Pagkatapos nang natanggap kong tawag galing kay Miller ay kinabukasan non ay agad kaming pumunta sa airport ni Naia. At habang papunta kami roon ay sinabi ko sa kanya ang ibinalita din sakin nang pamilya ko. Natuwa siya pagkatapos marinig yon and she's so happy for me and my family.
Moments later nang makuha ang plane ticket ay agad na kaming nagcheck in. Then after few hours ay namalayan ko nalang na nasa New York na kami. Parang napakabilis nang lahat at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nangyayari ito.Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili ko.
Is this really the beginning of our new life? Talaga bang magkakaroon na kami nang magandang buhay? Ang buhay na dapat ay matagal nang nasa amin?
"Welcome back you two." Agad na sambit ni Miller nang makarating kami sa opisina nito kung saan kami inihatid nang sumundo sa amin sa airport.
"Why are we here Kuya Nyx? May alam ka ba sa nangyayari sa kanila?" Pagtatanong ni Naia kay Miller na agad akong naunahan.
"Yes I do Rine and.. I am actually the one who made a move to get back what is rightfully for your family Weise." He answered.
"Why? Bakit mo to ginagawa? May kapalit ba ito?" Hindi ko maiwasang sabihin kasi alam kong tuso ang gagong to.
"Nah..I just did it for my baby and our family. I want her back thats why I am doing this though I didn't expect this thing to reveal your family's real status." Sagot niya na ikinakunot nang noo ko.
"What?? Linawin mo ngang gago ka! Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo!" Inis na sambit ko dahil hindi ko alam kung sinong baby ang tinatawag niya.
"Chill bro! What I mean is, I am the husband of your sister who left me because someone threatened her and your family. Ginawa ko lang ang alam kong paraan para maibalik siya sa akin which I hope will really happen kasi wala nang mapapahamak sa pamilya ninyo."
What the hell!! Pinaglololoko ba ako nang gagong to??
"The f*ck dude! Asawa ka nang ate ko?? Paanong nangyari yon? Ni wala nga yong pinapakilalang boyfriend noon tapos ikaw asawa niya? Are you kidding me?!" Sigaw ko rito pero ang gago ngumisi lang.
"We actually get married secretly without your knowledge and sorry for that though. Mahal ko lang nang sobra ang ate mo kaya nagawa ko yon nang hindi nagpapaalam sa inyo. Ayokong makawala pa siya sa akin at maunahan ako nang iba thats why.."
Akma ko sana siyang susuntukin pero pinigilan ko ang sarili ko nang maalala ang isa sa sinabi niya tsaka dahil rin sa pagpipigil sa akin ni Naia.
"Kung ganon..yung asawa ba nang lolo ko ang nananakot sa ate ko para hiwalayan ka?"
"Yeah..that manipupative old woman is the reason behind it."
"Gusto kong bangasan yang bungo mo pero pasalamat ka at malaki ang utang na loob namin sayo. Pero wag kang umasang tutulungan kita sa ate ko kasi hindi ko gagawin yon."
"I know. Kaya ko namang paghirapan ang ate mo and whatever her decision if she'll going to come back to me or not ay tatanggapin ko parin. Whats more important for me now is that mabalikan niya ang mga anak namin." Sagot nang gago sa akin at sinubukan pang ibulong ang huling sinasabi pero narinig ko parin naman. Nahihimigan ko pa nga ang lungkot sa boses nito habang sinasabi yon.
Pero ano??
"May anak narin kayo?" Sigaw ko at kung wala lang si Naia sa tabi ko na pilit akong pinapakalma ay nasuntok ko na talaga ang gagong to!
"Yeah. They're twins and they are turning five now actually at dahil sa matandang yon ay nawalan pansamantala nang ina ang mga anak ko."
Naikuyom ko naman ulit ang mga kamao ko dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 1 - Puzzle Piece (Rhythm of Hearts) [Completed]✓
Historia Corta♡ Heart Series 1 ♡ A broken heart is somehow the same as a broken puzzle. Hinding hindi mabubuo ang puzzle kung mayroong nasira o nawawalang isang piraso nito. This is a story where two broken persons will be connected and through music, the rhythm...