Chapter 2

244 12 2
                                    

:Moon

Nicelle

Habang nakatingin ako sa panganay ng mga Umbriel, hindi ko talaga mapigilang humanga. Ang cute niya habang sinusubuan ang nakababatang kapatid. Nagmukha na nga silang mag-ama e.

"Dito ka lang pala." nagulat ako sa nagsalita. Si Celon pala, hindi ko nakita sa tabi niya si Pat.

"Oh, asawa mo?" tanong ko. Umupo naman siya sa upuan ni Wilcon na hanggang ngayon wala pa din. Ang tagal naman ng pila na yon.

"Wala, kasama ata ni Ben. Si Wein ay nandon sa Tita niya at tuwang tuwa ang loka loka." natawa siya. "Kasal na kame, ikaw? Kailan balak? I mean, do you have plans of getting married?" pag eenglish niya.

"Wag mo kong in-eenglish english dan. Saka, malay ko sa lintek na love na yan. Tulad ng sabi ng mga matatanda, may isang lalaking nakatadhana sayo.." pagpapaliwanag ko.

"Pero I'm curious, you're 25 Nicelle, hindi ka nag aalala? Na what if patay na pala ang para sayo? You said that merong isang tao ang nakatadhana sayo.. Di ba? Pano kung wala na siya?" medyo nag-aalala niyang tanong.

"Eh di makikishare nalang ako sa mga asawa niyo mwehehe." natawa ko.

"Boba no way!" saka niya ko binatukan. Nagtawanan kami at uminom nalang ng juice.

"Hoy 'Te Melon, alis.. Jan ako." baklang sabi ni Wilcon. Tumayo naman agad si Celon at hinatak ang isang upuan ron sa kalapit table namin. "Oh, kumusta panunulyap mo sa panganay ng mga Umbriel? May progress na ba? Na-fall ka n-"

"Sino ulit?" tanong ni Celon. Napatingin sakanya si Wilcon at natawa. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi natibag ang kupal!

"Yung panganay daw ng mga Umbriel, si Luhan! Shems narinig ko yung name niya ron sa pila! Halatang siya ang pinag uusapan ng iba dito maliban kela Ben and Wein! Pano ba kasi, siya lang naman ang magmamana ng kompanya nila which is the Umbriel's Distillery and Wine! Omygosh Nicelle!" medyo maingay na sabi niya.

Sinulyapan naman ni Celon yung Luhan. "He's handsome nga.. Pero, was that his daughter? Like may anak na siya ganon?" maarteng sabi niya.

"Boba hindi, kapatid niya yan." ako ang nagsabi.

"Ay ganon? Teka, pano mo nalaman? Nag usap kayo? Omg Nicelle! Hindi ako nainform na humaharot ka now ha." si Celon ang nagsabi. Natawa naman si Wilcon. Amp k.

"Gaga hindi, kanina kasi may isang tamad na bakla ang nagpakuha saken ng malalamon niya kanina. Ayon, siya yung nasa likod ko.. Nagsusumpong yung kapatid niya dahil sa gutom kaya nakiusap siya na pasingitin ko siya. Syempre dapat hindi ako papayag.." sunod sunod na sabi ko.

"Oh so ano? Pumayag ka or what?" pakikichismis ni Celon.

"Pumayag ako dahil bumuntong hininga siya. Yung hangin niya dumikit sa batok ko. Like as in ramdam ko! Kaya ayon nailang ako at pinasingit nalang siya. Hindi naman ako ang magugutom e." sabi ko.

"Ih? Shet Celle! Mabango?? Omg ano amoy?" si Wilcon. "Sayang! Kung alam ko lang na pipila pala ang gwapo na yon sa likod ko, ako nalang sana ang kumuha ng makakain. Letse sayang chance.."

Inirapan ko siya dahil sa kalantudan niya. Nakakaasar! Bakit ba nila ko inaasar ron sa lalaking yon?! I mean, hindi naman nila ako inaasar pero bakit parang ganon ang dating sa'kin?

"Gwapo talaga potek." panunulyap ni Wilcon ron sa panganay ng mga Umbriel. Sinubukan kong hindi siya tignan pero bakit hindi ko mapigilan yung sarili ko?

Muli ay napasulyap ako ngunit gulat na umiwas nang tumingin siya sa direksyon ko. Damn, bakit napakagwapo niya? Kahit na hindi ko siya nakita ng malinaw dahil sa umiwas ako agad, feel ko talaga ang gwapo niya!

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon