Chapter 5: Who Are They?

95 17 0
                                    

UMINGAY NA sa buong audi dahil dumami na kami. Hindi naman kami sobrang dami. Siguro ay nasa 500 lang ang mga students na narito.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang principal kaya tumahimik ang lugar.

"Good morning, students. This is just a brief announcement and brief introduction for our school commitees and for some students," nakangiting sabi ng head principal naming lalaki.

"Luhh, bat pa sila magpapakilala eh kilala naman na natin mga teachers na'tin." Reklamo ni Zesha.

"Tumahimik ka nga, Zesha." Suway agad ni Freya sa kanya.

"Some students? Di kaya yung mga SSG officers lang ang tinutukoy niya?" Sabat ko naman

"Who knows," kibit-balikat na sagot niya sa akin.

Hindi rin nagtagal ay isa-isa na ngang ipinakilala ang mga subject teachers. Kung nababanggit ang mga teacher namin ay todo cheer ang section namin.

Nakakapagtaka lang dahil kaming mga senior levels lang ang tinipon nila. Isa pa, sabi nila brief introduction lang pero bakit isa isa nilang pinagmo-model pa sa harapan ang mga teacher tapos kanya kanya pang pakulo.

Habang may nagpapakilala sa harapan ay nakuha ang atensyon namin dahil may grupo ng estudyante ang lumabas mula sa gilid ng stage at isa-isang umupo sa mga upuan na nakahelera roon.

"Sino mga 'yon?"

"Uyy! May pogi!"

"Ngayon ko lang sila nakita!"

Umani ng samut-saring reaksyon ang biglaan nilang pagpasok sa stage. Napakunot ang noo ko at isa-isang tinignan ang mga taong nakaupo roon. Dahil malapit lang kami sa stage ay kita ko ng malinaw ang mga mukha nila.

Kasabay ng ingay ng mga kagaya kong grade 11 ay nagkaroon ng maingay na bulungan sa parte ng mga grade 12.

"Shet, di'ba sila yung pumasa sa Prime selection two years ago?"

"Oo, tangina. Cheater mga yan."

"Di ka lang pumasa ehh."

"Pakyu."

Napansin ko kaagad yung lalaking sinasabi nilang president daw ng Prime Class, sila ang mga estudyanteng nasobrahan ng talino kaya nahiwalay ang klase.

"Diba, yun yung nasa principals office?" Bulong ko sa dalawang kasama ko.

"Shit! Baka sila na yung Prime class?" Excited na sabi ni Zesha.

Ang ibang estudyante rito sa school ay walang ideya kung sino ang mga estudyanteng parte ng Prime Class dahil hiwalay nga ang klase nila sa aming mga ibang estudyante. Malalaman lang namin kung sino sila kung ipapakilala sila tulad ngayon. Hindi rin taon taon ay may nakukuhang estudyante para sa klase nila.

May dorm sila rito sa school at may special treatment pa. Pero kapalit non ay hindi sila pwedeng makihalubilo sa ibang estudyanteng hindi nila kaklase.

Lahat ng kailangan nila ay provided na sa loob ng dorm. Nandoon na rin ang classroom nila kaya hindi sila lumalabas unless kinakailangan talaga.

"Students!" Sita ng mga teacher sa gilid dahil umingay na ang marami.

Nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga natirang teachers pero wala na sakanila ang atensyon namin.

Napansin kong nakatiim ang bagang nung class president ng Prime Class. Masama rin ang tingin niya sa sahig. May ilan silang kasama na parang nakikinig sa sinasabi ng mga teacher pero yung iba ay halatang nabubugnot na at parang wala ng pakialam sa nangyayari.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now