"Grabe yung tinginan nyong dalawa parang iba na yan ah" Pag singit ni kuya kaya napaiwas ako ng tingin
"Galaxy, kanina pa kita hinahanap" Sulpot na sabi ni mommy kaya nilingon ko sya
Thank you mommy you saved me.
"Uhmm.. Sinundo ko lang po si kuya sa gate natin" Sabi ko at pumunta na sakanya
"Tara na. Papakilala kita sa mga family friend natin" Aya nya sakin kaya napatangay na ko sakanya
May pinuntahan kami na isang grupo ng mga kalalakihan. Napabaling ang tingin nila sakin kaya nginitian ko sila.
"You're here" Nakangiting sabi ng ginang
"Galaxy Andromeda Chavez madam" Nakangiti kong bati sakanya
"Oh I know you. Imposible naman na di ka nila kilala. You are one of the famous model" Ligalig na sabi ng ginang
"Calm down hon. Sorry for that. Fan kasi sya ng asawa ko kaya ganyan" Natatawang sabi ng asawa nya kaya di ko rin maiwasan na matawa
Marami pa kaming binati at sumasakit na rin ang panga ko sa kakangiti sa mga nandito. Well okay lang naman kasi nag eenjoy ako.
Nang medyo malalim na ang gabi ay nag uwian na ang mga bisita pero si kuya ay nagdala ng mga katrabaho nya kala ata nya party nya to.
"This is my sister and here are my co worker and friends" Pagpapakilala nya at naglahad naman sila ng kamay
Nakatingin lang sakin si Archer at paminsan minsan ay sa shotglass nya. Mga 12am na nung napag desisyunan nila na umuwi na. Buti nalang ay hindi sila masyadong uminom.
"Parang kayong ewan ni Archer nagtitigan lang kayo kung mag balikan na kaya kayo" Lasing na sabi ni kuya
"Iba na kasi ngayon. Malay mo may girlfriend na pala yung tao diba" Sagot ko sakanya at tumawa sya
"Ayon magkakagirlfriend? Hindi nga lumalapit sa kahit sinong babae yan para may allergy na kapag may lumalapit maliban nalang kung may kakausapin sa trabaho" Pag eexplain nya sakin
"What are you saying all of that to me?" Tanong ko sakanya
"Simple lang kasi deserve nyo ang isa't isa" Sabi nya at bigla syang nakatulog
Habang nasa kwarto ay nakatulala lang ako iniisip ang sinasabi nya. 3 years of proving myself to everyone kasi nakikita ako ng mga tao bilang "galing kulungan yan" o kaya "nakakasira lang yan ng pangalan ng pamilya nya".
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero nagising nalang ako ng may malakas na sinag ng araw.
"Okay ka lang?" Tanong ni mommy habang pinagsisilbihan ako
"Opo naman. Bat naman ako di magiging okay?" Pretend kong sabi at sumubo ng pagkain
"Ewan. Baka pagkatapos nyo mag meet ni special someone" Makahulugang sabi sakin ni mommy at ngumisi
"Pati ba naman ikaw?" Sabi ko sakanya at tinaas nya ang dalawang kamay nya
"Okay. Okay. I give up. Samahan ko nalang daddy mo sa company" Sagot nya at tumango ako
"Mabuti naman sige na. Tsupi ka na my" Natatawang kong sabi sakanya
"Aba ang sarili kong anak. Tinatakwil na agad ako" Pagdradrama nya kaya inirapan ko na sya
"Bye mom" Pagpapaalam ko agad sakanya at sinamaan ako ng tingin
Tinignan ko si kuya sa kwarto pero wala na sya siguro pumasok na kaya dahil bored ako nagluto nalang ako ng ulam syempre yung favorite ko tas dalhan ko nalang si kuya.
Nang pumatak ng alas dose ay nag ayos na agad ako. Simpleng t shirt nalang at pants ang sinuot ko. Kumuha rin ako ng shades, cup and facemask para sure na walang makakilala sakin.
"Good afternoon ma'am" Sabi nung nagbabantay sa harap ng presinto
"Uhmm. Nandyan ba si Chester Chavez?" Mahinahong sabi ko
"Nandyan po. Iguide ko nalang kayo kung saan buti nalang ay sakto ang dating mo walang bisita" Sabi nung isang kasamahan nya
Hindi ko alam kung namumukaan nya ako or something. Pagkapasok ko ay nilapag ko agad ang pagkain. Actually di pa rin ako kumakain kasi naghahanap ako kasabay.
"Kain na tayo" Sabi ko at tinitigan nya ako
"Miss kung isa ka sa mga babae ko bat kailangan mo mag mask, shades at cup?" Inis nyang sabi at binatukan ko sya
Inalis ko na ang suot ko tsaka sya tinitigan.
"Kadiri ka naman kuya. Ilan ba ang lahat ng babae mo?" Tanong ko sakanya
"Bat ka kasi naka ganyan?" Balik nyang tanong sakin
"Duh syempre baka may makilala sakin" Maarte kong sabi
"Bakit ka nagdala ng pagkain?" Tanong nya ulit and I start to get irritate
"Kasi nga wala akong kasabay kumain sa house. Daming questions" Sabi ko at naghanda nalang tsaka unang kumain
Kumain na rin sya habang nagkwekwentuhan kaso makalipas ang thirty minutes ay kailangan na nyang umalis.
"Hatid na muna kita" Sabi ni kuya
"Hindi na kaya ko na" Sagot ko at naglagay ng shades, hat at mask
Pag alis nya naman ay inayos ko na ang gamit at sa kamalas malasan ay may nabunggo pa ako. Si malanding Frances pala kapangalan pa nya si France.
"Sorry hindi mo kasi tinitignan ang dinadaanan mo" Masungit nyang sabi
"Nag sorry nga pero nanisi pa" Sabi ko sakanya
"Oh ikaw yung ex ni Archer diba? Deserve nyong maghiwalay" Nakangisi nyang sabi
"Paano mo nalaman?" Tanong nya sakin
"Tanga syempre nakita kita sa opisina ni Chester" Irap nyang sabi sakin
"Wala na akong pake sa opinyon mo kasi kayang kaya kita ipaalis sa trabaho mo ngayon" Galit kong sabi sakanya
"Kala mo matatakot mo ko? Atleast ako na ang pinili ni Archer kesa naman sayo iniwan mo lang ng dahil sa wala kasi makasarili ka" Tawa nyang sabi at kinuyom ko ang kamao ko
"Wala kang alam kaya manahimik ka nalang" Malamig kong sabi
"I know everything my dear, Alam ko kung paano naghirap si Archer para malaman nya kung sino nag set up sainyo kasi naniniwala sya na di mo magagawa yun. Alam ko kung paano muntik na mawala sa posisyon na pinaghirapan nya dahil gusto nya makalaya ka. Alam ko lahat ng pinaghirapan nya. Ang selfish mo masyado. Sa sarili mo lang ikaw nakafocus. Kaya walang nagtatagal sayo" Galit nyang sabi sakin at napa yukom amg kamao ako
Ano ba talaga ni Archer si Frances? Girlfriend? Ano pa bang aasahan ko.
"Hindi lang naman sya yung naghirap. Ako din naman. Araw araw pinaparamdam sakin na malas ako sa buhay nya. Araw araw pinapaalala sakin na kahihiyan ako sa pamilya ko. Araw araw ko nararamdaman na may kailangan ako pagbayaran kaya wag kang mag salita dyan na parang madali lang lahat para sakin. Kaya wala kang karapatan na sabihin sakin na selfish ako" Pumiyok kong sabi at tinalikuran na sya
Nang palabas na ko ay nakasalubong ko si Archer at nagulat sya. Pasimple kong pinawi ang luha ko tsaka sya nilagpasan.
No one should invalidate my feelings and struggles.
BINABASA MO ANG
Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)
Novela JuvenilScars of Pain Series #4 Galaxy Andromeda Chavez can be described as "perfect" but not your typical girl. She is dangerous. No one dare to mess up with her. She can be a right hand of a demon. Payton Archer Silverio came into the picture and to her...