Pagkatapos ng scenario na yun ay walang nagsasalita at nagkikibuan samin habang iniikot kami dito ni Avery sa farm nila.
May nakita akong magandang view kaya pumunta ako dun tsaka kinuhanan ang sarili. Maya maya ay nakita ko silang nakatingin sakin kaya napababa agad ako ng phone.
"Ang ganda mo talaga ate." Sabi nya at bigla nyang tinakpan ang bibig nya. "Is it alright to call you ate?"
"Suree no problem, Ave." Nakangiti kong sabi sakanya.
Habang nag iikot kami sa Casa de Luna ay hindi ko talaga mapigilan na mapamangha sa paligid. Ganon lang ang ginawa namin buong araw.
Ang plano ay bukas nalang pag uusapan about dun sa close ng deal pero alam ko namang makukuha ko dahil alam ko ang kakayahan ko. Hindi lang dahil sa may connection sya kay Archer.
"Tito Ninong, Ate. Sagutin ko lang itong call galing kay daddy miss naman ata ako nun." Natatawa nyang sabi kaya natawa rin ako.
"Take your time." I answered her.
Medyo madilim na ang paligid kaya napagdesisyunan ko na umupo sa mga damo at tumingin sa kalangitan. Napaka visible na din naman ng moon kaya ang ganda.
"Galaxy." Tawag sakin ni Archer.
"Hmm?" Sagot ko sakanya.
"The moon is beautiful isn't it?" Seryoso nyang sabi habang nakatingin din sya sa kalangitan.
Did he just told me "I love you"? O nag aassume lang ako kasi diba may pagka assumera pa naman ako minsan.
"I love you too." Mahina kong sabi.
"Huh?" Sabi nya sakin.
"Hatdog." Sagot ko sakanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.
Sakto naman na nagtama ang aming mga mata kaya nakikita ko na ang bughaw nyang mata parang hinahayaan ka nyang makita ang buong pagkatao nya
"Nakaka interrupt ba ako sa pagtititigan nyo?" Tanong ni Avery na nasa likod namin kaya napatalon agad kami.
"Hindi kami nagtititigan. Guni guni mo lang yun." Pag dedefend ko and I heard a chuckle from him.
"Duda na talaga ako sainyo." Sabi nya samin.
"Duda well." Nakangiti kong sabi sakanya.
Nauna na kong tumayo tsaka pumikit. Nagsimula na rin akong maglakad ng palayo sakanila at pumunta nalang sa kainan since napuntahan na rin naman namin to kanina kaya alam ko na.
"Can I have your order ma'am?" Magalang na sabi ng waiter.
"Carbonara, eclair and leche flan." Order ko at saktong dumating si Archer tsaka si Avery.
"Okay lang bang kainin mo yun?" Tanong sakin ni Archer pagkaupo nya sa tabi ko.
"Huh? Bakit naman hindi?" Balik kong tanong sakanya.
"Because I didn't saw you eating that dati." Sagot nya agad sakin.
"Minsan lang naman and cheat day ko na rin. Don't worry." Sabi ko at ngumiti sakanya.
Tumingin nalang ako sa paligid pero bago yun ay nakita ko ang mapang asar na ngiti ni Avery pero di ko nalang pinansin.
"Can I ask a question, ate?" Tanong ni Ate Avery.
"Sure what is it?" Sagot ko sakanya.
"Ikaw yung anak ng may ari ng company?" Sabi nya sakin.
"Yes pero hindi nila alam." Straight to the point kong sabi.
BINABASA MO ANG
Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)
Fiksi RemajaScars of Pain Series #4 Galaxy Andromeda Chavez can be described as "perfect" but not your typical girl. She is dangerous. No one dare to mess up with her. She can be a right hand of a demon. Payton Archer Silverio came into the picture and to her...