Kabanata 3

152 3 0
                                    

"Tara, kumain muna tayo ng tanghalian." Pag aaya sami ni mommy kaya natigil din ang pag uusapan ng dalawa.

Nauna na akong bumaba at dumiretso nya na sa dinning room. Nandoon na rin si Daddy habang may binabasa sa kanyang cellphone.

"Daddy, kailangan po ba talaga na may bodyguard ako?" Tanong ko sakanya.

"Oo." Sagot nya agad sakin at pumikit ako.

Anak ng tipaklong. Paano ako makakapunta sa hide out namin kung may nakasunod sakin and he is a lieutenant. Many people respect him atsaka illegal ginagawa namin.

"Bakit ba ayaw mo? Para naman sa safety mo yun." Sabi ulit ni daddy kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Sige na po." Pagsuko ko at umupo na ko sa upuan ko.

Habang naglalapag ng pagkain ay kinuha ko nalang ang aking cellphone at nag scroll nalang sa facebook pero iba nilagay kong pangalan kasi maraming may gusto mag add sakin but I don't like.

Cassie:
Punta ka na dito sa hideout sabi ni boss.

Bungad na chat ni Cassie at napakagat nalang ako ng labi kasi hindi ako makakapunta. Bantay sarado ako ng lieutenant.

Me:
Hindi pa ako sure. May hinire sakin si daddy na lieutenant nakakainis.

At ang gaga ay mabilis nagreply kaya I rolled my eyes kahit di nya ako nakikita.

Cassie:
Malaki I mean matangkad ba?

Me:
Hindi, pandak sya.

Cassie:
Oh gosh. Why so bitter? Dalhin mo kaya dito.

Me:
Gaga ka ba? Eh di nahuli tayo kutusan ko kaluluwa ko.

"Put down your phone, Galaxy." Maawtoridad na sabi sakin ni Daddy.

Tsaka ko lang narealize na nandito na pala sila Kuya siguro di ko lang talaga sila napapansin.

"Ilan taon ka na hijo?" Nakangiting tanong ni Mommy.

"23 na po." Magalang naman na sagot ng lalaki na 'to.

"My daughter is 21 years old." Makahulugang sabi ni Mommy tsaka tumingin sya sakin.

"Mom." Tawag ko sakanya at nilakihan ko sya ng mata.

Palagi nalang nya akong nirereto sa mga anak ng amiga nya pero di talaga ako pumapayag kasi tingin pala nila turn off na ko.

"May aasikasuhin ka pa ba mamaya, Payton?" Pag shishift ni Daddy ng topic.

"May gagawin lang po ako saglit sa opisina." Sagot ni Payton kay Daddy.

Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Daddy kaya nag excuse muna sya tsaka na ito sinagot.

"Ngayon palang humihingi na agad ako ng tawad sayo. My daughter is a hard headed girl. Sana tumagal ka sa pagbabantay sakanya." Nakangiting sabi ni mommy.

"Don't worry ma'am I know how to handle that type of girl." Confident nyang sabi.

"Ikaw naman, Galaxy Andromeda. Wag kang masyadong pasaway ba't hindi ka nalang nagmana sa Kuya mo na wala masyadong kalokohan sa buhay." Sabi naman agad sakin.

"Sige na mom. Ako nanaman nakita mo." Mataray kong sabi.

"Syempre anak may mata ako." Attitude nyang sabi at tinaasan ko sya ng kilay.

Naririnig kong mahinang tumawa si Payton at Kuya kaya inirapan ko nalang sila tsaka nagpatuloy ulit sa pagkain.

"Hon, kailangan na natin bumalik sa company may emergency meeting." Bungad na sabi ni daddy at tumayo agad si mommy.

Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon