Bakit kasi ang gwapo niya? Oo ang slight lang ng ngiti niya pero bakit ang lakas ng dating?
Ehhhhhh! Erase erase.
Dapat masanay ka na sa ganong pa-itsura ni Luhan, Nicelle! Hindi dapat ganan ang reaksyon mo omg ka!
Ok ok ok!
Normal lang ang pagkakagwapo niya at kahit slight lang ang ngiti niya ay normal pa din ang pagiging gwapo niya. Ok na siguro yan tse!
--
Nagtungo kaming muli sa kubo upang kumain. May iniihaw na mais si Tita Kyla katulong yung apo niya. Tapos si Tita Alliana naman ay nagbabalat ng kinuha niyang mangga sa puno nila ron sa bakuran nila.
"Need natin ng softdrinks.. Volunteer kung sinong bibileeee!!" sabi ni Wein. Agad naman akong tumaas ng kamay upang ako nalang ang bumili. Bat ba? Gusto ko rin kasing gumala. "Weh? Sigurado ka?" tanong niya nung nakita niya na ako lang ang nagtaas ng kamay.
Tumango ako. "Malamang! Para makagala na din." sabi ko.
Ngumiti siya tapos binigay sa'kin yung pera. "Tatlo ah.. Wanpoyntpayb. May malapit naman na tindahan paglabas nung resort." nakangiting sabi niya. Tumango lang ako.
Nung makalabas ng kubo ay agad sumalubong sa'kin si Luhan na halatang papasok na rin. Napatingin siya sa'kin at parang nagtatanong yung mga mata niya.
"Sa tindahan, bibili ng mabibili ok na?" sabi ko kahit hindi pa siya nagtatanong. Alam ko naman na magtatanong din yan kaya in-advance ko na.
"I'll go with you." sabi niya habang yung twalya lang ang nakatakip sa pang-itaas.
"Hindi na no! Saka, ok lang.. Gusto ko din gumala, titignan ko lang yung tanawin, maligo ka nalang."
Hindi niya ko pinakinggan kaya napabuntong hininga nalang ako, pumasok siya saglit sa kubo tapos lumabas na din, kinulbit pa ko sign na maglakad na kami.
Hayst! Oo siya na ang panibagong buntot ko muset!
Tahimik lang kaming naglalakad and as usual ay pinagtitinginan nanaman siya ng mga tao dahil sa itsura niya ngayon na twalya lang ang saplot pang itaas. Grabe siya magbigay ng blessing, lantaran.
Dapat kasi sa abs Luhan hindi pinapakita or binabalandra. Dapat pinapahawak rin, pinapakita mo nga hindi mo naman pinapahawak o di ba nakakairita yon? Parang pinapatakam mo lang yung mga nakatingin e. Katulad ko.
Luh? Ano daw? Erase Erase!
"Ano daw bibilhin?" tanong ng kupal habang naglalakad pa rin kami sa sand. Papalabas palang kami ng resort.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...