"Anong oras na, hindi pa ba tayo uuwi?"
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Summer na magka-cross na ang braso habang pinapanood kami.
"Narinig mo na bang tinawag na tayo ni Sir Nics?" Tanong ng katabi kong si Javin.
Parehas kaming tutok sa paglalaro ng isda-isda.
Nang makarating kami kanina rito sa mall ay dumiretso kami sa cine para manuod ng bagong palabas.
Nang matapos naman yon ay pinakain kami ni Kreed ng meryenda bago kami maghiwa-hiwalay.
Akala ko ay magkakaiba kami ng pupuntahan pero lahat kami ay pare parehas lang na nagkita-kita sa isang lugar.
Sa Quantum Arcade.
Oo, pati sila Kreed, Montrey, at Reeve. Silang tatlo lang naman yung nagsasalitan don sa arcade na susuntukin yung punching bag at nagpapataasan ng score. Mga siraulo.
Halos wala na ring pumalit sa kanila dahil sa lalakas ng suntok nila. May iba pang umiiwas dahil bumwe-bwelo pa ang mga mokong.
Sigi, tuloy niyo pa. Sisipain kayo palabas ng mga nagbabantay pag nasira niyo yan.
"Raya, akin kasi yan!" Reklamo ni Javin nang maagaw ko sa kanya yung scratch na ticket.
"Pumunta sa akin yon."
Nang lumabas yung eme-emeng Poseidon, halos mag-agawan kami ni Javin pero sa huli ay yung katabi naming matanda ang nakakuha.
"Tanginang yan, maduga." Bulong ni Javin.
"Batak na batak si lola, tambay dito yan ehh." Bulong naman ni Summer.
"Halata nga." Bulong ko bago tignan ang score niya sa table screen.
'Lintek na 80,000 plus yan.'
Gusto ko nalang tumayo at lumipat ng laro dahil lilima na lang ang hawak kong token at 2000 points nalang ang balance ko rito. Kapag tinap-out ko ito ay 20 pieces lang.
Balak ko nga sana ay paramihin yung binili kong 50 pieces na token pero ngayon ay kalahati nalang.
Si Summer naman ay kanina pang natatalo kaya naman ubos na ang token niya.
Wala rin sa amin ni Javin ang gustong magbigay. Paano ba naman kasi ay kanina niya pa pinapatalo sa claw machine.
Speaking of claw machine, kanina pa nandon si Blaise at pilit na kinukuha ang pokemon na sinabi ni Naomi na parang kaparehas niya daw ng ability.
Yung si Infernape pokemon. Yung unggoy.
Di lang ability ang parehas sila. Parehas din silang unggoy kaso yung isa unggoy talaga.
Si Blaise talaga yon.
Kanina nga lang ay nakita ko siya don sa may sayawan na machine tas ngayon pinanggigilan niya yung kamukha niya.
Si Vanessa at Charrine naman ay parehas na nasa karaoke booth.
Si Naomi naman, busy siyang samahan yung mga bata na nanghihingi sa kanya ng pambili ng token. Pinagsabihan nga siya kanina ni Javin na inu-uto na siya nung mga bata, okay lang naman sa kanya.
Iba talaga pag good soul.
Si Zypher at Winter naman, parehas na nagbabasketball at nagpapataasan ng score kahit halata namang nagche- cheat si Zypher.
Perks of having an ability to manipulate gravity.
"Last na 'to. Pag natalo ako, kasalanan mo Javin." Banta ko sa kanya bago gigil na paghahampasin ang pindutan.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...