Simula nang pamahalaan ko ang kumpanya namin ay madalas na akong nawawalan nang oras kay Naia at sa anak namin. May oras pa nga na nag-away na kaming dalawa dahil sa sobrang subsob ko sa trabaho.
Hindi ko rin naman kasi magawang iwan sa iba ang pamamahala lalo pa at wala pa akong mapagkakatiwalaang tao na pwedeng pag-iwanan sa kumpanya.
And today, a misunderstanding happened in between us again because of my work. Pero hindi lang yon kasi mayroon din akong panibagong problema sa kumpanya. Bagong problema na hindi ko alam kung paanong malalampasan lalo pa at magkaaway kami ni Naia.
"Love I'm sorry."
Paghingi ko nang tawad sa kanya pero hindi niya ako pinansin at kinuha ang baby namin sa crib na bahagyang umiyak maybe because she's already hungry.
Kapapanganak niya lang noong isang araw at kanina lang siya nakauwi kasama ang baby namin pero imbes na samahan ko sila sa pagdischarge gaya nang pangako ko ay hindi nangyari dahil may naging aberya sa kumpanya.
Nagkaroon kasi nang maling shipment nang mga construction materials sa isa naming kliyente kaya kinailangan ko talagang puntahan para maayos sana agad yung problema kaya nga lang wala ring nangyari kasi naghanap nalang nang ibang supplier ang kliyente.
We lost millions because of that at ako ang sinisisi nang iilang board dahil sa kapabayaan ko raw when in fact bago gawin ang shipment na yon ay sinigurado ko talagang tama ang mga idedeliver. I am hands on in our business but I don't know why that thing happened again. Pangalawang beses na kasi itong nangyayari at hanggang ngayon ay wala akong naiisip na dahilan kung paanong nangyayari yon.
Hindi ko naman masabi sabi sa kanya kasi ayokong mamroblema pa siya lalo pa at kapapanganak niya lang. But if this will cause a misunderstanding between us ay wala akong ibang naiisip na paraan kung hindi ang sabihin sa kanya.
While she's sitting on top of our bed and breastfeeding our baby ay niyakap ko naman siya galing sa likuran saka ipinahinga ang ulo ko sa balikat niya. Luckily ay hindi niya ako pinaalis at hinayaan lang sa ginawa.
Ilang minuto lang kaming nasa ganong posisyon at nang magkaroon na nang lakas nang loob na sabihin sa kanya ang lahat ay ginawa ko na.
"Kaya hindi ko kayo nasamahan sa paglabas kanina because something happened in the company which cause a millions of loss again." I whispered to her at naramdaman ko namang natigilan siya.
"What did you say?" Aniya saka lumayo sa akin kasama ang anak namin.
"Nagkaaberya kasi sa isang shipment sa bagong kliyente at aayusin ko sana kaya umalis ako pero huli na kasi nagback-out sila dahilan para mawala ang ilang million sa kumpanya."
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin? At anong ulit? Pang-ilang beses na tong nangyayari ha?" She said after getting our daughter back in her crib.
"Ayoko lang na mastress ka dahil kapapanganak mo palang and uh..pangalawang beses na itong nangyayari kaya sinisisi ako nang board ngayon dahil sa kapabayaan ko."
"Oh God! Love naman! Hindi ba sabi ko sayo na kung may problema ka ay wag mong sosolohin? Kung anong problema mo ay problema ko rin tsaka alam mong kayang kaya ko ang sarili ko. Mas nasestress pa nga ako kapag nag-aaway tayong dalawa alam mo ba yon?"
"I'm sorry." Tanging nasabi ko nalang habang nakayuko.
D*mn! Naghahalo halo na ang problema ko kaya hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Unang una ang kasal namin, tapos ang kumpanya at ang panghuli ang mga tao sa kumpanya na hanggang ngayon ay wala paring tiwala sa akin.
"Look at me love." She commanded habang nakahawak sa magkabila kong pisngi. Sinunod ko naman siya sa gusto niyang mangyari.
"Yon lang ba ang pinoproblema mo o may iba pa? Kasi alam kong kayang kayag mong bawiin ang mga nawalang milyon sa kumpanya niyo. Now tell me kung meron pa at wag kang mangsisinungaling." Aniya na mukhang nahalata pa na may iba pa akong pinapasan na problema.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 1 - Puzzle Piece (Rhythm of Hearts) [Completed]✓
Storie brevi♡ Heart Series 1 ♡ A broken heart is somehow the same as a broken puzzle. Hinding hindi mabubuo ang puzzle kung mayroong nasira o nawawalang isang piraso nito. This is a story where two broken persons will be connected and through music, the rhythm...