Nang matapos akong maligo, excited naman akong nagimpake ng katamtamang damit lang. Yung good for 3 days lang kung baga.
Twalya, 3 panjamas, 3 shorts, 6 tshirt at isang pang-alis lang. Hindi ako tulad ni Wein na ang OA mag handa! Charot.
Hindi ako pinapasok ni Luhan ngayon para raw mapahinga ako. Hindi nga sana ko papayag pero ang seryoso ng boses niya kaya hinayaan ko nalang siya.
"Nicelle! Tok tok tok tok!" rinig kong sigaw ni Wein.
"Nicelle! Ang kyut ni Luhan magdrive! Omg HAHAHAHA may asawa na pala ko sorry.." birong sabi naman ni Celon. Kahit kailan talaga.
Pagkabukas ko ng pinto, nataas ko ang kilay dahil sa suot nila. "Tsara! Surprise Betch... Formal attire? Kompanya ang pupuntahan?" natawa si Wein.
"Teka nga, magpapalit lang ako.." sabi ko. Ngunit pinigilan naman ako ng dalawa.
"Wag na! Para may katerno yung isa nating kasama HAHAHAHA nakapang-alis rin siya e, ang kyut niya lang.." sambit naman ni Nicelle.
"Sino? Si Luhan?"
"Oo Sis! Naka polo siya tapos maong pants! Like ok lang naman kahit ganon ang suot niya, ang hot niya Sis.." si Celon.
Napairap ako. "Oo na tara na daming satsat.." saka ko sila hinila dala dala ang sarili kong bag.
Pagdating sa parking ay naabutan ko naman ang mga boys na nagtatawanan. Roon ko nakita si Luhan sa pinakalikod ng seat. Nataas ko naman ang kilay dahil sa sinabi niya kahapon.
Akala ko ba siya magdridrive?
"Si Ben raw ang magdridrive ngayon so Weilyn will be sit in shotgun seat.." paliwanag ni Pat. "And Honey, dito tayo.." saka niya tinap yung tabi niya.
"Noted Baby.. Ahihi.." saka siya kumekerengkeng na umupo. "Ano na Nicelle! Umupo ka na jusme, roon ka sa likod ng ano mo, ng.. Ng boss ahohihohi.." saka natawa ang dalawang bruha.
"Panget tumawa ampota.." sabi ni Wein.
Nagkatinginan kami sandali ni Luhan bago ako umupo ngayon sa tabi niya. Ang lapit lapit namin sa isa't isa kaya medyo amoy ko ang pabango niya.
"Lezzzz goo na too Nasugbuuu!" sigaw ni Wein. Sabay andar ni Ben ng van.
Tahimik lang kaming bumyabyahe at tinatanaw ko lang rin ang mga buildings na nadadaanan namin. Hindi ko talaga mapigilan mamangha kapag nakakita ng building. Kahit na dati ay sa isang hotel ako nagtratrabaho, di ko pa rin mapigilan ang mamangha.
"Hmm." nagulat ako nang ipatong ni Luhan ang malaking chichirya sa hita ko. Napatingin ako sakanya at binibigyan niya rin sila Celon at sila Wein.
"Tenks!!" sabi nung dalawa.
Pinabayaan ko lang yung chichirya sa hita ko at tinignan nalang ang tanawin which is yung mga buildings nga. Ang ganda ganda talaga! "Parang ako.." nagulat ako sa nasabi.
"Hmm?" himno ng kalapit ko.
"W-wala hehe.." saka ko naiwas ang tingin.
"Why didn't you open it? Ayaw mo ba?" sambit niya, napatingin naman ako sa chichirya at binuksan. Inalok ko siya at kumuha naman ang kupal.
"San gusto niyo kumain? Sa Cavite kasi tayo raraan e, madadaanan natin yung Kaybiang tunnel which is medyo scary kaya pwedeng nagcuddle ahihi! Pati ang dilim na oh, lalamig na din.. Pwedeng pwede talaga magcuddle! Di ba Nicelle?" pang-aasar ni Wein sa'kin. Inirapan ko ang gaga at natawa naman siya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...