Kabanata 11

84 2 0
                                    

Pagkatapos nyang sabihin yun ay walang naglakas loob na magsalita samin kaya tumingin nalang ako sa langit at ang payapa.

"Wala ka bang gagawin ngayon? Pwede mo naman na akong iwan dito." Mahina kong sabi sakanya.

"No. It's okay. Tapos na rin naman yung shift ko and wala masyadong ginagawa." Sabi nya sakin kaya tumango nalang ako sakanya.

We continue watching what is in front of us merong mga batang naglalaro kaya medyo di ako nabobored.

"Kamusta ang pagiging lieutenant mo?" Tanong ko sakanya.

"It is hard of course because you have a big responsible pero kaya naman kapag nasanay na talaga." Pagkwekwento nya at tumango ako.

"Buti hindi against parents mo dyan since may sarili naman kayong company." Sagot ko sakanya.

"No. They support me kung ano talaga gusto ko sa buhay." Mabilis nyang sabi sakin.

Magsasalita pa sana ulit ako kaso biglang nag ring ang phone ko at tinignan kung sinong tumawag. Di ko alam bat ako kinakabahan hindi naman to yung first time na tumawag o dahil nandito si Archer sa tabi ko.

"Sagutin ko lang yung tawag." Pagpapaalam ko sakanya.

"Go ahead." Pagbibigay nya ng permission sakin.

Dali dali akong tumayo at medyo lumayo yung tama lang para hindi nya marinig ang pag uusapan namin.

"Boss." Bungad na sabi ko sakanya.

"Come here. Now." Malamig nyang sabi at binaba na nya agad yung tawag.

Di naman bago sakin yung ganon nya kasi alam kong may papagawa lang sya and matagal tagal na rin yung huli kong ginawa dun.

"Archer, sorry pero kailangan ko ng umalis." Sabi ko sakanya at tumingin sakin.

"It's okay. Saan ka ba? Hahatid kita?" Tanong nya sakin.

"Hindi na kaya ko naman. Atsaka padilim na baka gabihin ka sa daan." Pag aalala kong sabi sakanya at bumuntong hininga sya.

Wala na rin naman syang nagawa kasi hindi ko sya titigilan na ipilit na ihatid ako kung sakali. Nung nakita ko na umalis na sya ay tsaka ko naisipan na pumunta na sa hide out. Sinalubong ako nila Lian.

"Anong meron?" Tanong ko sa dalawa.

"Ewan ko nga rin. Nakikipag date pa naman ako." Nakangusong sabi ni Lian.

"Ay wow landi landi naman nyan. Dalaga na." Pang aasar ni Cassey sakanya at ngumisi ako.

"Mana mana lang yan." Sabi nya at kumindat sya samin.

Pagdating ni boss ay agad agad syang umupo kaya sinundan namin sya gamit ang mata. May tinapon syang mga pictures sa harap namin at tinignan namin yun isa isa.

"Meron sa isang club na nagbebenta ng mga drugs at pasimple itong nilalagay sa mga drinks ng mga tao kaya gusto ko patayin nyo pero wag kayong mag iiwan ng mga bakas." Sabi nya.

Hindi kami gumagawa ng masama dito pero tumutulong kami sa mga police para mapadali ang trabaho nila pero napakupad nila kaya kumikilos na kami. Pagkatapos namin mag plano ay pumunta kami sa club.

Maraming tao at medyo mausok pero hindi na bago sakin to kasi ganito naman talaga dito.

"Ready na?" Mahina kong sabi at tumango naman agad sila.

Nakita ko ang isang lalaki na lumilingon lingon kaya ayon ang pinanood ko dahil nakakapanghinala ang kanyang mga galaw. Lumapit naman ako ng konti para mapatunayan na isa talaga sya kay tumayo ako at dahan dahan lumapit sakanya

"Hoy babae anong gagawin mo?" Tanong ni Cassey at nginitian ko lang sya.

"Watch and learn." Sabi ko at nag flip hair pa.

Umupo ako sa tabi ng lalaki at ngumiti sya sakin. Ang gago naman nya.

"Hi." Mahina kong sabi sakanya at tinukod ko pa ang kamay ko.

"Hi, pretty lady." Nakangiti nyang sabi.

I want to puke na agad.

"I want a drink." Sabi ko sakanya.

"Oh, you can have mine." Sagot nya at nilapit nya sakin ang baso nya.

"You drink first muna." Malandi kong sabi at sumeryoso and itsura nya.

"No. It's okay ikaw nalang." Agad agad nyang sabi at sarcastic syang ngumiti.

"Sige na ikaw na mauna. I'll watch you." Kindat kong sabi.

Wala naman syang choice at dahan dahan nyang inangat ang baso kaya sumeryoso lang ako nang malapit na nya mainom ay may biglang nalaglag sa bulsa nya. Pareho kaming nakatingin dito kaya nang kukuhanin na nya ay inunahan ko na sya.

Gotcha. Drugs pa more.

"Bye I'll go now." Sabi ko at ngumisi.

Umalis na ko ng hindi hinintay ang sasabihin nya nung nasigurado ko na nakatalikod sya sakin ay pinaputukan ko sya ng baril sa bandang tuhod nya. Maraming nagsigawan kaya ayon na yung ginawa naming cue para hulihin sila.

Nagsimula na kami at nahahalata naman namin kung sino pa yung mga kasabwat kaya dali dali namin hinuli para hindi na makawala

"Sige tumakbo pa kayo gusto nyo ba sa kalsada magkalat ang dugo nyo." Pananakot ko sakanila pero makulit talaga.

Sinenyasan ko ang kasama ko na kunin at ipagtabi tabi sila.

"Ang galing mo naman, Galaxy Andromeda." Sagot ni Lian sakin at nag slow clap.

"Ako pa ba." Sagot ko sakanila.

Pinatay ng mga kasama ko isa isa ang mga perwisyo dito sa bar kasi ayoko madumihan kamay ko para lang sakanila at sila na rin naglinis ng kalat. Dali dali rin kami umalis kasi baka magkasalubong kami ng mga police at malilintikan kami.

"Bye guys, ang galing nyo talaga. Wala akong ambag ngayon bawi ako next time." Mahangin kong sabi.

"Ang yabang naman. Umalis ka na dito at baka di kita matantsa." Pabirong sabi ng isa kong kasama at natawa ako.

Sabay sabay silang aalis at ako naman ay maglalakad kasi medyo malapit na rin naman ang bahay namin para na din ma exercise ako. Parang late night walk with myself. Pagdating ko sa bahay ay nakabukas ang tv at kumpleto sila sa sala.

"Ginagawa nyo?" Bungad kong sabi sakanila at nilapitan ako ni kuya tsaka binatukan.

"Saan ka ba galing ha gabi na." Seryoso nyang sabi.

"Ang sakit naman masyado mapanakit. Naglakad lakad lang ako. Chill lang, my family." Biro kong sabi sakanila.

"Next time umuwi ka na ng maaga delikado sa labas wala ka na ngang bodyguard lalagyan ulit kita makita mo." Panankot ni daddy sakin.

"Hindi na po." Magalang kong sabi sakanila.

"Importante nasa bahay na sya wag nyo ng sermonan." Sabi ni mommy at bumuntong hininga.

"Tama tama." Pang gagatong ko.

"O siya tara na." Sabi ny at papatayin na dapat ang television pero hindi natuloy.

"May nangyaring barilan sa loob ng isang bar ngayong gabi at may natagpuang pakete ng drugs."

Nagpakita ng mga footage ng club at nakita lang na nakahandusay ang mga lalaki kasama nung binaril ko sa paa.

"Hindi pa malaman kung sino ang mga bumaril sakanila dahil ayon sa mga pulisya ay kakarating lamang nila at eto na agad ang kanilang naabutan."

"Galaxy?" Sabi ni kuya at nakatingin pa rin sa tv.

Meron sa gilid ng reporter ang nakasuot na katulad ng damit ko at haba ng buhok. Lumakas bigla kabog ng puso ko. Pwede ko naman irason na coincidence lang yun.Tama ganon nga.

Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon