Chapter 1: Raya

305 22 3
                                    

"Wala ka bang kasamang parent?" Tanong ng isang teacher na siyang umaasikaso sa papers ko.

Late akong nag-enroll dahil sabi ng daddy ko ay sasamahan niya ako ngayon. Last week pa natapos ang enrollment pero heto ako at humahabol. Kailangan daw kasi na may kasamang parent kapag mage-enroll.

"Wala po, eh." Kamot noo kong sagot.

Hindi na naman makakapunta si daddy dahil manganganak ngayon si tita Clarisse, ang asawa niya.

"Alam mong hindi pwede kapag walang parent o guardian diba?" Mataray na sagot sa akin ng teacher na iyon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Pero ma'am, wala po kasi si daddy kasi manganganak s-si M-mommy, eh," sagot ko.

Nagdalawang isip pa ako kung babanggitin ko ba ang mommy. Nakakahiya naman kasi kung babanggitin ko na Tita. Baka magkaroon pa ng maraming tanong.

Senior highschool, grade 11 na ako pero hanggang ngayon ay kailangan pa rin ng parent kapag mage-enroll.

Tumitig siya sa mata ko at parang kinukumpirma pa kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Sigurado ka?" Nagdududa niyang tanong.

"Opo," sagot ko at tumatango pa.

"Paano kung hindi totoo yang sinasabi mo?" Tanong niya.

"Eh," biglang napataas ang kilay ko. "Kailangan ko po bang dalhin ang kapatid ko rito kapag first day of school para may patunay?" Diretso kong tanong.

Sumama ang mukha niya.

"Namimilosopo ka ba?" Taas kilay niyang tanong.

"H-hindi po..."

"Kunin mo 'to, kapag natapos mong ma-fill up-an iabot mo sa teacher na iyon," sabi niya sabay abot ng paper at tsaka tinuro pa ang isang teacher na naka-upo sa pinaka-last na table sa faculty room.

Tumango naman ako at pumunta sa isang bakanteng monoblock chair sa gilid ng pintuan papasok sa faculty.

Name, age, birthday, birthplace, gender, lang naman ang sasagutan rito kaya bakit kailangan pa na kasama ang parent?

Bukod doon ay ang track or strand na pipiliin.

°Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)
°Accountancy, Business, and Management (ABM)
°Humanities and Social Science (HUMSS)
°Arts and Design
°Sports
°General Academic Strand (GAS)
°Technical-Vocational-Livelihood (TVL)

Iyan ang mga available na track at strand dito sa school namin. Alam kong HUMSS na ang pipiliin ko dahil karamihan sa mga dati kong kaklase ay ito ang pinili. Napagplanuhan din namin ng mga grade 10 kong kaklase na HUMSS na ang pipiliin namin.

"Miss na nage-enroll, tapos ka na ba?"

Napalingon ako sa nagsalita na iyon. Yun yung teacher na dapat kong pagpasahan.

"Half day lang kami, pakibilisan ng onti." Bilin niya pa.

Agad naman akong tumango at agad na tsinekan ang strand na napili ko.

Nang matapos ko iyong fill-upan ay pinasa ko agad iyon sa kanya.  Binigyan niya naman ako ng isang paper card para lagyan ng 2x2 picture. Ito palang ang magiging ID namin sa first day of school. May sinulat siya sa papel at meron din sa card. Siguro ay iyon ang LRN ko tsaka na rin ang section na mapupuntahan ko.

"Ipa-laminate mo nalang to sa library. After that you can go home."

Agad akong tumalima at nagpasalamat muna bago umalis.

Her Hidden AbilityWhere stories live. Discover now