Nicelle
As in hanggang ngayon hindi pa din ako makapag move on sa daldalan namin ni Luhan kanina!
Kinilig ako ron sa pa-baby niya pero bakit ang hirap paniwalaan?!
Hindi naman sa maarte ako o choosy pa o kahit ano mang masabi niyo kung may masasabi kayo pero ang hirap maniwala. Mahirap maniwala sa taong hindi mo kilala. Oo! Kakakilala ko lang sa pesteng Luhan na yan pero liligawan niya raw ako!
Hindi ba parang pantritrip yon?! Oo mag iisang buwan na pero bakit ang bilis naman ata madevelop ng feelings niya. Parang kahapon lang nung sinabihan niya kong 'Just leave bye' ah! Tapos ngayon may pa baby baby na siya?! Napakakapal ng mukha mo Luhan! Hintayen mo kong makahanap ng bagong trabaho at sasabihin ko talaga ang mga katagang 'Makapaaaaal ang mukhaa moo!'
Pasalamat ka lang talaga at boss kita.
Pero ano bang pinuputok ng butchi ko? Eh ano naman kung manligaw siya di ba? Nasasa'kin pa rin naman ang desisyon. Di bale sana kung isa siyang Mafia boss na hohostagin ka para mapasagot ka ng 'Oo, tayo na' di ba? Hindi ka naman ganon Luhan di ba?
Natuktok ko ang ulo sa mga pinag iisip. Masyado na pala kong nag overthink dahil sa lintek na Luhan na yan. Basta hindi ko nalang siya papansinin. Hindi ako easy to get gurl na porke gwapo ang dumating bubukaka na agad. Ayoko!
Kahit gwapo pa yan! May abs! May mansion! Future to be the Don of the Umbriel's ay hindi ako magiging easy to get!!
Hindi matitibag ang isang Nicelle Romero kay Luhan Umbriel! Nevah!
"Hoi!"
"Ay puke! Palaka! Este-Ano ba Wein!" napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat. Agad naman natawa ang loka loka kaya inirapan ko siya.
"Gulat na gulat.. Kape pa." pang-aasar niya. "Bakit ayaw mong maligo? Masarap ang tubig.." casual na sabi niya. Kumuha siya ng tubig sa inumin at ininom.
Tinaas ko ang kilay ko. "Weh? Ano lasa?" sabi ko.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Gusto mo ilublob ko ulo mo sa dagat para matikman mo rin ang langit ha Nicelle?" siya naman ang umirap. Natawa naman ako dahil sa pambawi niya agad. "Bat ayaw mo pa magpunta ron, naghihintay si Tita Kyla."
Ngumuso ako. "Nahihiya ako kay Luhan. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa mga pinagsasasabi niya sa'kin." umupo naman siya agad sa tabi ko ngunit lumayo ako ng bahagya kasi basa siya.
"Oh ano bang sabi niya?" tanong niya, binaba niya ang baso sa lamesa at nagfocus sa ikwekwento ko sakanya.
"Nanliligaw siya at seryoso daw siya ron. Pero bakit parang ang hirap paniwalaan? Like dapak ganito ba siya manligaw? Napakabilis and nakakabigla. Ang unexpected pa, hindi ko alam ang irereact sa twing babanat siya ng pick up line. Tapos yung mga tingin niya pa sa'kin na para akong ice cream na natutunaw. Di ba??? Parang tanga pala mainlab. Ayoko nalang." paliwanag ko.
Napabuntong hininga siya tapos tinap ang balikat ko. "Celle, ayan na nga siya ih.. Tatanggihan mo pa? Malay mo si Luhan na pala yung iisang tao na nakatadhana para sa'yo di ba? Malay mo hindi pala ipapanganak palang ang para sa'yo kasi si Luhan nga yon? You know what Nicelle? Wala sa kung gaano man katagal kayo nagkakilala ang pag-ibig. Ito ay sa kung pano niyo ito dadalhin, ihahandle, papatagalin at syempre papagandahin. Fun fact ah.. It takes only 30 seconds para mainlove ka sa isang tao. Pano ko nasabi? Ganon yung naramdaman ko kay Ben, ganon ko siya nagustuhan. Sa pagtitig ko lang sakanya nalaman na uy Crush ko to.. Gusto ko na to.. Mahal ko na to. Kaya wag mong sayangin ang chance, kasi kung papataasin mo ang pride mo, maaari kang magsisi sa huli. Kaya you must make a wise decision," sincere na sabi niya. "At saka walang masama kung sumugal ka sa isang bagay. Tignan mo kami ni Ben, sumugal kami pareho.. Binabaan ko ang pride ko, pinatawad ko siya and heto.. Magkakabunga na. See?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...