One word frees us of all the weight and pain of the life: that word is love. - Sophocles
Play this song while reading 💗
(One Wish by Tyler Shaw)
------
Time flies so fast at parang kahapon lang noong nag-umpisang manligaw sa akin si Ischyro. Tatlong buwan na kasi ang nakakalipas at hanggang ngayon ay nanliligaw parin siya sa akin. I haven't said yes kasi naghahanap pa ako ng tamang oras tho I think enough na ang ginawa niya para sa akin.
He is really persistent at lagi niya akong hinahatid sundo at dinadalaw sa bahay. Ibang iba siya sa ibang lalaki lalo na kay Harris kaya ngayon ay nakapagdesisyon na talaga ako. Willing na akong magtake ng risk ulit sa isang relationship. Tsaka, there's no other man na okay sa parents ko kung hindi siya lang. Even my other family members like him.
Right now ay nasa garden kami ng school at kaming dalawa lang ang nandito as always. Ginawa na kasi namin itong tambayan dahil bukod sa tahimik ay bihira lang ang mga estudyanteng nagagawi dito. Medyo malayo kasi ito sa mga buildings kaya wala halos pumupunta dito.
I was just busy sketching my project nang tawagin niya ako.
"Naia.."
Sambit niya kaya napatingin naman ako sa kanya but it's a wrong move kasi sobrang lapit lang pala ng mukha niya sakin at kaunti nalang para maghalikan kami.
Namumula naman akong nag-iwas ng tingin bago nagtanong.
"Uh..bakit?" I asked him saka lalayo na sana sa kanya nang bigla niyang ipinulupot ang isang kamay sa bewang ko dahilan para hindi ako makalayo.
Sanay na akong ganito siya kalapit sakin at kung tutuusin ay label nalang talaga ang kulang sa amin ngayon, pero minsan medyo naiilang parin ako ng kaunti.
"I'm jealous." Sambit niya saka isinandal ang ulo sa balikat ko.
Huh? Nagseselos siya? Kanino naman?
"Jealous? Why are you jealous? Kanino?" I asked at parang bata naman siyang napanguso sa akin.
"I saw you and Romani last night. Nag-uusap kayo sa tapat ng bahay niyo tapos niyakap ka pa niya." Sambit niya at hindi ko naman inaasahan yon.
Kaya ba sobrang grumpy niya magmula kaninang umaga kasi nagseselos siya kay Harris?
"How? I mean pumunta ka sa bahay kagabi?"
"Yes and thats what I saw. Pinangunahan ako ng selos kaya umuwi nalang ako imbes na magpakita sayo. Baka kasi ano pang magawa ko don at magalit ka pa sakin." Sambit niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa bewang ko.
"You don't have to be jealous." I told him pero umiling siya.
"Hindi ko kaya Naia atsaka hindi ko maiwasang isipin na baka mahal mo pa siya. Makikipagbalikan ka ba sa kanya? Kaya ba hindi mo pa ko sinasagot kasi siya parin ang laman niyan?" Tanong niya sabay turo sa puso ko.
Hindi naman agad ako nakasagot kasi hindi ko inaasahan na iniisip niya ang mga ito. Did I gave him a hard time? Hindi ko ba naipapakita sa kanya ng husto na gusto ko rin siya?
"I get it..mukhang mahirap siyang palitan sa puso mo. Gusto mo na ba akong umayaw? Sabihin mo lang para makapaghanda ako. Ayoko namang pilitin ka." He said at bahagyang lumayo sa akin.
Napahinga naman ako nang malalim saka nagsalita.
"I'm sorry Ischyro."
"No it's okay Na--" agad niyang sinabi pero pinutol ko siya sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 1 - Puzzle Piece (Rhythm of Hearts) [Completed]✓
Historia Corta♡ Heart Series 1 ♡ A broken heart is somehow the same as a broken puzzle. Hinding hindi mabubuo ang puzzle kung mayroong nasira o nawawalang isang piraso nito. This is a story where two broken persons will be connected and through music, the rhythm...