Isang linggo ko nang iniiwasan sila Zesha at Freya. Lagi kong sinisigurado na wala sila sa paligid bago ako maglala-lakad sa loob ng campus.
Ngayon ay nasa cafeteria ako kasama ang Prime at kasalukuyang naghihintay ng inorder nilang pagkain.
Gaya ng sabi noon, special pa rin ang trato sa Prime. May mga workers na pinagsisilbihan kami at may sarili pa kaming table na hiwalay sa maraming estudyante.
"Anong oras ba dadating yung inorder natin?" Hindi mapakaling tanong ko dahil ilang minuto nalang ay lunch time na rin nila Freya. No
"30 minutes pa." Sagot ni Javin na nakatingin sa relo niya.
"Ang tagal naman." Hindi ko maiwasang reklamo.
"Bakit ba kasi lagi kang nagmamadali? Natatae ka ba?" Singhal na tanong ni Blaise.
Masama ko siyang tinignan bago irapan.
Alam naman nilang umiiwas ako sa mga kaibigan ko kaya madalas akong nagmamadali.
Tuwing nakikita ko sila ay sinisigurado kong umiwas ng direksyon o kaya naman ay magpanggap na hindi ko sila nakita.
Madalas rin ay tinutulungan na ako ng myembro ng Prime na maka-iwas sa kanila kung may pagkakataon.
"Hindi ba pwede na magpa-take out nalang ako sa dorm?" Tanong ko.
"Walang kakain sa dorm ngayon." Sagot ni Vanessa.
"Bakit na naman? Bawal na naman akong may double special treatment?" Umay nang tanong ko.
Ilang beses na kasi niya akong binara tungkol sa pagpapahatid ng pagkain sa dorm.
"No, may mga special higher ups na bisita si Sir at nasa dorm sila ngayon." Sabat ni Kreed.
Napatango nalang ako.
"Eh sino sila?" Curious na tanong ko.
"Mga investors and BOT's"
"Ah..Investors dito sa school?"
Nilingon ako ni Charrine at umiling.
"Mga taong nagi-invest sa atin."
Napanganga ako.
"Eh ano naman ang BOT's?"
"BOT's naman ay ang board of trustees. In our own term, sila ay supervisors ng nonprofit organization. And what I mean about 'nonprofit organization', example no'n ay ang Prime Class."
Napatagilid ko ang ulo ko dahil hindi ko naintindihan.
"Ha? Bakit? Possible ba yon? Nonprofit organization, ehh estudyante tayo." Natatawang saad ko.
Sa ilang araw ko na kasing kasama ang Prime Class ay araw araw nila akong inu-uto sa mga bagay na di ko alam.
Lumalaki na trust issues ko sa mga taong 'to eh!
"I know. It is seem absurd pero parte tayo ng nonprofit organization. We are one of their business actually, but since we are non profit, they only use us to benefit public society." Kibit-balikat na sabat ni Montrey mula sa gilid.
Mukhang interesado ang lalaking ito sa mga gantong usapan.
At dahil nagsalita na si Mont, siguradong seryosong bagay na 'to.
"So, kung parte tayo ng organization. Anong organization yon?" Tanong ko.
"We are under the organization called Premier Organization. They are known for doing voluntary works, donation drives, healthcare facilities, agricultural developments and many more helping projects. They also have other sectors under the government, pero may sector rin sila for private." Blaise.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...
