Kabanata 44

67 1 0
                                    

Tumayo naman sya agad at niyakap ako ng mahigpit at narinig ko ang mahinang hikbi nya.

"Hoy bat ka umiiyak" Natatawa kong sabi at niyakap ko din sya

"I am so happy" Mahina nyang sabi at tinago nya ang ulo nya sa leeg ko

Maya maya ay nagulat ako ng bumukas lahat ng ilaw

"CONGRATULATION!"

Tumingin ako sa paligid at kumpleto sila si mommy, daddy, kuya. Nandito rin sila Lian, Cassy, Queneth, Lauviah, Alaiza.

"How?" Di ako makapaniwala na sabi kay Archer

"Connections. Go to your family now. Puntahan ko lang sila mommy" Sabi nya at pinakawalan na agad ako

Lumapit naman agad ako kila mommy at niyakap nila ako.

"Congrats sa baby girl namin" Sabi ni mommy

"Di na baby girl yan mag aasawa na yan" Pang aasar sakin ni kuya at sinamaan sya ng tingin

"Baby pa rin kita" Sabi ni daddy at niyakap nya ako

"Parang ewan naman tong mga to di naman ako mawawala" Natatawang sabi ko

Lumapit naman ako kila Lian, Cassy, Lauviah, Queneth at Alaiza.

"Congratss accla" Sabi sakin ni Lauviah

"Congrats. Invited kami sa kasal mo" Paladesisyon na sabi ni Cassy

Nagkwentuhan lang kami sandali ng lumapit sakin si Archer.

"I will just borrow Galaxy" Sabi ni Archer

"Sayong sayo na" Sagot maman ni Alaiza sakanya

Pinuntahan namin ang parents nya at kinakabahan ako kasi first time ko lang.

"Good morning ma'am and sir" Bati ko sakanila at nanlaki ang mata ng mommy nya

"Is this Galaxy Andromeda?" Di makapaniwalang sabi ng nanay nya

"Opo" Magalang kong sagot

"Oh hon, she is the one I told you" Sabi nya at kinalabit pa nya ang asawa nya

"She is your fan" Sabi ng asawa nya

"Just call us tita and tito but if you want dad and mom. I don't mind at all" Nakangiti nyang sabi at hinawakan nya ang kamay ko

"Yes po mom" Dahan dahan kong sabi

"Lucky man huh. Inuto ka ba nitong anak ko?" Sabi ni mommy

"Opo" Pag aagree ko sakanya

"Pauso ka. Ikaw nga nanligaw sakin dati. Crush na crush mo nga ako" Mahangin na sabi ni Archer at inakbayan sya ni daddy

"Manang mana ka sakin talaga. Pareho tayong pogi" Sabi ni daddy at inirapan namin sila kasi ngumisi pa si Archer

Nagpaalam na kami sakanila ng malalim na ang gabi at nagpicture muna kami ni Archer para pang IG ko mamaya. 

Umuwi na rin sila mommy at ang parents ni Archer kasama ang mga kaibigan ko pagkatapos mag picture dahil may mga pasok sila at ayaw nilang mamiss ang happening sa life ko.

"I love you" Sabi ko sakanya and he smiled at me

"I love you always" Sagot nya naman sakin and he kissed my forehead

Hinatid nya kasi ako sa condo ko inaaya ko nga na dito nalang matulog pero wala daw syang gamit kaya reasonabla naman. Pagkapasok ko ay nagpalit na agad ako ng damit tsaka humiga.

@yourgalaxy: I said yes ❤️

Nilagay ko ang mga pictures namin kanina and sabog agad ang notification ko wala pang 5 minutes.

Me:
You are making me happy everyday. I love you. Goodnight.

Love:
I love you too. Goodnight. Sleepwell. Dream of me my love.

Pagkagising ko kinabukasan ay nakangiti na agad ako. Tinignan ko agad ang kamay ko at kuminang na agad ang singsing ko.

Natigil ang pagtingin ko sa singsing dahil sa biglang pagtunong ng cellphone ko.

"Congrats sa alaga kong makulit" Masayang bati ni ate Monica

"Bat wala ka kagabi?" Sabi ko sakanya

"May family dinner kasi kami kahapon kaya di na ko nakahabol pa" Pag eexpain nya sakin

"Reason accepted" Sagot ko sakanya

Maya maya naman ay tumawag sakin si Archer na pupunta sya dito kaya nag ayos ako agad.

"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ko sakanya and he kissed my lips

"I'll file my leave today. Gusto kitang kasama ngayon" Sabi nya sakin

Kumain ka ng breakfast ng sabay and I washed the dishes. Gusto nga nya sya pero hindi ako nagpatalo sakanya.

"What do you want to watch?" Tanong nya sakin habang nakaupo sa upuan

"Hmm.. Purple Heart nalang palagi ko kasi yan nakikita sa social media" Suggest ko sakanya

"As you wish" Sabi nya and ayon nga ang pinanood namin

While we are watching ay naka unan ako sa dibdib nya. Ang ganda nung story kasi hindi sila yung nag ii love you to express their feelings to each other kundi pinaparamdam nila sa isa't isa by caring.

"The movie is good" Comment ni Archer and I agreed with him

Umalis kami ng bandang 12pm para mag dinner sya na din ang pumili kung saan. Pagkatapos namin kumain ay may pinuntahan pa kami

"Tara na dito na tayo" Pag aaya nya sakin habang binubuksan nya ang pinto para sakin

"Anong ginagawa natin dito?" Sabi ko at puro bahay ang nasa harap namin

Ano to date sa kalsada? Kasi may bahay lang akong nakita sa may harap namin. Baka fresh air gusto ni Archer. Pinuntahan namin ang bahay na tinititigan ko kanina pa.

"Hoy anong gagawin natin dito? Baka mahuli tayo" Sabi ko sakanya

"Anong tawag mo sakin?" Ngisi nyang sabi

Nakalimutan ko atang Lieutenant Colonel ang kasama ko ngayon. Pagkapasok namin sa bahay ay namangha ako sa laki. Automatic naman na gusto kong ipaayos ang bahay.

"What do you think about this house?" Tanong nya agad sakin

"Maganda siguro kasya na dito isang buong barangay" Natatawa kong sabi sakanya

"1 master bedroom, 5 rooms, 3 maid's room, theater room, gym room, library room, office room, garden and syempre swimming pool" Detailed nyang sabi sakin at nanlaki ang mata ko

Napakalaki naman ng bahay na to. Magkano kaya ang bayad dito. I bet millions kasi may mga gamit na.

"This is huge. Grabe ang yaman ng bumili ng bahay na to" Nagulat kong sabi sakanya

"This is our home" Sabi nya at nanlaki ang mata ko

"Ang mahal nito. Okay na ko sa medyo mas maliit ng konti dito" Suggest ko sakanya at hinawakan nya ang pisngi ko

"Mas mahal naman kita" Sagot nya sakin at namula ang pisngi ko

Nakatitig lang ako sa mata nya na parang nilulunod nya ako.

"After our wedding, we will build our family here. This house will be filled Memories that we will cherish forever with our future children. You deserve everything in this world that can give. I love you my star" Nakangiti nyang sabi sakin at feeling ko sasabog na ang puso ko sa sobrang saya

Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon