TUMAKAS lang ako sa bahay para pumunta sa school.
May bitbit akong mini backpact at may dala rin akong flashlight. Tahimik akong pumasok sa gate kanina nang makita kong tulog yung guard na nagbabantay sa entrance.
"Gago siya, ha." Pagkausap ko sa sarili ko. "Lintek lang ang walang ganti!" Sabi ko.
Tahimik lang sa buong hallway. Papunta ako ngayon sa locker room ng basketball team kung nasaan may locker si Steven. Hindi naman siya kasali sa basketball team pero nakiki-locker siya. Makapal rin...
Nang makarating ako roon ay agad kong hinanap ang locker na walang pangalan. Yon kase ang kanya. At kung paano ko alam? Yon kase ang naririnig kong ipinagmamayabang niya.
Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil yun ang pinaka unang locker na bubungad kapag binuksan ang pinto papasok sa room ng basketball team. Dali-dali kong sinira ang padlock non gamit ang dala kong martilyo na baon ko pa bago pumunta rito. Nakasilid iyon sa backpack ko.
Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na gumawa ng gantong bagay para lang gumanti.
Pinaghandaan ko talaga ang gagawin ko na ito. Hindi ko na niyaya sila Zesha dahil ayoko namang mapahamak sila kapag nahuli ako. Pero syempre, wala rin akong balak na magpahuli.
Kinuha ko agad ang bag niyang nasa loob ng locker at tsaka ko nilabas ang garapon na may lamang ipis. Hinuli ko pa to isa isa sa bodega ng katabi naming bahay. Nilagay ko lahat ng yon sa bag ni Steven.
Hindi pa ako nakuntento dahil dinala ko pa yon sa field. Lahat ng laman ng locker niya ay dinala ko rin at isa isang iniwan at itinago ang iba sa bawat madaanan ko.
May makakakita naman siguro nito bukas. Pero baka malasin nga lang dahil may lamang ipis itong bag.
Naglalakad ako paderestso sa field at iniwan ko mismo sa gitna ang bag at ilan niyang gamit. Bahala na siyang maghanap bukas ng gamit niya basta mission accomplished na ako.
Hindi ako nakabawi kanina dahil kumain daw sila sa labas ng school kanina, yon kasi yung sinabi nung isa niyang ka-tropa sa akin. Hindi naman kami close pero sinabi niya kahit hindi naman ako nagtatanong.
Agad ko rin naman iyong iniwan at dumeretso sa building kung saan ako dumaan kanina. Mas shortcut kasi kung sa building ako dadaan dahil aakyat lang ako sa second floor ay mararating ko agad ang main gate ng school pagkalabas ko.
Naglalakad palang ako sa hallway ay natigilan ako agad. Feeling ko tuloy ay maling ideya ang gumawa ng gantong bagay sa school kung hating gabi na. Na-imagine ko kasi yung mga kwento-kwentong dati daw na sementeryo ang school at puro ligaw na kaluluwa o kaya naman white lady ang susunod sayo o kaya naman makasalubong mo.
Natatakot din tuloy akong lumingon sa likod ko dahil baka si Slendrina na ang sumusunod sa akin at kapag lilingon ako ay papatayin niya ako sa takot.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero tuluyan na akong natigilan dahil nakarinig ako ng kaluskos mula sa likod ko. Gusto kong lumingon pero hindi ko na maigalaw ang katawan ko.
Natakot ako lalo dahil may narinig akong dahan-dahang humahakbang papunta sa akin, tuluyan na rin akong hindi nakagalaw dahil sa hindi malamang dahilan. Pati ang pagbukas ng bibig o kaya naman simpleng pag-iingay man lang ay hindi ko magawa dahilan para mas lalo akong kilabutan.
"Hoy!" Nagulat ako sa sigaw. "Anong ginagawa mo rito?!" Sunod nitong tanong.
Boses iyon galing sa kabilang dulo ng hallway.
Kung kanina ay hindi ako makagalaw ay ngayon naman ay para akong naging lantang gulay. Parang nanlambot ang mga tuhod ko at kusa nalang akong bumagsak sa sahig. Para akong binawian ng hininga at binalik lang noong makita ako nung guard. Siya ang tumawag sa akin at flinashlightan pa ako.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...