Kabanata 41

48 1 0
                                    

"Kailangan na natin umalis mamaya papuntang South Korea nakapag pabook na ko ng ticket" Ayan agad bungad sakin ni Ate Chelsea

Ayan agad bungad nya sakin kaya bigla akong napabuntong hininga.

"Agad agad? Hindi pwedeng bukas?" Tanong ko sakanya

"Oo syempre. Hindi natin pwede tanggihan to sayang din. Aangat career mo dito" Sabi nya sakin kaya wala na kong nagawa kung hindi pumayag

Pagbaba ko sa baba ay naabutan ko silang kumakain.

"Bat nakasimangot ka? Aga aga" Tanong ni kuya habang nakatingin sya sakin

"Aalis na po ako mamaya. May event ako pupuntahan sa Korea" Sabi ko sakanila

"Ang bilis naman parang kakarating mo lang nung isang araw" Reklamong sabi ni mommy sakin

"Kailangan po kasi para sa trabaho" Sagot ko sakanya kaya wala na syang nagawa

Pumasok naman si manang dito na may dalang Mcdo tas flowers. Napangiti naman ako kasi ang ganda.

"Galaxy para sayo daw" Sabi ni manang at inabot sakin

"Grabe yung ngiti aabot na ata hanggang langit" Asar na sabi ni daddy

"Sila na ulit ni Archer" Announce ni mommy

"Really? Tas mamaya aalis ka na. Wawa ka naman" Pang inis nyang sabi sakin

"Shut up" Sabi ko at kumain nalang

They are watching me while I eat kaya I become concious buti nalang ay sinabi ni mommy na baka malate sila.

Pagkatapos kumain ay nag impake na ko ng mga gamit hindi ko alam kung pang ilang araw pero dinamihan ko na para sure. Itetext ko pala si Archer nakalimutan ko na.

Me:
Thank you for the food and flower. I love it

Archer:
How about me? Di mo na ko love?

Me:
Para kang crazy syempre oo

Nahihiya naman ako na pupunta ako sa presinto para bisitahin dun si Archer pero anong gagawin ko nandun sya.

"Nandito ka ulit ma'am" Sabi nung nagbabantay sa harap

"Nandyan si Lieutenant Colonel?" Tanong ko sakanya

"Yes po pero may kausap po sya ngayon" Sabi nya sakin kaya ngumiti lang ako

Pagkapunta ko dun ay medyo nakabukas ang pinto pero di naman rinig ang usapan nila. Kaya sumilip ako. Oh si hipon pala kausap.

"Sabay na tayo mag lunch" Declare ni Frances

"No. You can leave if you will not say anything about work" Malamig nyang sabi

"Mag agree ka muna" Makulit nyang sabi kaya dun na ko umeksena

"Naistorbo ko ba kayo?" Tanong ko sakanya

"Of course not love" Sabi ni Archer at hinalikan nya ako sa pisngi

"Alis ka na dali. Sabay kami mag lulunch" Inis kong sabi at magsasalita pa sya pero tumalikod na

"You're possessive pala" Pang aasar nya sakin

"Sige kayo na mag lunch ng sabay. Hahanap nalang ako ng iba" Biro kong sabi at kumunot ang noo nya

"Ako lang pwede mong kasabay bawal iba" Bata nyang sabi

"Living statue mo ulit ako ngayon" Nakangiti kong sabi sakanya

"Dami mong time ah" Sabi nya at nawala ang ngiti ko

Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon