Kinabukasan ay nawala na sa isip ko ang nangyari dahil nang magising ako ay sigawan mula sa labas ng kwarto ko ang narinig ko.
Agad akong bumangon para sumilip sa labas.
"Gennieve! We've been tolerating your behaviors! Mahirap ba kaming intindihin ng mommy mo?!"
Boses ni daddy ang una kong narinig. Mukhang nasa sala sila ng bahay. Dahil nasa second floor ang kwarto ko ay tanging mga boses lang nila ang naririnig ko.
"I'm old enough to decide for myself, Dad! Tumigil ka na sa kaka-utos ng kung anong kailangan kong gawin!" Sagot naman iyon ni Ate Genieve.
"I'm not commanding you! I'm protecting you-"
" Hindi ko kailangan ng proteksyon niyo! I can do this for myself! Kung gusto niyong manggulo ng buhay, yung buhay ni Raya ang pakiaalaman niyo! Huwag itong akin!"
" Bakit na naman ba dinadamay mo ang kapatid mo? "
" She's not a sibling nor related to me, Dad! Palibhasa kasi paborito niyo yang anak niyo sa labas, eh!"
"Genieve! Sumosobra ka na! Ang issue dito ay ikaw! Huwag mong dinadamay si Raya! "
Nakarinig ako ng kalabog mula sa baba kasabay non ay ang padabog na pag-akyat ng tao sa hagdan.
" I'm not yet done talking to you, Gennieve!"
Agad 'kong sinarado ang pintuan ko nang marinig ko iyon. Hanggang sa marinig ko ang paa ni ate na lumampas sa kwarto ko.
Napapikit ako ng mariin at nagpasalamat na hindi niya ako pinuntahan.
Aaminin kong takot ako sa kanya dahil galit siya sa akin. She blames me for everything, but I can't deny that all of that wasn't my fault. Some may not, but I know I had contributed to the pain that she've been feeling up until now.
Huminga ako ng malalim bago nagdesisyon na maligo para umalis. Gaya ng sinabi ko kagabi ay bibili ako ng gamit ko sa school at gagamitin kong rason iyon para maka alis rito sa bahay.
Dumiretso ako sa mall para doon maglibot-libot. Umupo pa ako sa isang fastfood restaurant para magpatay nang oras nang may maalala ako.
Agad kong tinawagan ang isang kaklase ko nung grade 10 para tanungin kung pwede ko bang palitan yung strand na di ko sinasadyang ma-checkan.
"Hay nako, Raya. Hindi mo na mapapalitan yon."
Tinawagan ko si Janna, ang dating president namin, through messenger. Isang teacher sa school ang parent niya kaya siya ang pagtatanungan ko.
"Bakit? Edi hindi ko na kayo kaklase!" Nagpapanic kong sagot.
" Malamang! Nag-check ka ng ibang strand eh!" Kamot noong sagot niya.
"Baka pwede pang papalitan?"
"Kung nung enrollment day ka talaga nag enroll pwede pa. Pero masyado ka ng late, kahapon na yung last na palugid para sa late enrollees."
Bumagsak ang balikat ko bago magpaalam sa kanya.
"Yaan mo na. Kaya mo yan. Di ka namin kakalimutan." Binuntunan niya yon ng tawa.
Pinatayan ko siya ng telepono bilang tugon.
Pinili ko na ring ubusin ang kinakain ko nang makitang maga-alas sinco na ng hapon.
Dahil mag-isa lang ako ay malaya kong nagagawa ang gusto ko.
Pumunta lang ako sa kung ano anong store para magtingin-tingin ng mga bagay-bagay at kung may nakita naman ako na bagay na sa tingin ko ay kailangan ko, binibili ko.
YOU ARE READING
Her Hidden Ability
FantasyGrace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but just typical. She's jolly, talkative, and kind of hardheaded. She loves to explore things, but she knows her limit. As she turned 17, unex...