Pagkarating ko sa office ay late na ko kaya patakbo akong pumunta sa floor ko at sobrang haggard ko na. Kaya padabog ako na umupo sa upuan ko at huminga ng malalim
" Late ka na." Bungad na sabi sakin ni Maureen.
"I am sorry. May peste kasi akong nakita kanina." Matigas kong sabi.
"Is the peste is he?" Mapang asar na sabi ni Queneth.
"Shut up." Mataray kong sabi sakanya.
"Chika minute ang mga ferson today." Pagpaparinig samin ng isang katrabaho namin.
Napabalik kami lahat sa kanya kanyang ginagawa kaya nagfocus na rin ako. Maya maya ay biglang tumahimik ang paligid kaya napakunot ang noo ko.
"Meeting in fifteen minute." Sabi ng manager namin tsaka sya umalis.
"Ano kayang meron sa meeting?" Tanong ni Queneth.
"Oo nga atsaka sobrang seryoso naman nya. Ang skeri." Sagot naman ni Lauviah.
"Pumunta nalang tayo." Pag aaya ni Maureen.
Nagulat ako pagkarating ko dun ay maraming tao kaya napakunot ako ng noo. Parang party lang. ang daming people.
"The CEO want to thank of all you for being part of the company but sad to say kailangan magbawas ng empleyado." Sabi nya kaya nanlaki mata ko.
I mean kahit may kaya kami ay gusto ko pa rin magtrabaho para sa sarili ko. Sobrang magastos pa naman akong tao.
"But why it is so sudden? Because I just close a deal and this." I interupt at napatingin sakin ang mga kasamahan ko.
"Because the other branches of this company needs a space for the employees." Seryoso nyang sabi at napabuntong hininga nalang ako.
"But don't worry every employee who will be fired will be getting a 100k cash." Pampagaan loob nya samin kaya napatango ako.
Pwede na rin pala. It is not bad. Actually I am not a certified office girl because I finished a degree with fashion designer but I chose being in an office for experience.
"I'll quit." Sabi ko at napatingin sakanila.
"Are you serious?" Tanong ni Maureen sakin.
"Sayang yung 100k." Bulong ko.
"You can claim the money after this meeting." Sabi nya sakin at tumango.
"Now, I will announce the name who will say goodbye." Sabi nya at ramdam ko ang tensyon.
More than 10 at ang isang kong kaibigan ay natanggal si Queneth kaya mukha syang zombie nung lumabas.
"Paano na ako nito?" Sabi nya at binagsak nya ang kanang balikat.
Lumayas na kasi siya sa bahay nila kasi pinipilit sya ipakasal sa di naman nya mahal ewan ko ba bat kailangan ng arranged marriage
"Malaki naman yung pera atsaka makakahanap pa tayo nyan." Pag chicheer up ko sakanya.
Nakuha na namin ang pera kaya pagkatapos ng lunch namin ay makakaalis na kami agad at masaya ako dahil ang dalawang kaibigan ko ay mananatili dito.
"Ingat kayong dalawa atsaka magparamdam pa rin kayo samin." Nakangusong sabi ni Lav.
"Oo nga baka ighost nyo kami. Sasakalin ko kayong dalawa." Sabi naman ni Reen kaya natawa kami pareho.
Nang matapos ang lunch ay sabay kaming nag ayos ng gamit tsaka lumabas at parehong nagbuntong hininga.
"Just beep me if you need anything." Sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay nya.
"Ikaw din." Nakangiti sya tsaka nya ako niyakap.
Dumiretso ako sa bahay at as usual walang tao sa bahay kasi nasa company pa sila daddy. They encourage me to work with them but I don't want to be treat special.
"Ang aga mo ata." Sabi sakin ni manang at ngumiti.
"Aalis din po ako. May kukunin lang po si kwarto ko." Sabi ko.
"Nag tanghalian ka na ba?" Tanong nya sakin.
"Tapos na po." Sagot ko at pinakawalan naman nya agad ako.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay nilapag ko sa gilid yung gamit tsaka tinignan ang mga sketches ko ng mga damit. Buti nalang ay ayon ang palagi kong pinagkakaabalahan kapag wala akong ginagawa.
Lumabas ako ng bahay tsaka pinuntahan yung isang company na gusto ko talaga pasukan na pagiging fashion designer. Hindi ko agad ito sinubukan pagkagraduate kasi feeling ko ay di pa ako masyadong magaling.
"Good afternoon ma'am. What can I do for you?" Magalang na sabi ng babae sakin.
"I just want to ask if they are accepting new applicants for fashion designer." Magalang kong sabi sakanya.
"Yes po. This way." Sabi nya sakin at inassit nya ako.
Dinala nya ako sa isang room na maraming nakaupo. I think this is my lucky day.
"Can you take a seat nalang po tas hintayin nalang." Sabi nya at ngumiti ako.
Konti nalang naman yung nag aapply ang tantsa ko ay kanina pa nagsimula. Mag alas tres na nung natawag ang pangalan ko
"Why did you apply in this company?" Tanong sakin nung isa.
"Since I was young, I always admiring this company for having a good quality of work and beautiful and magical ideas." Sagot ko sakanya.
"What makes you different from other applicants?" Tanong nung isa.
"I am ready to learn and improve my works. You can relay on me always." Confident kong sabi sakanya at ngumiti.
"You have a great work in your portfolio." Puri ng isang nag iinterview sakin at patago akong ngumiti sakanila.
"Thank you po!" Nakangiti kong sabi at yumuko.
"Thank you for being interesting in our company. Wait for the text or call if you are hired." Sabi sakin nung isa at di na natanggal ang ngiti ko.
Pagkalabas ko ay mga nasa alas kwatro na at medyo madilim na ang kaulapan. Maglalakad na sana ako para makahanap ng masasakyan pero may huminto sa harap ko na sasakyan.
"Hop in." Pag aaya nya sakin.
"Are you stalking me?" Tanong ko sakanya ata ngumisi sya.
"What if I am?" Balik nyang tanong sakin.
"Ang creepy mo sumbong kita kay Kuya." Pagbabanta ko sakanya.
"Of course I am not. Nasaktuhan lang talaga na dito din ang daan ko kaya sumakay ka na." Sagot nya sakin at wala na akong nagawa.
Pagkasakay ko ay naamoy ko ang pabango nya na bumabalot sa buong sasakyan nya.
"Where to go?" Tanong nya.
"In the park near our house. Do you know that?" Sabi ko at tumingin sakanya.
"Of course." Confident nyang sabi sakin.
Pagkalabas namin ay humanap na agad ako ng upuan at tumingin sa langit. I want to watch the sunset.
"Do you love sunset?" Mahinang tanong nya.
"How did you know?" Di makapaniwalang sabi ko.
"Because many girls love them that's why." Sagot nya at nag kibit balikat nalang ako.
Pagkatapos nun ay pareho na kaming tahimik walang nagsasalita na parang nagpapakiramdaman lang.
"What is your wish?" Random na tanong nya sakin.
"Hmmm.. Sana makapasok ako sa dream na company ko kasi gusto ko talaga maging fashion designer at maging sikat. Ikaw?" Tanong ko sakanya at tumingin sa side nya.
"Sana matupad yung pangarap mo." Mahina nyang sabi at parang may naglaro na paru paro sa tyan ko.
BINABASA MO ANG
Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)
Teen FictionScars of Pain Series #4 Galaxy Andromeda Chavez can be described as "perfect" but not your typical girl. She is dangerous. No one dare to mess up with her. She can be a right hand of a demon. Payton Archer Silverio came into the picture and to her...