Kabanata 38

41 2 0
                                    

Pagkatapos ko rumampa sa stage ay pinabalik na agad ako sa likod dahil maraming gustong lumapit sakin. Maaari ko naman itong paunlakan kaso hindi pa tapos ang program.

"Grabe ka na Galaxy. Sobrang sikat mo na. Baka gusto mo na magkaroon ng lovelife" Pang aasar sakin ng manager ko

"Dadating din tayo dyan" Sagot ko naman agad sakanya

Hindi ko kasama ngayon si France kasi nasa ibang bansa sya kung ako ay hindi ko muna tinanggap ang offer sya naman ay agad agad nya itong tinanggap.

"Pupunta pala tayo ng Manila bukas kasi isa ka sa mga rarampa ng mga damit na ginawa nila" Pag iinform nya sakin

"Sakto naman pala kasi pinapauwi na rin ako ng pamilya ko" Masaya kong sabi sakanya

Sa loob ng tatlong taon ay tatlong beses palang ako nakakauwi samin dahil tinutupad ko talaga ang pangarap ko para sa sarili ko.

"O siya, dyan ka muna. Aayusin ko muna yung kga gamit mo para mamaya makaalis na agad tayo" Sabi nya tsaka sya tumayo

Habang nakaupo ako ay binuksan ko ang instagram account ko buti nga ay nabalik ko pa ito dahil marami akong memories dito. Nakaprivate tong account ko na to pero may ginawa rin ako para sa public.

"Miss Galaxy, magpapapicture daw po sayo" Sabi nung isang nagbabantay sakin sa gilid habang naglalakad kami palabas

"Sure" Walang alinlangan kong sabi

Patigil tigil kami habang naglalakad pero nang malapit na sa sasakyan ay hinarang na nila para hindi ako mahirapan sumakay.

"Grabe talaga mga fans mo Galaxy" Natatawang sabi ng manager ko at ngumisi lang ako

I scroll my social media account and stalked Archer. May mga iilang picture syang inupload pero madalas ay puro places lang. Maya maya ay tumawag sakin si mommy.

"Hello" Sagot ko sa tawag

"Kailan ka uuwi dito Galaxy Andromeda?" Tanong sakin ni mommy

"Bukas po nandyan na ko" Magalang kong sabi sakanya

"That's great. Magpapawelcome party ako" Masaya nyang sabi

"Mom" Saway ko sakanya

"Promise mga kaclose lang natin yung mga iimbitahin ko" Sabi nya sakin at bumuntong hininga nalang ako

Syempre ang nanay ko hindi magpapatalo yan lahat gagawin para mapapayag kami.

"Okay po. Fine" Sagot ko sakanya

"Ingat ka. I love you" Paalam nya sakin

"Love you my" Sabi ko tsaka binaba ang tawag sakanya

Dumiretso na kami sa bahay na tinutuluyan ko. Actually balak ko ngang magpatayo dito ng bahay sa tagaytay kasi peaceful yung paligid.

"Magpahinga ka na. Mamayang gabi pa naman ang susunod na schedule mo" Sabi nung manager ko

"Kayo din po. Pahinga na muna" Sagot ko at pumunta sa kwarto ko

Agad agad akong nagpalit ng damit tsaka humiga. Naramdaman ko agad ang ginhawa sa katawan ko. Maya maya ay di ko napansin na nakatulog na pala ako. Narinig ko na parang may kumakatok kaya tumayo ako tsaka ko ito binuksan.

"Get ready na" Sabi sakin tsaka ako tumayo

Nagsuot ako ng isang puff sleeve dress na medyo hapit sa katawan ko at tinernuhan ko ito ng 2 inch na heels. Pagkarating namin sa photoshoot ay lahat ng tao nakatingin sakin.

"Paki ayusan na si Galaxy. Sunod na sya dito" Sabi nung photographer

"This way ma'am" Sabi nung isang staff kaya agad agad akong sumunod

Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon