Chapter 9: Faked

87 17 2
                                    

"Students! Drumroll!" Sigaw ni Ma'am.

'Naku naman tong paandar ni ma'am.'

Malakas ang dagundong ng paghampas ng mga kaklase ko sa mga table nila. Ako naman ay nakikigaya hehe.

"The first student is......" pabitin ni ma'am.

Mas lalong lumakas ang hampas sa table.

"....Mr. Paul Garcia!" sigaw ni ma'am.

Napatingin ako sa katabi ko at hinampas siya bago tumawa.

"Gulat na gulat ka ah?" Natatawa kong puna sa reaksyon niya.

Natitigilan niyang tinignan si Ma'am.

"Pota!" Mura niya nag makabawi mula sa pagkagulat.

"Congrats!" Tapik ko sa balikat niya.

Pumalakpak ang buong klase. Matalino naman si Paul kaso medyo hindi niya sineseryoso ang mga pinag-aaralan niya. Siya yung tipo ng estudyante na kailangan ng matalinong reference bago niya isulat ang tamang sagot niya.

"The next lucky student is Mr. Reeve Rivera!" Anunsyo ni ma'am.

Maraming natigilan. Kahit ako ay natigilan. Lahat kami ay napatingin sa kaklase naming nagse-selpon lang kahit nandito na si ma'am.

Kung ako ay walang paki-alam sa anunsyo ng teacher namin pero nakiki-participate ako ay iba naman siya. Siya yung tipo ng student na tahimik at minsan lang makinig. At sa set-up niya ngayon ay halatang wala siyang pakialam kahit isa siya sa may chance na makapasok sa Prime.

"Mr. Rivera, any reaction?" Tanong ni ma'am.

Tinignan niya lang si ma'am at tumingin ulit sa selpon niya. Napabuntong hininga nalang si ma'am.

'Bastos na student...' yan ang nabasa ko sa isip ni ma'am nang magtama ang tingin namin.

Hindi siya nanunuway ng mga students pero sabi ng mga students niya noon ay kapag hindi niya nagustuhan ang attitude ng estudyante ay nambabagsak talaga ito.

"Ano ba yan bakit hindi pa ako tinatawag?!" Reklamo ni Zesha.

Maraming natawa.

Pabitin naman kasi si ma'am.

"The third student is Ms. Peñaflor!" Anunsyo ni ma'am.

Tuwang-tuwa naman si Janice. Isa sa pabibo kong classmate at paborito ni ma'am. Maraming napangiwi.

"Naku ma'am! Baka dinadaya mo na yang listahan?!" Sigaw ni Zesha.

Maraming natawa pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang naging reaksyon ng teacher namin. Halata sa mga mata niya ang pagiging guilty niya.

Pinilit kong huliin ang mga mata niya pero hindi na siya lumingon sa students.

"Shut up, Ms. Vargaz," singhal ni ma'am.

Napanguso naman si Zesha.

"T-the fourth lucky student is Ms. Vargaz ," anunsyo ni ma'am.

Napatili naman si Zesha. Sa aming lahat ay siya ang pinaka-hyper.

"Gurl!" Halos magwala si Zesha. Si Freya naman ay may malaking ngiti sa labi niya.

"And you Ms. V-Vargaz. Your the last one," sabi ni ma'am.

Lalong natawa ang mga kaklase ko sa reaksyon ni Zesha. Niyugyog niya kasi yung student na tahimik lang na nasa harap niya.

"Pano ka?" Napalingon ako kay Paul. Diretso siyang nakatingin sa akin.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now