Chapter 11: Against The Prime

98 15 1
                                    

Mabigat ang loob ko na lumabas sa office ni Sir Nics. Magulo. Sobrang gulo ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Ayokong tanggapin. Natatakot ako sa kung anong pwede kong kahinatnan.

"Kumusta?" Sarkastikong bati ni Vanessa nang makasalubong ko siya.

Kumunot ang noo ko at masama siyang tinignan. Lalampasan ko na sana siya pero bigla nalang niya akong hinigit.

"Diba curious ka kung ano ba talaga ang ginagawa ng Prime?" Mahina niyang bulong sa tenga ko.

"Bakit naman ako maku-curious? Nakita ko na kung paano kayo manakit ng iba kaya sigurado akong mga kriminal kayo," naka-ngisi kong saad at diretso ang tingin sa mga mata niya.

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon niya. Mula sa pagiging sarkastiko ay napalitan ito ng galit. Nakita ko pang pinipigilan niya ang sarili niyang saktan ako.

"Sinasabi ko sayo, darating ang oras na sasali ka rin sa Prime," madiin niyang bulong.

"Sige nga, sabihin mo," pabalang na sagot ko bago siya nginisian.

Mas lalong sumama ang tingin niya kaya nagpasya akong umalis nalang.

Bumalik ako sa classroom at sumalubong agad si Zesha.

"Anong sinabi sa ni Sir?" Tanong agad ni Zesha.

Unti-unti lang akong umiling.

"Andayaaaa!" Sigaw niya at bahagya pang tinusok ang tagiliran ko.

Hindi man lang ako nakapag-react at ang ginawa ko lang ay ngumiti ng pilit sa kanya. Napansin ko naman na wala si Freya.

"Nasaan na si Freya?" Tanong ko.

"Pinatawag ni Ma'am," nakangusong sagot ni Zesha at nagkibit-balikat.

Tumango ako sa kanya at nagpaalam na papasok na pero nakanguso niya akong sinundan.

"Ano ba ang sinabi ni sir?" Pamimilit niya. "Hindi kita tatantanan, sige ka," Sabi pa niya.

"N-nahihilo kasi ako, Zesha. Pwede bang pakisabi kay ma'am pagdating niya na pupunta lang ako sa clinic?" Maingat kong saad. Umiiwas ako sa tanong niya.

Ayokong magsinungaling at ayoko rin sabihin. Ayos lang sana kung parehas kaming nakakaranas ng kakaiba pero hindi.

Kumunot ang noo ni Zesha at agad na nilapat ang kamay niya sa noo ko. Tumagilid pa ang ulo niya.

"Sige," sabi niya. "Siguro na-stress ka sa mga gulo na ginawa ni ma'am," dagdag niya.

Akmang tatayo na sana ako ay nagulat ako dahil may bumato sa akin ng eraser ng chalkboard at tumama sa blaizer ko. Hindi pa napapagpag ang eraser na yon.

Nang tignan ko ang bumato sa akin ay si Janice iyon.

"Ano bang problema mo?!" Singhal ko.

Hindi ko alam pero may nagsasabi sa akin na sa kanya ko ibunton ang namumuong galit sa dibdib ko na hindi ko rin alam kung saan nanggagaling.

Pinagpaggan ko ang blaizer kong namuti dahil sa chalk.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw niya.

Maraming mata ang tumuon sa amin.

"Bakit? Ano bang ginawa ko sayo?" Inis kong tanong.

"Dahil sayo, hindi na ako makakapag-exam!" Gigil na saad niya.

"Kung gusto mong mag-exam, edi mag-exam ka! Ano bang pake ko?! Pinipilit mo pa ang sarili mo eh hindi ka naman matatanggap don!" Sigaw ko sa kanya.

Nakita kong nanggigil siya at kinuha pa ang isang eraser sa lalagyan ng mga chalk. Kinuha ko rin ang eraser na nasa sahig at pinunas ko pa roon para magkaroon rin naman ng chalk.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now