:Resignation Letter (errors ahead)(nakalaptop ako kaya asahan niyo na madaming misspelled lol hehe)
Nicelle
Alas otso na ng umaga pero nandito pa din ako sa lamesa ko at nakatulala.. Wala na akong pake kung malate ako kasi hindi naman ako hahanapin don. At sinabi ko naman na din kahapon na magreresign ako.
Totoo iyong sinabi ko na yon kay Wilcon, habang naiyak ako kahapon, napag isipan ko nang umalis sa kompanya na yon kahit alam kong magiging pabigat ako kela Lola. Itratry ko naman ang best ko para makahanap ulit ako ng trabaho at sa Paete palang muna.
Masyado akong stress ngayon dahil sa mga nangyari kumakailan lang. Sa issue ni Jake, sa sagutan naming dalawa, sa pag amin niya na mahal niya pa din ako, at kay Luhan na ngayon ay tumigil na sa panliligaw.
Nasa CEO talaga ang trauma..
Pinunasan ko ang luha dahil hindi ko naman namalayan na naiyak na pala ako. Kasalanan mo to Luhan, pinaasa mo ko tapos ngayon sumuko ka? Ang sarap maging Lesbian tangina mga lalaki lason.
Nung matapos akong magdrama ay nagpunta na ko sa banyo upang maligo, pagkatapos noon ay hindi na ko nagsuot ng pang corporate na damit dahil ngayon palang ay aalis na talaga ko sa kompanya. Nakuha ko naman na din ang sweldo ko kaya may panggastos ako kahit papano..
Nagpara ako ng taxi papuntang kompanya, kahit matapang ako kung titignan.. Sobrang kinakabahan naman ang nararamdaman ko. Nanginginig habang bitbit ang resignation letter ko. Hindi din alam nila Wein at Celon ang tungkol dito at si Wilcon lang..
Maya maya'y tumulo nanaman yung luha ko habang nakatingin sa mga building. Alam niyo, ayaw kong lisanin yung kompanya na yon kahit magdadalawang buwan palang ako.
Feeling ko kasi iyon na e, iyon na yung kompanya kung san ako tatagal.. Pero ngayon nadidissapoint ako lalong lalo na kay Luhan dahil sa mga pinag gagawa niya sa'kin. Parang hindi ko na siya kilala.
Pagpasok sa lobby ay nanlaki ang mata sa'kin ni Mr Lim. Nginitian ko siya kaya agad niya kong nilapitan.
"Ms Romero ano iyang suot mo.. Saka bakit na late ka?? May problema ka ba Ija?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. "Wala sa mood ang batang Umbriel dahil late ka.." napalunok ako dahil sa nalaman.
Pero triny ko pa ring ngumiti. "Ok lang Mr Lim, deserve ko mapagalitan hehe.." sabi ko..
"Gusto mo bang samahan kita?"
Winagayway ko naman ang kamay. "Naku wag na ho, kayo ko na ho to hehe.."
"Ay siya sige ako'y uuna na din ha? Madami akong ginagawa, hindi ka naman siguro pagbibitiwan ng masasakit na salita ng batang yon.." ngumiti siya sa'kin kaya nginitian ko nalang din siya pabalik kasabay ng pag alis niya.
Bumuntong hininga ako.. Mamimiss ko rin ang matandang iyon kahit papano, lagi ko din kasi siyang nakakausap dati at siya yung unang sumalubong sakin nung una ko dito.
Nagpatuloy na ko sa paglalakad alam kong pinagtitinginan na ko ng mga workers rin dito kasi may Secretary ba na naka bestida? Tss..
Oo nakabestida ako kasi mamaya pupunta akong bar.. Natripan ko din kasi na uminom sa bar kahapon habang umiiyak ako.
Huminga ako ng malalim nung nasa glass door na ko. Nakaupo si Luhan sa table ko habang siya na ang gumagawa nung mga papeles na ako dapat ang gagawa.
Napalunok ako dahil don.
Pero binuksan ko ang pinto at derederetsong pumunta sa harapan ng table ko. Napatingin naman siya sa'kin mula ulo hanggang paa at parang ayaw niya sa suot ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Series#2: Luhan Umbriel
RomanceNicelle Romero was a woman who's always a fifth wheel on her circle of friends. But after her bestfriend's wedding, she's being fired because of her long time boss Jake Crisostomo. Jake unexpectedly confessed his feelings and his Parents doesn't w...