"CLASS!!!!"
Sigaw ni Sir Nics mula sa pintuan.
Lahat kami ay napatigil at tuluyan ng tumahimik.
Galit na pumasok si sir at tinignan kaming lahat.
"Anong nangyayari?!" Galit na tanong ni sir.
Walang sumagot at nakatinginan silang lahat at nagsamaan ng tingin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko.
"Kreed?" Unang tanong niya.
"Naomi?" Baling niya.
"Montrey?" Tanong niya.
"Ms. Grace Tanya? Anong nangyayari?" Tanong ni sir sa akin dahil walang sumasagot sa kanya.
Tinignan ko lahat ng kasama ko at nanghihingi ng tulong.
"H-hindi ko po alam...?" Patanong kong sagot.
Nagkagulo lang naman sila sa hindi ko maintindihang dahilan.
Masama akong tinignan ni sir at binalingan ang lahat ng nasa lugar.
'Luhh.. anong ginawa ko?'
Napanguso nalang ako at napatingin sa paanan ko.
"Proceed to the field!" Galit niyang sigaw at naunang lumabas.
Nang makalabas si sir ay minsan pang nagkatinginan ang lahat ng nasa room.
"Kasalanan ni Javin!" Biglang sigaw ni Summer.
"Anong ako?! Baka si Winter?!" Paninisi niya.
"Bakit ako?! Si Summer ang nag-umpisa!" Sigaw niya.
"Hindi ako! Si Raya yon!" Pagbabalik sa akin ni Summer.
Napa-ilag naman ako.
"Bakit ako?!" Gulat kong tanong.
"Ikaw kasi nauna eh! Kung hindi mo jinudge si Winter ay hindi siya magiging defensive tapos hindi siya aasarin ni Javin tapos hindi hahabulin ng kapatid ko si Javin tapos hindi makikisali si Zypher tapos hindi magrereklamo si Vanessa, Kreed, Blaise, Mont, tsaka ang iba pa!" Sabi ni Summer.
Napanganga ako.
'A-Ako? Seryoso ba siya?!'
Nilingon ko ang lahat at masama ang tingin nila sa akin.
Bumuntong-hinga ako.
"Oo na ako na!" Singhal ko.
'Kahit hindi naman ako yon! Nanggigigil ako sa inyo!'
"Sabi sa inyo eh!" Proud na sabi ni Summer bago ako lingunin. "Peace tayo, sis!" Nakangiti niyang saad at naka-peace sign pa.
Nginiwian ko siya bago pasimpleng sinamaan ng tingin.
"Lets proceed to the field bago pa mas lalong magalit si Sir," sabi ni Naomi.
"Teka, saan ang kwarto ko?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"Mamaya mo na tignan," sabi ni Summer at lumawit sa braso ko.
'Wow! Parang di ako pinagbintangan ah?!'
"Bakit mamaya ko pa titignan?! Pagod ako," nakangusong reklamo ko.
"Lahat tayo pupunta sa field! Walang excuse excuse na pagod!" Inis na sabi ni Vanessa.
Nalukot ang pagmumukha ko!
"Bakit ako kasama?!" Reklamo ko ulit.
"Ikaw nag-umpisa ng gulo, remember?" Taas kilay na sabi ni Summer.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasíaGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...