Kabanata 21

56 2 0
                                    

Pagkarating namin sa taat ng company ay bumaba na kami. Sinalubong kami ng malamig na hangin.

"Bye, Alaiza. Kita nalang tayo bukas." Sabi ko sa naging kaclose ko at ganon rin ang sinabi nya sakin.

Nagpaalam pa ako sa iba tsaka ako umalis at dumiretso sa bahay namin.

"Nakarating ka na pala." Sabi sakin ni manang at naghahanda na ng miryenda.

"Ang bango naman po nyan." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Ikaw talagang bata ka. Nambola ka pa." Natatawa nyang sabi sakin.

Ang miryenda kasi namin ngayon ay turon at banana cue. Favorite kong kainin.

"Punta po muna ako sa kwarto ko at aayusin ko lang po saglit ang mga gamit ko." Pagpapaalam ko sakanya.

Pagdating ko sa kwarto ay binaba ko sa gilid ang mga gamit tsaka humiga sa malambot kong kama. Maya maya ay nakatulog na rin ako.

"Galaxy?" Pagkatok sa kwarto ko kaya dahan dahan kong binuksan ang mata ko at binuksan ang pinto.

"Yes?" Sabi ko habang nagkukusot pa ng mata.

"Ang dugyot mo" Pang aasar ng taong nasa harap ko kaya napabukas ako ng mata.

Si Kuya Chester lang pala ang number 1 basher ko ever.

"Lumayas ka nga sa harapan ko baka di kita matantsa." Pananakot ko sakanya.

"Tara na. Kain na tayo." Pag aaya nya at tumalikod na sya.

Sumunod na ko sakanya without minding my whole self kasi sobrang nagugutom na ko.

"Good evening, people." Nakangiting bati ko sakanya.

"Nandito ka na pala." Sabi ni mommy.

"Hindi kaluluwa lang nya yan." Pambabara ni daddy sakanya.

"Sige sa lapag ka matutulog mamaya." Sagot naman ni mommy at magsasalita na dapat sya kaso di na nya tuloy.

"UNDERstanding ka pala, dad." Natatawang sabi ni Kuya at natawa si daddy.

Habang kumakain kami ay nagkwekwento ako sa nangyari sa stay namin at sobrang natuwa naman si mommy.

"Really?" Sabi nya.

"Yes, it is a last decision na sinabi na ako ang mag momodel." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Your young self is so proud of you." Masaya nyang sabi and I agreed immediately.

"By the way, we are having a party tomorrow because it is our anniversary." Sabi ni daddy kaya tumango ako.

"Partner tayo kuya?" Tanong ko sa katabi ko.

"No, find your own." Sabi nya sakin at sumubo sya ng food nya.

"Pero..." Aapila pa sana ako kaso inunahan nya ako.

"I have a date." Simple lang ang pagkakasabi nya pero nanlaki ang mata ko.

"Paano naman me?" Sagot ko at tinuro ko pa ang sarili ko.

"Hija, just let your kuya. Find your partner nalang. Malay mo ayon na pakasalan nyan. Ang tanda na rin nyan." Sabi sakin ni mommy kaya ngumisi ako.

Kuya is twenty-four while me is twenty-two. See we are just two years gap pero feel ko mas matured ako sakanya.

"Okay, fine." Sabi ko nalang.

"Marami ka naman mahahanap dyan kahit nga hilahin mo lang. Alam ko namang sasama sayo yun." Pagjojoke na sabi ni mommy kaya ngumisi ako

"Mom/Hon.." Sabay na sabi ni daddy at kuya.

"Ang OA nyo. Chill lang kayo." Sagot ko naman.

Maya maya ay may tumawag sa phone ni daddy kaya he excused himself first.

"Do not find someone na kung sino sino lang." Seryoso na sabi ni kuya kaya tumawa ako.

"I know kuya. Dapat maabot nya muna standard ko noh." Sagot ko agad sakanya.

"Let's see tomorrow." Nakangising sabi nya sakin kaya inilingan ko lang sya.

Nakipagkita ako kila Lian at Cassy sa isang kainan na hindi naman masyadong mamahalin.

"Namiss ko kayo!" Nakangiti kong sabi sakanila at niyakap sila.

"Kamusta ang pag babaguio?" Sabi ni Lian.

Kinwento ko sakanila ang nangyari simula una hanggang sa dulo.

"Ang galing mo talaga kaya proud ako palagi sayo." Nakangiting sabi ni Cassy.

"Proud nanay ka na ba nyan." Natatawa kong sabi sakanya.

"Siraulo kang bata ka." Sagot sakin ni Cassy.

"Pag ikaw naging sikat na modelo. Wag mo kaming kakalimutan ah." Sabi naman ni Lian.

"Baka maiyak ka na nyan." Pambabara ko sakanya at akmang babatukan ako kaya tumayo na ako.

Nagkwentuhan kami hanggang sa dumating ang order namin.

"Ano palang balita sa mga pinapagawang trabaho? Wala pa akong nakukuhang bago." Tanong ko sakanila.

"Ako meron ako pero mga nagbebenta lang ng mga drugs." Bored na sabi ni Cassy.

"Ako naman pagbantaan ko daw yung mga nagsscam kasi may nakuha atang 200 thousand" Sabi naman ni Lian

"Bat ako wala." Sabi ko at nilagay ko ang kamay ko sa baba.

"Ay natandaan mo yung batang nabaril mo?" Mahinang sabi ni Cassy kaya napakunot ang noo ko

"What about it?" Tanong ko.

"Kasi pumunta ako ng hospital tas nakita ko lumabas sya sa kwarto nya." Pagkwekwento nya.

"Diba matagal na yun? Dapat ay nakalabas na sya?" Sabi ko sakanya

"Oo nga. Baka naman may binibisita lang." Sabi ni Lian at tumango ako.

"Ewan ko pero importante naman ay okay sya. Matatanggal na ang konsensya natin." Sabi ni Cassy.

Ewan ko pero di ko pa rin nakakalimutan yun kahit matagal na.

"Bukas pala anniversary ng parents ko." Panimula ko sakanila.

"Tapos?" Sabi ni Lian.

"Wala akong kadate" Problemado kong sabi at natawa silang pareho

"Girl, hindi problema sayo yan." Sabi ni Cassy sakin.

See pati sya naniniwala na hindi ako mawawalan ng kadate.

"Tama naman so much." Gatong naman ni Lian kaya ngumisi sila sakin.

"Okay. The guy who will walk in that door. I will ask him to be my date." Malakas loob kong sabi sakanila.

" This will be exciting." Sabi naman ni Cassy at nilagay pa ang kamay sa ilalim ng baba nya.

"What if hindi naman pasok sa standard ko?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

"Bawal na bawiin sinabi mo na. Let's see." Nakangising sabi ni Cassy.

Tahimik kaming naghihintay ng papasok at ilang beses na kami lumingo pero wala pa rin. Puro mga may kasama.

"Siguro hindi talaga para sakin ang magkadate bukas. What do you think?" Sabi ko sakanila at di nila ako pinansin.

"Tingin ka sa pinto." Nakatulalang sabi ni Lian kaya lumingon nga ako.

Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Archer na naglalakad. Wearing his uniform that makes him look respectable and freaking handsome.

"O to the M to the G. Lieutenant Payton Archer Silverio will be your partner?! Oh shocks he is overqualified in your standard. Sobrang swerte mo naman." Mabilis na talak ni Lian.

Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon