"Raya!"
Napatakip ako ng unan at pinagpatuloy ang pagtulog.
Hindi pa nga nag a-alarm yung orasan ko tas tilaok pa nang tilaok tong isang to. Nakapikit pa yung mga manok, Summer. Mamaya ka pa.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at alam kong kukulitin niya akong bumangon.
"Raya."
Naramdaman ko ang paglubog ng kama ko pero hindi ko yon pinansin at nanatili ako sa pwesto.
"Kahit gusto pa kitang patulugin, hindi papayag si Kreed kaya bumangon ka na riyan."
Gusto kong magreklamo.
Kreed na naman. Ano gagawin non.
"Parang awa mo na, Raya. Pag naaburido yon, damay na naman kami."
Inis akong bumangon at bahagyang kinusot ang mata bago tignan ang orasan ko.
Putek na 'yan!
"Alas-dos pa lang, Summer."
"Di mo ba nakita yung chat sa gc kagabi? Sabi mas maaga ang training niyo."
"Anong gc? Magkakasama na nga tayo rito sa dorm, may gc pa tayo?"
"Sa system yon, Raya. Naka connect rito sa mismong mga kwarto natin." Itinuro niya ang vanity mirror.
"Ano namang meron diyan?"
Nilapitan niya yon at may pinindot na button sa likuran. Doon may nag flash na screen.
Alam ko namang high-tech tong dorm namin pero di ako nainform sa bagay na 'to.
"Hindi tinuro sa akin yan." Kamot ulo kong sabi at bumalik sa pagkakahiga.
Wala pa ako sa mood para mamangha sa ipinakita ni Summer.
Hindi pa man ako nakakaayos ng higa ay hinila niya na ako para bumangon at dinala sa harap ng vanity. Itinuro niya ang nakalagay na schedule.
Changes on Training Schedules
In Charge: Montrey & Kreed
Montrey's Team: Summer, Winter, Vanessa, Naomi, Blaise, Javin, Zypher, Charrine
(4 AM - 6 PM)Kreed's Team: Reeve & Grace
(3 AM - 6 PM)"Sinong gago ang gumawa ng sched na to?!" Reklamo ko nang makitang alas tres ang umpisa namin habang yung iba ay alas kwatro.
Nagkibit balikat si Summer.
"Pakisabi lilipat ako sa team ni Montrey."
"Naku ka naman talaga, Raya. Alam mo naman na 'to kagabi di'ba?"
Napakunot ang noo ko. Oo nga pala.
" Magbihis ka na. Punta lang ako sa kusina para magkape. Papatimpla ka?"
Tango lang ang naisagot ko.
"Huwag ka ng babalik sa higaan, ha!" Bilin niya pa bago tuluyang lumabas.
"5 laps sa oval." Utos ni Kreed nang makarating ako sa harap niya.
Nandito na si Reeve at nakaupo naman siya sa bleacher.
Sa totoo lang ay nanghihina pa ang katawan ko. Naghilamos lang ako kanina at nagpalit ng jogging pant tsaka hoodie.
Maaga na nga akong ginising ni Summer pero nalate pa rin ako ng 5 minutes. Pano ba naman kasi, nawawala ba naman yung isang pares ng medyas ko.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...