PEKE AKONG tumawa nang makiusap na makisali si Zypher sa table namin.
"Ba't ka nakiki-upo? Hindi ka naman pinapaupo?" Pasimple kong bulong.
"Nagpaalam naman ako, ah!" Biglang malakas na aniya.
Sa sobrang lakas ay rinig rin ng mga taong nasa kabilang table.
Napapahiyang nilingon ko ang tatlo kong kaibigan at tumama agad ang mga mata ko kay Freya na parang may nagtwi-twinkle twinkle sa mga mata niya.
"Haha kaibigan ko pala, si Freya, si Paul at si Zesha," sabi ko at isa-isa pa silang tinuro.
"Ano...si kwan.." hindi ko alam kung paano ipapakilala ang lalaking ito. "S-sino ka nga ulet?" Pasimple kong tanong.
"Zypher Mendoza! Ako yung tumulong kay Raya na makauwi sa kanila," sabi ni Zypher.
'Sinungaling!'
Napangiwi ako sa sagot ni Zypher. Tinutukoy niya yung nangyari pagkatapos akong gamutin ni Naomi dahil sa encounter ko sa shadow eater.
Hindi nga niya ako hinatid eh! Siya pa nga nagsabi sa akin noon na lumayas layas na daw ako sa harapan niya kasi hindi naman ako part ng Prime! Kasama pa niya si Kreed! Mga gagong to!
Hindi ko naman yon dinamdam dahil totoo naman ang sinabi nila. Pero gabi na nila ako pinauwi tapos mag-isa ko lang! Psh.
"Talaga?! Kailan?!" Gulat na tanong ni Zesha.
"Bakit?" Takang tanong ni Paul.
"Bakit hindi namin alam?" Tanong ni Freya.
"Nahulog kasi siya sa kanal noon, syempre nakakahiya yon," sabi ni Zypher.
'Bilib na ako sa talent niyang mamahiya at mag-imbento! Nakakainis!'
Mag-iimbento na nga lang eh ginagawa pa akong tatanga-tanga!
"Kanina ka pa namin hinahanap! Nandito ka lang pala!" May biglang namingot sa tenga ni Zypher.
Yung isa sa Prime na hindi ko alam ang pangalan pero alam ko ang mukha.
"Aray!" Reklamo ni Zypher.
Binitawan naman ng babae ang tenga ni Zypher at biglang lumapit ang pagmumukha niya sa mukha ko.
"Ikaw si Raya, diba?!" Namamanghang sabi niya.
Alinlangan akong tumango at pinipilit na tumawa.
"Tanga, parang ignorante to! Halika na nga!" Reklamo ni Zypher at hinila mismo ang buhok noong babae.
"Adios mga bagong kaibigan!" Sumaludo pa si Zypher bago pa umalis kasama yung babae.
Maririnig pa ang pagtatalo nilang dalawa at nagbubulungan.
Napa-iling ako. Iba-iba ang ugali ng mga taga-Prime. May masungit, may hindi namamansin, may mga mahilig magbiro ng nakakasakit at kung ano-ano pa.
"Hindi ko alam na kilala mo pala si Zypher, Raya?" Biglang sabi ni Freya at may malungkot na pagmumukha.
"E-eh hindi naman big deal yon," nakanguso kong saad.
"Anong hindi? Prime yon, gurl! Prime!" Madiin na sabi niya.
Peke akong natawa.
"Hindi ko naman siya kilala." Sabi ko. "Alam lang namin ang pangalan ng isa't-isa kaya ganon," dagdag ko at humigop sa straw ng juice ko.
"Uyy, Raya baka naman alam rin ni Blaise ang pangalan mo?" Kinikilig na singit ni Zesha.
"Hindi," sagot ko.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...