TAHIMIK akong nakamasid sa kanya, habang siya naman ay diretso lang ang tingin sa akin. Napatitig pa ako sa mga mata niya.
Kinikilala niya ako. Iyon ang ginagawa niya.
Bakit niya ako tinitignan? Babalikan niya ba ako at ako ang hahabulin niya sa oras na malaman niya kung sino ako?
Sa katanungang iyan sa isip ko ay agad akong nagtago sa likod ni Kreed. Bakit niya naman kasi ako idadamay rito eh hindi ko naman kilala tong mga to!
Ayokong madamay sa gulong ganito. Hindi naman ako tanga. Siguro naman ngayon ay hindi ko na masyadong iisipin na baliw ako diba? Ang tulad kong taong may kakayahang kumilos sa ganitong klase ng oras ay paniguradong may kakayahan din na hindi pangkaraniwan. Alam ko naman ang salitang fantasy pero hindi ako aware na ganto pala ang tunay na nangyayari.
At mas lalong hindi ko inaasahan na isa ako sa mga ito.
"Blaise," sabi ng lalaking nakaharang sa harapan ko ngayon.
Pumunta naman sa tabi niya si Blaise.
Hindi ko alam pero nagulat nalang ako ng hilain ako ng dilim at nang magmulat ako ay kasama ko na iyong isa sa kanila. Ito yung babae.
Napunta kami sa isang floor ng building. Nasa loob kami. Mukha siyang opisina nang tinignan ko ang lugar.
"You look familiar," sabi ng babae at tinitignan ako.
Tinignan ko siya sa mata.
May bagay siyang inaalala at nang makita ko sa ala-ala niya ang ginagawa ko kaninang tanghali lang ay napa-atras ako ng bahagya.
"T-teka..." kinakabahan kong saad.
"Yeah, naaalala ko na kung sino ka," nakangisi niyang sabi.
"H-hindi ba isa ka sa Prime class?!" Gulat kong tanong.
Nagugulat niya rin akong tinignan. Wala siyang ideya na nabasa ko ang laman ng isip niya.
"W-what are you saying?!" Singhal niya.
Naalala ko din ang isang pangalan na tinawag noong Kreed.
'Blaise... Iyon din ang pangalang binanggit ni Zesha sa akin kanina.'
"Hindi ako nagkakamali!" Kumpirma ko nang makita ko ang reaksyon niya. "Halimaw ba kayo?!" Sigaw kong tanong sa kanya.
Galit niya akong tinignan.
"Kung halimaw kami, ano ka pa?" Saad niya. Parang wala na siyang pakialam kung nalaman kong ilan sila sa myembro ng Prime Class.
Agad akong natigilan sa sinabi niya.
'H-halimaw...Hindi naman ako halimaw! Nakakabasa lang ako ng isip! Pwede iyong i-consider na manghuhula!' Dahilan ko sa isip ko.
Pero kinalaunan ay umiling ako agad.
"Hindi ako tulad niyong na nananakit!" Singhal ko.
"Nananakit? We are just doing this to save lives," sagot niya.
Natigilan ako.
Bakit?
Imbes na tanungin siya ay tinalikuran ko siya at hinanap ang daan palabas. Kailangan kong makalayo sa gantong gulo.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Bakas ang ngisi sa boses niya.
"Aalis na ako rito," sagot ko. "Ayokong madamay sa ganitong gulo ninyo," dagdag ko.
"Talaga lang?" May pagdududa sa boses niya kaya tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon. "Hindi namin alam kung sino ka," Pauna niyang saad. "Malay ba namin kung minamatyagan mo kami? Binabantayan ang kilos namin? O baka naman ay humahanap ka ng tiyempo para atakihin kami..." dagdag niya.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...