Kabanata 15

73 2 0
                                    

"Si Payt yung ano anime oo tama diba?" Balisa kong sabi at siniko ko pa si Maureen.

"Oo tama." Pagsasalo naman nya sakin at tumango si Kuya.

Tumingin ako sa likod nya at nakita si Archer na nakataas ang kilay sakin. Muntikan na talaga yun.

"Bakit pala kayo napadaan dito? I mean gabi na." Pag iiba ko ng topic.

"May nakalimutan kasi akong dalin na case tas di ko pa dala yung kotse ko. Sakto naman dala ni lieutenant tsaka pauwi na rin sya." Sabi nya at tumango nalang ako.

Nakatayo pa rin kami dahil tumigil ang tingin ni Archer sakin at lumapit ng konti buti nalang wala na si kuya.

"Did you drink?" Tanong nya sakin.

"No. Mga juice lang." Sagot ko sakanya at tumango sya.

"Don't drink." Utos nyang sabi at seryoso ko lang syang tinignan.

Palihim akong kinurot ng mahina ni Viah pero di ako nagpatinag. Tama naman sya kasi bukas din ang first day ko sa trabaho and nakakahiya naman kung bad impression agad sa unang araw ko.

"Okay." Mahina kong sabi.

"Pakisabi sa kuya mo sa may gate nyo lang ako." Pagpapaalam nya at tumalikod na sya para umalis.

Humarap na ko sa mga kaibigan kong parang mga tangang nakangiti kaya napangiwi ako.

"Anong mukha yan?" Nakataas kong kilay na sabi.

"I smell something." Masayang sabi ni Lauviah.

"Sya yun noh?" Tanong ni Maureen.

"Desisyon kayo masyado." Sagot ko nalang.

"Indenial ang ferson." Gatong ni Queneth.

"Kumain nalang kayo. Gutom lang yan." Sabi ko at binigyan sila ng pagkain.

Nanahimik naman sila kasi sinasamaan ko sila ng tingin bawat sulyap nila sakin.

"Galaxy, si Archer nasaan?" Tanong ni Kuya habang bumababa sya ng hagdan.

"Nasa gate kuya. Wait ka daw nya dun." Sagot ko naman.

"Sige. Eat well." Sabi nya at lumabas na sya agad.

Nung nakaalis na sya, mga kaibigan ko naman kala mo kung anong nangyari mga nakatulala.

"Grabe ang popogi ng nakikita ko ngayong araw." Sabi ni Viah.

"Heh! Sige na. Mag ayos na tayo. Gabi na rin naman tsaka may pasok pa tayo bukas." Sabi ko sakanila.

"Para lang tayong papasok ng school." Sabi ni Maureen.

"Sa iba ko gusto pumasok." Makahulugang sabi ni Queneth.

"Censored po." Sagot ko naman.

Nag ayos na kami ng living room pagkatapos nun ay nagpaalam na sila. Actually kaya ko sila pinaalis kasi pupunta na ako sa hide out namin para sa initiation ng mga bagong sasali. Hindi madali ang mapasali sa grupo namin kasi kailangan mong indahin lahat ng sakit.

I remember the day nung hindi pa ako nakakajoin dun tas nag aaral palang ako ng college. Maniwala man kayo o hindi pero nung una ay wala akong balak pumasok dito kaso syempre dapat prim and proper lang ang peg.

Nakaupo ako sa may canteen kasi iniintay ko mga kaibigan kong dumating ng may isang babaeng nag approach sakin.

"Kanina pa kita napapansin at nagugustuhan ko yung awra mo. Maungit, takot lapitan fahil sa malamig kong awra kaya alam ko bagay kang sumali sa grupo namin." Mahinahon nyang sabi.

Poison of the Sinner (Scars of Pain Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon