Kabanata 18

62 2 0
                                    

Pagkatapos nyang sabihin yun ay di ko na alam kung anong irereact ko. Hindi ako to kasi ang Galaxy Andromeda ay mananaray o di kaya ay nambabaril lang. Ako ata ang binaril ngayon tagos sa puso. 

"Uhm.. Ano to alikabok." Sabi ni Cassy at napapikit ako. 

"Panira ka kahit kailan." Batok ni Lian kay Cassy. 

"Mapanakit ka masyado." Masamang tingin ang ibinigay ni Cassy kay Lian. 

Tuloy tuloy lang ang bangayan nila at nakakahiya kay Archer. 

"Salamat." Masayang sabi ni Lian ng nakababa na mula sa sasakyan at nagulat ako ng bumaba din si Cassy.

"Hoy hindi dito ang bahay mo." Sabi nya sakin. 

"Sleepover." Maikling sagot nya. 

"Bat ako di kasama?" Tanong ko. 

"Next time ka na. Sige na mag date I mean umalis na kayo." Makahulugan na sabi ni Lian. 

Umalis na kami at tahimik lang ang byahe. Walang nagsasalita at ang tunog lang ng aircon ang naririnig namin kaya tumingin nalang ako sa bintana. Medyo malayo pa ang byahe kaya nagpatugtog nalang ako gamit ang stereo nya. 

"Sorry ginalaw ko." Sabi ko sakanya. 

"No, it's okay."  Sagot naman nya.

Fallin' out, fallin' in
Nothing's sure in this world, no, no
Breakin' out, breakin' in
Never knowin' what lies ahead
We can really never tell it all, no, no, no

Late night drive with peace is my kind of happiness tas favorite song ko pa pinapatugtog.

"You like the song?" Tanong ni Archer sakin. 

"No, I love it." Sagot ko sakanya.

"I also love that song." Sabi nya sakin. 

Say "Goodbye", say "Hello"
To a lover or friend
Sometimes, we never could understand
Why some things begin, then just end
We can really never tell it all, no, no, no

But, oh, can't you see

That no matter what happens, life goes on and on?

And so, oh, baby, just smile
'Cause I'm always around you
And I'll make you see how beautiful life is for you and me

Sumabay ako sa kanta habang tahimik lang syang nakikinig hanggang sa dumating na sa chorus ay kumanta na rin sya.

Take a little time, baby
See the butterflies' colors
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me?
This is such a wonderful place to be

Pagkarating namin sa bahay namin ay hindi muna ako bumaba di ko alam kung bakit parang may gusto akong sabihin pero hindi ko masabi.

"Thank you I had fun in our long drive." Masaya kong sabi. 

"No problem. If you want we can repeat it again." Sabo nya at lumiwanag ang mukha ko. 

"Really?" Tanong ko sakanya.

"Just beep me." Sabi nya at tumango ako. 

Lumabas na ko at nagpaalam sakanya. Pumasok na ko sa kwarto ko at huminga ng malalim. 

"Oh shoot." Sabi ko sa sarili ko. 

Hindi ko pala nakuha number nya. Gawa nalang ako ng alibi kay kuya para makuha ko yung number nya. 

Sa ilang araw ko sa trabaho ay naging busy kami sa paghahanda para sa mangyayari na fashion show tapos naman na yung sa may design dahil magagaling din ang mga kasama ko kaya ang pagtatahi sa kabilang department. Hanggang sa dumating ang araw ng pag alis namin.

"Pumunta na kayo sa designated seats nyo." Sabi samin ng manager namin. 

Umupo na ko at sakto dahil babae rin ang katabi ko.

"Hi!" Nakangiti nyang bati. 

"Hello!" Sabi ko naman. 

"Alaiza." Pakilala nya at nilahad nya ang kamay nya sakin. 

"Galaxy" Sabi ko at inabot ko ang kamay ko. 

"OMG. Ganda ng pangalan mo." Jolly nyang sabi at medyo nailang ako. 

"Thanks!" Sagot ko sakanya.

Marami pa syang kinukwento at tahimik akong nakikinig. Navivibe ko naman na mabait sya madalas naman ay tama ang instinct ko kaya pinabayaan ko nalang. Pagdating namin sa Baguio ay sumalubong samin ang malakas na hangin kaya napangiti ako.

"Pasok na kayo sa hotel. Magkahiwalay ang lalaki at babae. Nagpareserve ako ng 4 na suites sa tingin ko naman ay magkakasya na kayo dun." Sabi ng manager ko at ngumiti sya samin. 

Humawak agad sa braso ko si Alaiza kaya hinayaan ko nalang. Mga 5 ang kasama ko sa kwarto kaya okay lang kasi malaki naman ang suite. 

"Magpahinga na muna kayo o kung gusto nyo ay maglibot libot na muna. Bukas pa naman ang gagawin nating fashion show kaya malaya kayo ngayong araw." Pagpapaalala samin ng manager namin. 

Nagpahinga nalang ako sa natitirang oras para sulit ang hotel minsan lang naman to atsaka ang ganda pa.

"Tara na Galaxy, dinner na daw." Pag aaya ni Alaiza kaya tumango ako. 

Pumunta kami sa isang restaurant at nandun na din sila habang kumakain ay nagpapaalala na samin yung manager namin at kung anong oras ang call time pagkatapos kumain ay umakyat na kami pero yung iba ay umalis pa sila. 

Eto na ang araw ng fashion show at di ko naman expected na marami talagang tao. Kinakabahan rin ako. Di naman ako yung rarampa 

"ANO?"Sigaw ng manager namin. 

"Nag back out yung isang model na rarampa." Sabi nung assitant na chinecheck kung kumpleto ba.

"Kung kailan naman last minute." Napamasahe sya sa kanyang noo. 

Pumasok ako ng back stage na hindi sila pinapansin baka sabihin nag mamarites ako sakanila 

"What if sya nalang gawin natin model? Maganda ang tindig nito pati ang shape ng katawan ay pasok na pasok." Sabi nung kasama ng manager ko at napatingin tuloy ako sakanya. 

Nakatingin sya sakin kaya iaassume ko na ako ang sinasabihan nila. 

"Oo nga bagay sakanya. Sige sya nalang ang pagrarampahin ko." Sabi ng manager ko at nanlaki ang mata ko. 

Ako yung magrarampa. Parang kinilig ako bigla. 

"Okay lang ba sayo?" Tanong sakin.

"Sure why not?" Nakangiti kong sabi. 

Nagsimula na ang fashion show at ang susuotin ko ay one piece na swimsuit na may malaking hole sa dalawang gilid pero okay lang sakin kasi sanay naman ako two piece pa nga minsan suot ko. 

"Welcome to the Baguio Fashion Show!"Sabi ng host kaya maraming nagpapalakpakan. 

Nagsimula na kaya naglabasan isa isa ng mga model at di ko mapigilan na titigan sa sobrang ganda. Maya maya ay biglang tinawag ang pangalan ko para maglakad

"Wearing a stunning light blue one piece swimsuit with a big hole in both side." Pag dedescribe ng host kaya ngumiti ako.

Sa di kalayuan ay may nakita akong pamilyar na lalaki na naka buttoned up shirt at tinupi nya ito hanggang siko at nakatuck in sa jeans nya. Base sa nakikita ko ay matalim at madilim nya akong tinitignan. Di ko alam kung bakit. Sumabay pa na medyo nanginginig paa ko. Damn. 


Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon